Darkness no.12: Blood Crisis

3.9K 68 5
                                    

Day off ko ngayong araw. Walang akong ginawa kundi makipag usap kay Benedict gamit ang video call sa may skype. Langya talaga tong lalaking to. Hindi man lang mag ligpit ng kwarto niya ang gulo. Dahil mula sa background ng video call niya ay nakikita ko ang mga gamit niya na naka kalat sa kwarto. Parang pinag rambulan ng sampung lasing sa may kanto.

"O anong balita sa imbestigasyon mo?" Tanong ko kaagad.

"Ahhmmm eto medyo nahihirapan ako. Hi nack ko kasi ang site ng secret laboratory na yun. Pero may hinihinging password. Kaasar nga eh." Wika nito na medyo napapamura pa.

"Kaya mo yan. Alam ko naman na porte mo ang mga hacking na mga ganyan eh! kaw pa!" Pag pupush up ko konyari.

"Ano pa nga ba." Sa maikli nitong sagot.

Mahaba rin ang pag uusap namin ni Benedict ng bigla nanamang sumakit ang tiyan ko. Bigla akong napaiktad sa harapan ng computer. Napahawak ako sa aking tiyan habang hindi naman maitago sa aking mukha ang sobrang sakit.

"Oy pare anong nagyayari sayo?" Tanong ni Benedict na nasa kabilang linya.

"Nagugutom lang siguro ako." Wika ko habang nakahawak parin ako sa aking tiyan.

Bigla akong pinawisan. Halos ang feeling ko eh para aking ng Eh LBM. Ang hapdi. Sa palagay ko eh naghahanap nanaman ang aking tiyan ng sariwang dugo para mabawi ang aking gutom bilang isang bampira.

"Benedict out muna ko." Alibi ko sa kanya.

"Sige parekoi. Mag ingat ka..." Pagpuputol niya.

Hindi pa tapos si Benedict na magsalita ngunit bigla ko ng pinatay ang video call at agad na sinara ang aking laptop.

-------√v^√v^√v^ Darkness no. 12: Blood Crisis √v^√v^√v^-------

Panandaliang nawala ang sakit ng aking tiyan makalipas ang ilang minuto. Hindi ko alam kung kailan ito ulit aatake kaya naman eh agad ko naman itong ti nake advantage. Bigla akong nagpunta sa mini ref na nasa kwarto ko. Mula sa pinaka looban nito ay tinignan ko ang isa sa mga sikreto kong lalagyanan. Isa itong tintid glass na parang kahugis ng bote ng alak.

Agad ko itong kinuha. Binuka ang aking bibig at agad na tinungga ang laman noon. "Haiiii!" Bulalas ko habang gumuguhit sa aking lalamunan ang malamig na dugo ng baboy. Ngunit tila kulang. Nabitin ako. Dugo ang laman ng botelyang iyon. Ninakaw ko pa mula sa kitchen ng carinderia.

Oo yun ang gawain ko. Tuwing nauubusan na ako ng stock ng dugo mula sa mga hayop ay nag pupunta lang ako sa kusina upang mangolekta.    

Halos nakikita ko pa mula sa aking mga ugat ang mga dugo na dumadaloy at nagbibigay sa akin ng buhay. Pero kulang ang nainom ko. Kailangan ko pa ng isa pang bote ng dugo upang tuluyang mabawi ang aking lakas at magpatuloy sa buhay. 

X~X~X

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Pati rin ang oras ay hindi ko na malanan. Eh kahit na ilang oras akong nakatulog eh wala akong ideya. Hanggang bigla akong ginising ng isang malakas na pagyugyug sa buo kong katawan.

"Ano ba!!! " Galit ko.

Madilim ang buong kwarto kaya naman eh. Hindi ko maaninag ang mukha ang gumising sa akin. Kinakapa ko ang aking cellphone pero wala ito kung saan ko ito nilagay kanina. Pambihira!

Red Moon (Published Book under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon