Darkness no.11: Longing for Blood

4K 62 7
                                    

Halos isang linggo rin akong nakaratay sa kama. Maigi naring mag kunya kunyarian akong masakit ang katawan para naman hindi sila mag hinala. Unang una kasi eh ayaw kong magpadala sa ospital. Ang alibi ko eh. "Okey lang po ako. kaya koto." kahit na todo pilit nila sa akin. Sunod nawala agad ang mga galus ko. Pano ko kaya sasabihin sa kanila na kusang naghihilum ang mga sugat ko sa aking katawan. 

Maraming nagsasabi sa akin na kung nasa pwesto lang daw nila ko eh siguro eh lasug lasug narin ang mga katawan nila sa aksidenteng kinasangkutan ko. O kaya eh nagka amnesia na ako. Kung pwede ko nga lang sabihin na. "Hey guys bampira ako! I would. Kaya lang eh. Yun ang buhay. Baka patayin pa nila ako dito or ikulong sa kwarto.

Pero ito pa ang malala. Na dyaryo pa ang inyong lingkod. Nakalagay sa isang tabloid ang bold letter at kulay pulang marka na. Isang lalaki himalang nabuhay pagkabangga ng isang patrol car.

-------√v^√v^√v^ Darkness no. 11: Longing for Blood √v^√v^√v^-------

  

Nakanganga at hindi kaagad ako makapag salita, Bilog na bilog ang mga mata at todo ang hawak ko sa newspaper ng umagang yon. Nakatingin lang sa akin si Katrina pagkabigay sa akin ng dyaryo.

"O nagulat kano? Sabagay ganyan din ang reaksiyon ko pagkatapos ng gabing yon." Wika ni katrina sa akin. 

Napabuntong hininga ako. Pano nato kaya nga ako nagtatago eh para hindi matunton ng mga bampirang humahabol sa akin ngunit ito pa yata ang mag le lead sa kanila.

 "Ahhh wala. Artista na pala ako!" Sa pagbibiro ko sabay tingin kay Katrina na nakangiti.

"Ha ha! Alam mo eh kulang payan dahil wala pa ang pangalan mo. Siguro magiging sikat ka pag ganun?'' Patong naman niya.

"He he sa palagay ko nga." Bawi ko namang sagot.

"O siya. Diyan ka muna at papasok nako." Wika sa akin ni Katrina pagtayo. 

"Ahhh Katrina?" Sa pagpuputol ko.

 Mula sa pagtalikod niya sa akin ay muling lumingon pabalik sakin si Katrina.

 "Ano yon?" Tanong nito.

"Sa palagay ko eh okey na ako. Kaya mamayang gabi pakisabi kay Boss na babalik na ako sa trabaho." Pagsasalaysay ko.

"Anoo? Sigurado ka?" Bigla nitong tanong.

"Oo naman!" 

X~X~X

Binati ako ng lahat pagkatapos kong bumalik sa trabaho. Feeling ko eh isang taon akong nawala. Halos pinagyayakap ako nila Boss at nila Eman pag baba ko. 

 "Grabe ka Saver para kang hindi nabundol. Ang kinis!!!" Wika nito habang nakatingin sa balat ko.

"Medyo masakit pa nga eh. Pero konti nalang." Kunyari kong sabi.

I'm back in the game sabi ko sa isip ko habang tinitignan ang mag tables at chairs na nasa harapan ko. Mag dadalawang buwan narin ako rito. Kaya parang ito narin ang naging pangalawang pamilya ko.

Pagdating ng alas dose ay bigla ng dumating ang mga call center agent. Na miss koto yung oras kung saan eh hindi ako magkanda ugagang magbigay ng order. Pero kahit na isang beses eh hindi ako nagkamali ahhh. Yun! yun ang maipag mamalaki ko.

Hindi pa ako ng iinit sa pagbigay ng mga order ng bigla akong tawagin ng chef cook namin. Na si Mang Bernard. Agad akong nagpunta ng kusina. Halos nakikita ko pang maraming nakasalang na kawali pag pasok ko. Malalakas ang apoy nito na halos lampas sa mga kawaling nakalagay rito. Nakakamangha.

Red Moon (Published Book under LIB)Where stories live. Discover now