A Sexy Mistake 4- Let's give it a try

70.3K 755 23
                                    

It can't be! hindi pwede yun! sya?!

"no way!" Hindi makapaniwalang sabi ko

"yes way!" sagot naman nya

hindi maaari, ang asawa ko ay ang bangungot ko nung high school?!

"no,no,you must be kidding,hindi pwede!" Kontra ko pa

"well! wala ka ng magagawa, asawa mo na ako"

"hindi pwede! hindi pwede na ang asawa ko ay ang worst nightmare ko nung highschool!"

"Well sorry, but it just happened, I am now your husband" he teased

Hindi ako makapaniwala, ang galing maglaro ng tadhana.

"Kailangan ko na bang magsuicide?" Pagsuko ko

"Grabe ka naman sa akin" depensa nya habang umaakto na nasasaktan

"totoo naman eh! wala kang ginawa nung high school kundi ang asarin ako at pagtripan,ha! hinding-hindi kita nakalimutan, marami ka ding utang sa akin!"

"I'm glad to hear that, wife" pang-aasar nya pa sa akin

tsk! Why do I feel like burning?!

"you're blushing!"

"no, I'm not!" kainis naman oh! bakit affected ako ng tinawag nya akong 'wife?'

"still the denial princess ha?" he teased again

"at ikaw, you are still a class A  jerk!" inis kong sabi

"haha, alam ko naman na crush mo ako high school pa lang eh, pakipot ka pa!"

ang yabang nya talaga!

"mabuti na lang at hindi tayo nagkasama nung college, pero I can't imagine na sa ganitong paraan pa tayo nagkita ulit at sa ganitong sitwasyon?!" I said hysterically

"wala akong ibang naaalala kundi ang mga cute facial reaction mo way back in high school" 

"at ako puro kagaguhan mo ang naaalala ko!" I shouted

"chill babe, sige nga ano ang mga natatandaan mo?" he asked

hinding-hindi ko ito makakalimutan thunder! wala sa bokabularyo ko ang makalimot lalo na pagdating sayo.

and I started telling him, how jerk he was

"THUNDER CLARK JIMENEZ!"

Napagtripan na naman ako nung walanghiyang thunder na yon,at sa lahat nilang magbabarkada sya lang ang natandaaan ko, sya lang ang gwapo eh .

akmang aalis na sya ng biglang mapatigil sya sa pagtakas dahil binato ko  sya , narinig kong napasinghap yung mga tao sa paligid, andito kami sa Mcdo, hinawakan nya ang likod nya at nakita ko kung paano naging dark bigla yung aura nya dahil itinapon ko lang naman sa kanya ang bote ng gravy!nadumihan tuloy ang school uniform nya, asar sya eh!

tinitigan nya ako,hindi ko alam kung galit ba sya, para kasing ina-admire nya ako

nilapitan ko sya at binigyan ng isang malakas na sampal

"para yan sa pagdrawing mo ng kung ano-ano sa litrato ko!" At muli ko syang sinampal

"at yan,para yan sa kahihiyang binigay mo sa akin!" sabi ko

"napakasama mo!wala kang kwentang tao,wala kang ibang ginawa kundi ang pagtripan ang mga tao sa paligid mo!" gigil na sabi ko sa kanya

Magsasalita na sana sya ng may sumingit sa eksena naming dalawa

"hep!awat na mga guys,pogi, bakit mo papatulan itong napakagandang babae sa iyong harapan?at ikaw naman babae,huwag ka namang gumawa ng eksena dito!asa public place po kayo!" sabi ng di ko kilalang babae

tinitigan ko si thunder,aba mukhang na love at first sight ah!

OUCH!

"ay!bahala nga kayo!sino ka ba?magsama kayo!mga bwisit!" inis akong umalis

isang beses pa akong lumingon,at nakita ko na nag-uusap na sila!

kainis talaga!!!

"And that only proves na jerk ka talaga!" gigil kong sabi sabay suntok sa kanya

tumabi sya sa akin sa pagkakaupo ko sa kama

"well, honey,I was pretty high school back then,makulit pa ako nun" depensa nya

"hanggang ngayon naman eh!"

"hindi na love" paawa nya kasama ng malambing na boses

"ano ba yan! Honey,Love,wife , bakit iba-iba ang tawag mo sa akin?! Yan ba ang tawag mo sa ibat-ibang babae mo?!" I hissed

"hindi ah!" tanggi pa nya

"ewan!" ako sabay tanggal ng pagkakaakbay nya sa akin

"rain" hinarap nya ako

"what?" 

"let's give it a try" he said

"give a try what?!" inip kong tanong

"eto!" sabi nya sabay buka pa ng mga kamay

"go straight to the point!" I commanded

"as husband and wife,let's give it a try,let's give a chance na makilala natin ang isat-isa"

"kilala na kita!" mataray kong sabi sa kanya

Ayoko ng maging biktima ng pangbubully nya

"not yet babe, not when Im already twenty seven,I am a grown man!" pagmamalaki nya pa

Bakit kaya ganito sya bigla? Kung tutuusin pwede naman naming aksyunan ang biglaang marriage contract na yun, for sure kung ilalaban namen yun sa korte mananalo kami pero kelangan ko ito para sa last will at siguro alam din yun ni thunder na may laban kami pero I think he has his own reasons kaya pinipili nya na sumunod na lang sa nangyayari.

"okay,three months" I said

"three months lang?six months" kontra nya pa

"three months" I insisted

"three months and a half" hirit pa nya

"three months" ako

he heaved a deep sigh

"fine then,three months,and after that,kapag walang nangyari, magpapa-annul tayo" he said

naramdaman ko naman ang pagtutol sa isang bahagi ng utak ko

no,It can't be,crush ko lang sya noon,nung high school pa ako,kaya imposible!

"it's settled then" pagtatapos ko sa usapan naming dalawa

"okay, that's the deal,but never set any rules!" hirit pa nya ulit

"what?!" gulat kong sabi

"kaya nga let's give it a try di ba? Gagawin natin ang mga ginagawa ng tunay na mag-asawa sa isip, sa salita at sa gawa!" he said while grinning

"okay na sa isip at salita but never in action!" kontra ko pa sa kung anong iniisip nya

"you can't say that,we have no rules!just leave it with your feelings" sabi nya sabay kindat sa akin

hindi na ako nakakontra kasi lumabas na sya ng kwarto pero bago yun tumigil sya at humarap sa akin

"oh! by the way, you're so hot and sexy! I'm so excited to burn you into ashes with my touch, nabitin ako kanina eh!" sabay kindat nya ulit

"bastos!!" akmang babatuhin ko na sya ng unan ng  nakalabas na agad sya

bakit naging manyak na sya?

kath's:

sa MAKE HIM MINE chapter 21 entitled THUNDER CLARK JIMENEZ ay makikita nyo ang flashback dun pero POV yun ni THUNDER, unlike dito na POV ni RAIN,basahin nyo rin yun para malaman nyo ang side ni  THUNDER,share your POINT of VIEW guys. Thanks!

Comments are highly appreciated :)
08June2012

A Sexy MistakeWhere stories live. Discover now