A Sexy Mistake 10- WEH?!

56.4K 707 22
                                    

RAIN's POV


"I'M asking you!"

naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto namin

"thunder,ano ba?!" naririnig ko pang sigaw ng isang babae

babae? huwag mong sabihing may babae na naman sya na nagdedemand ng kung ano-ano?! tumayo ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto

"hindi na mahalaga yun" thunder calmly said

Nakita ko si trixie,  nakabusangot ang mukha nung huli habang si thunder naiinis na, sumandal ako sa hamba ng pinto at pinanuod ang kadramahan nitong babaeng ito hindi ko alam  pero kasi ang init ng dugo ko sa kanya, nakakairita sya kahit wala pa syang ginagawa

"naglilihim ka na sa akin,ganun?" 

"kasi hindi naman importante yun, paano mo ba nalaman?" thunder asked her

"pinuntahan ako nung babaeng binayaran ko, she was supposed to be your bedmate pero how come na naging yung babaeng yun ang kasama mo?"

"mahabang kwento" thunder answered thriftilly

"marami akong oras para makinig, bakit ka may kasamang babae kung hindi naman nakarating yung totoong babae na binayaran ko?" Ang dami nyang tanong kaya sumingit na ako sa pag-uusap nila

"e kasi nga asawa nya ako"  napatingin sila pareho sa gawi ko

"Nandito ka na naman?!" she asked

"e ikaw? bakit nandito ka na naman?" mataray kong sagot sa kanya

"dati ko ng ginagawa 'to" she said defensively

"wala akong pakialam" sabi ko at nilampasan sila

"bakit ba ang yabang mo?!" galit nyang sabi at hinawakan ako sa braso para mapigilan ako sa paglakad na agad ko namang inalis

"Don't you dare touch me" I said in a warning tone

"tama na yan" awat ni thunder sa aming dalawa

"paalisin mo na sya" I commanded him

"sino ka para paalisin ako?" trixie asked

"gusto mong isampal ko sa pagmumukha mo ang marriage contract namin?" Naiinis kong sabi sa kanya 

ang laki talaga ng galit ko sa kanya,hindi ko alam kung bakit? siguro kasi dahil alam kong may gusto sya kay thunder

"Rain!" thunder shouted

"ano?!" I hissed

"stop it" 

"F-ck you, magsama kayo!" sabi ko na lang, ayaw ko ng humaba pa ang pagtatalo namin dahil sa huli, alam ko namang ako ang mali, syempre mas kakampihan nya si trixie.

"sige na trixie" narinig kong sabi ni thunder mula sa sala then I heard the door's open and closed

kinakain ko na ang nakita kong ham,hotdog at itlog sa lamesa kanina na baka niluto nya ng makita ko si thunder na pumasok sa kusina at nagderetso sa may table kung saan nakalagay ang gatas 

"oh" sabi ni thunder at ibinigay ang tinimpla nyang gatas

hindi ko sya pinansin, kaya umupo sya sa katapat kong upuan

"rain" 

"huwag mo kong kausapin,kumakain ako" kontra ko sa sasabihin nya

"hindi tayo magkakasundo kung hindi ka matututong makinig"

"hindi tayo magkakasundo kung hindi ka marunong magset ng tinatawag na privacy kahit bestfriend mo pa sya" I harshly said but that was a fact, ngayung mag-asawa na kami, hindi na pwede na basta na lang sya pumasok dito

"hindi ko pwedeng gawin yun"

"matagal ko na syang kaibigan,nasanay na sya dun,hayaan na lang natin" 

"Sige, edi lilipat na lang ako ng matitirhan baka kasi nakakaistorbo pa ako sa inyo" I suggested

"No!"

"pwes, hindi pwede sa'kin ang ganyan,ano ito? basta na lang sya papasok na akala mo kanya 'to! thunder kahit mag bestfriend, may limitasyon"

"bakit ba galit na galit ka sa kanya?" 

"dahil gusto ka nya"  nagulat ako sa sinabi ko, nadulas ako, parang ang dating nagseselos ako. Woa.

"what?! kalokohan, bestfriend lang ang turingan namin" 

"ikaw, pero sya imposible,babae rin ako, thunder alam ko kung ano ang mga ibig sabihin ng mga tingin nya sa'yo"

mabuti na lang at hindi nya nabigyan ng pansin yung sinabi ko at hindi sya nagtanong

"nagkakamali ka lang" 

"bahala ka" pagsuko ko na lang dahil ayaw nyang maniwala

"teka, e ano naman kung gusto nya ako?" 

nabilaukan ako dahil sa tanong nya, akala ko hindi na nya mapapansin. Inabutan nya ako ng tubig

"nagseselos ka ba?" tanong nya pagkatapos kong makainom

"h-ha? Asa ka!" I said in defense but he gave me a wide grin

"Hindi ako nagseselos!" I yelled

"talaga? then,why are you acting like that?" he continue teasing me

"k-kasi...kasi ayaw kong sabihin ng iba na wala pang isang buwan e kinakaliwa mo na agad ako" lies.

"really?" he said while wearing that devilish grin

"Hindi nga sabi, bakit ako magseselos? hindi naman kita mahal at hinding-hindi kita mamahalin, kahit kailan!" I hissed

biglang napawi ang ngiti nya, napalitan yun ng isang emosyon na hindi ako sigurado kung ano, bakit ba kasi yun ang sinabi ko?

"I thought, we will make this relationship work?" he seriously said

tiningnan ko ang mga mata nya parang may ibig syang iparating pero hindi ko matukoy kung ano

"h-hindi natin maaayos 'tong relasyong ito kung sa simpleng bagay lang na katulad ng hinihiling kong privacy para sa ating dalawa ay hindi mo kayang ibigay" sabi ko na lang sa kanya

"Fine,I'll talk to her" I sigh in relieved

pero parang nagu-guilty ako dun sa sinabi ko kanina na hindi ko sya magugustuhan kahit kailan, I doubt it, e nagustuhan ko nga sya nung high school pa lang ako.

Kath's:

THUNDER's at the side >>>

salamat sa mga nagvo-vote lalo na sa mga nagko-comment.

I appreciate it a lot,ayos din na mabasa ko ang mga comment nyo,at least nababasa ko yung mga nakakalimutan kong ilagay katulad na lang nung paid girl..haha nakalimutan kong sabihin na hindi pala sya nakarating kaya ayan haha alam nyo na kung saan sya napunta.

Edited
FigsAraza

A Sexy MistakeWhere stories live. Discover now