Chapter 15

11.8K 179 23
                                    

Erika's POV

"Maam, matutulog na po ako. Kayo po ba ayos lang?" Tanong sakin ni manang. Siya ang katulong namin sa bahay, siya din ang nagaasikaso kay Winter at Summer.

"Sige po, okay lang po ako. Aantayin ko pa po kase si David." Sagot ko sakanya. Tumango lang naman siya at umalis.

Nandito ako ngayon sa living room, inaantay si David. Alas dose na kase at wala pa siya, kahit galit ako sakanya gusto ko padin siya kausapin kung bat ba siya nagkaganon.

Napahikab ako at nahiga sa sofa.

Hays, kung kailan ikakasal na kami tyaka magkakaganyan si David. Ano ba talagang problema niya?

Sa kakaantay sakanya di ko napansin nakatulog na pala ako.

"Maam, gising na po." Napamulat ako ng bumungad saken si manang na ginigising ako. Ganon paden ang posisyon ko dito sa sofa.

"Manang, umuwi po ba si David?" Tanong ko sakanya.

"Ay hindi po maam. Gising na po sila Summer at Winter." Sabi niya saken na ikinadismaya ko.

Bakit hindi umuwi si David?

"Ah sige po manang, anong oras na po ba?" Tanong ko sakanya habang tumatayo. "Alas diyes na po maam, baka ho malate kayo niyan." Sabi niya saken habang naghahanda ng makakain.

"Sige manang magaayos na po ako." Pumasok nako sa kwarto at nag ayos.

Baka nasa office niya si David. Puntahan ko nalang don mamaya.

* * * * * * *

David's POV

"Dude why sudden meeting?" Tanong ni Damon.

Nandito lahat ng kaibigan ko sa office ko. Nagpatawag ako ng meeting dahil sasabihin ko sakanila yung pagbabalik ni Careen.

"Oo nga, David. Bat nagpa meeting ka ng tanghaling tapat?" Dugtong pa ni Rygel.

"She's back." Sabi ko sakanila ng hindi nililingon.

Walang sumagot sakanila. Kaya nilingon ko sila, nakakunot lang ang noo nilang lima.

"Who?" Tanong ni Red. Si Red ang pinaka close ko sakanila, even tho si Damon ang kapatid ko.

"Careen. She's back and she wants me ba---" Pinutol naman ni Damon ang sasabihin ko.

"WTF DUDE! Wag mo sabihin na babalikan mo pa yang babaeng yan?" Inis na sabi niya saken.

"I don't know..." mahinang sabi ko. Hindi ko naman talaga alam kung babalikan ko pa siya.

"Huh! David don't you dare to hurt, Erika again." Sarcastikong sabi ni Red saken. Lahat sila nakatingin lang saken. Masama din ang tingin ng iba saken.

"I wont. It's just i still love Careen---"

"RYGEL!"

"OH DAMN! STOP!"

Hindi ako nanlaban ng bigla akong suntukin ni Rygel. I know i deserve this, i deserve this kind of punch. Pinsan nila si Erika at alam kong nagagalit sila saken.

"Fvck you David! Dapat hindi ka nalang binigyan ng second chance ni Erika!" Sigaw niya saken. Hindi nalang ako kumibo tinulungan naman akong tumayo ni Brix.

"Ikakasal pa man din kayo! So ano hindi mo itutuloy ang kasal tapos iiwan mo si Erika at ang mga anak niyo?!" Pinagtutulak pa ako ni Red. Pinigilan naman siya ni Tyler.

"Kumalma nga kayo. Pano to maayos kung hindi kayo kakalma." Inis na pumagitna saamin si Damon.

"Sinong kakalma sa ginawa ng Kuya mo?" Duro saken ni Ocean.

WCS1: David Zachary Grey's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon