Darkness no.14: The True Liar

3.6K 66 3
                                    

Nagulat talaga ako sa pinag sasabi ni Troy. Bakit niya kaya ginawa yon? Dahil lang ba sa isang posisyon na ibibigay kuno sa akin. Pwes sa kanyan niya yon. Hindi ako interesado.

Kasalukuyan kaming nasa harap ng counter non ng bigla kaming kinompronta ni Mr. Monde. Naninikip ang dib dib ko sa galit. Para akong sasabog.

"Patrick totoo ba na ikaw ang kumuha ng pera?" Tanong sa akin ni Mr. Monde.

Hindi manlang ako sumagot ng mga oras nayon. Nakatingin lang ako sa malayo na parang walang naririnig. Si Mr. Monde naman ay mukang hindi maka paniwalang magagawa ko yon. Todo ang iling nito at pag tapik sa lamesa.

"Hindi ba kayong tatlo mag sasalita?'' Banta nito sa amin. "Kung gayon mapipilitan akong isara muna ang carinderia at walang magtatrabaho hanggat hindi umaamin ang talagang kumuha." Pagpapatuloy nito.

-------√v^√v^√v^ Darkness no.14: The True Liar √v^√v^√v^-------

Umalis na si Mr. Monde. Sa paglakad niya papalabas ng Carinderia eh hindi parin maalis ang pag ngiwi nito sa mukha.

Tatlo nalang kaming natira sa may loob ng carinderia ng mga tagpong yon. Nakatungo lang ako ng biglang kumilos na si Troy. Kinuha nito ang kanyang uniporme na nakasabit sa upuan at matahimik na lumabas.

"Pare bakit hindi ka sumagot kanina?" Alam ko naman na hindi mo yun magagawa diba?" Biglang sabi ni Eman sa akin. Pero hindi ko parin siya sinagot.

"Uwi na tayo." Tanging nasabi ko sa kanya.

Tahimik kaming nag lalakad papuntang apartment ng hindi ni Eman maiwasan ang pag uusisa. Inunahan niya ako sa paglalakad at hinarangan. Hinawakan niya ako sa aking balikat at agad na nagtanong.

"Pare naman hindi mo ba talaga ipag tatanggol ang sarili mo?" Tanong nito habang medyo naiinis na.

"Tumabi ka Eman." Sa mahina kong sabi.

"Puta ka naman talaga ohhhh!" Paapi effect kapa eh. Sabay smid ni Eman sa akin.

Sabagay may point naman si Eman. Pero ang gusto ko kasi eh siya mismo ang sumuko at umamin sa ginawa niya. Dahil naniniwala ako na mabait si Troy. Siguro nagalit lamang siya at nainggit ng narinig niya na gagawin akong cook. Pero As if namang tatanggapin ko yun. Eh ngayon ngang hindi ko pa tinatanggap eh may away na.

"Bala ka na nga Saver!'' Banas na wika ni Eman sabay iwan sa akin sa may kalsada.

Pinagpatuloy ko lang ang aking lakad hanggang makapunta ako sa may apartment. Pagdating ko roon eh agad kong binuksan ang aking lap top at tinignan kung naka online si Benedict. Pero malas ako dahil wala pa siya.

Nilagay ko ang aking kamay sa aking ulo at nahiga sa may kama. Paunti unti kasi eh parang na absorb na yata ng utak ko ang mga binitawang salita ni Eman kanina. Para itong isang lecture sa school na hindi ko napasukan kaya naman eh ngayon ko lang nalaman.

Sa aking pag mumuni muna ay biglang bumukas ang pintuan. Aba si katrina. Mukang makikichismis din.

"Saver totoo ba ang lahat?" Sa pag aalala nito.

Pero tinignan ko lang siya sa kanyang mata at huminga ng malalim.

"So ginawa mo nga?" Tanong ulit nito sa akin.

"Hindi." Sa mahina kong boses.

"Sabi na nga ba eh. Alam mo gawain talaga yan ni Troy eh! Kung hindi lang matagal na siya rito nakoo. "Hayaan mo isusumbong ko siya kay tito!" Nanggagalaiting wika ni Katrina. Sabay tangkang lalabas na.

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon