A Sexy Mistake 1- Damn Hell!

93.3K 971 47
                                    


It was a blast yet tiring day for me, kakauwi ko lang galing sa competition na sinalihan ko and unfortunately, I just won the second price. Kainis! pero kahit ganun it will never stop me from believing na darating yung time na ako naman ang mananalo because honestly, I never won any competition since the day that I got myself into this field. Synchronize swimming , this is what I want, this is my passion and definitely my life.

I am an Interior Designer graduate, being an interior designer is fun, especially when you're happy doing it. They all said that I should pursue being in the field of interior designing, but my heart says that being a swimmer is what I really want.

Although swimmer ako, ginagawa ko pa rin naman yung trabaho ng isang interior designer, in fact, I am working on my mom's company, pero dahil sa amin yun, pumapasok lang ako kapag may client ako.
Nagagalit nga si dad eh kasi sayang daw yung pinag-aralan ko pa sa abroad kasi in the end hindi ko naman daw ginagamit. Sabi ko naman, darating din yung panahon na kailangan ko ng mag-resign at iwanan ang pagsasayaw sa ilalim ng tubig at kapag nangyari yun saka ko pagtutuunan ng pansin ang pagiging interior designer ko kasi once na magka-anak naman ako hindi ko na pwedeng pagsabayin ang pagiging swimmer habang nagi-interior design.

Isa pa, malaki ang chance na masira na yung figure ko, but I will never allow that to happen!

Akmang hihiga na ako sa kama ko ng may mapansin akong papers sa ibabaw ng drawer sa tabi ng bed ko, tiningnan ko kung ano yun and to my astonishment

"what the hell is this?!" sabi ko habang binubuklat ang papers

I started reading it...

This Certifies that Rain Angelica Tezzoro and Thunder Clark Jimenez were united in marriage on this day June 1 in the year 2012

"no! It can't be!" di makapaniwalang sabi ko

I'm married? Seriously?! But how?

Gulong-gulo na ako, hindi ko maintindihan kung papaanong nangyari ito, and then flashback follows

"Ah, kasi you need to sign this" mama said while handling me the two papers that she's holding

 I was in a hurry, I immediately sign the papers without reading the content. After signing the two papers without getting any idea what it is all about, I gave it to my mom, and she accepted it with a big smile on her face.

 
no! hindi maaari!

"MA!" I shouted at the top of my lungs

biglang bumukas ang pinto at nanlalaki ang mga mata ni mama marahil sa pagsigaw ko

"mama! what the hell is this?!" I said hysterically habang pinapakita sa kanya ang mga papeles

"oh! nabasa mo na pala" mama said as if it was nothing.

"mama, you're aware with this, aren't you?" I said fiercely 

sana hindi ito totoo, I wish that this was just a prank!

"yeah! in fact, ako ang nagpapirma nyan sayo"

"mama! w-why? h-how?, tell me!" I shouted

"Rain Angelica Tezorro! Don't you dare use that tone to me!" sermon sa akin ni mama

galit na sya, ganyan kasi si mama eh, tatawagin nya ako sa buo kong pangalan pag galit na sya.

"sorry mama, but please explain further" this time mas kalma na ako

"okay, I hope you still remember the time when you signed the papers dahil kahapon lang naman yun" mom started

"u-huh?"

"and that papers was the one you were holding right now" she pointed the papers I'm holding

"really?" I said , disbelief was written all over my face

"yeah, congratulations!" mama

at nagawa pa akong i-congrats ni mama?

"ma, do you really know where you put your daughter into?" I asked

"Ofcourse, I am fully aware with this" mama said sounding so proud while giving me an evil grin

"ma! for pete's sake I am just twenty one!" I said

I am getting irritated with this!

"no honey, you are already twenty one!"

"but ma!" 

"no more buts, don't worry anak, your husband is really handsome" she winked

"ma, that's not the point, ang akin lang bakit ba atat na atat kayo na mag-asawa ako?" I asked

"Simply because of our last will and testament" 

"last will and testament?" I asked curiously

"what is it all about?" dagdag ko pa

"the last will and testament includes na hindi mo makukuha ang yaman na mamanahin mo when you reach at the age of twenty three at wala ka pang anak" mama said

at the age of twenty three? dapat may anak na ako?

"mama! ano ba namang klaseng testament yan!at tsaka bakit gumawa na kayo, samantalang ang lakas-lakas pa ninyo,  at si dad? alam ba nya ito?" sunod-sunod kong tanong

"naghahanda lang kami anak at oo , alam ito ng daddy mo" mama said

"mama" I said 

naiiyak na ako,bakit ba ako naset-up sa ganito?

"Dear, If I were you, sundin mo na lang kami, we know what's best for you at isa pa, Ikaw naman ang may kasalanan eh, you signed the papers without even reading it, so don't blame me because you had a choice, hindi mo nga lang binasa" mama said smiling from ear to ear

what's best for me? really ha?! pabagsak akong umupo sa kama

"here" 

napatingin ako kay mama, nakita ko sya na may iniabot na susi

"susi saan ito ma?" tamad kong sabi sa kanya

nawalan na ako ng gana na magprotesta kasi mukhang wala na rin naman akong magagawa eh , ayoko rin namang mawalan ng mamanahin no!

"susi ng bagong condo na titirhan mo" mama said excitedly

"may condo na ako?" I asked

somehow I feel excited kasi naman wala akong condo, ayaw akong bigyan ni mama kasi gusto daw nya akong laging kasama

"u-huh! since may asawa ka na" and she just ruined my excitement

"ano? payag ka na magka-anak ka?" Tanong ni mama

I heaved a deep sigh

"siguro mama kailangan ko munang kilalanin yung instant husband ko" I said dropping off the conversation, nahiga na ako sa kama at naghahanda ng magpahinga

"o sige anak kailangan bukas makalipat ka na ha"

Excited ba syang paalisin ako?

"mama, how did you do that? pwede ba kaming makasal ng ganun lang? ng dahil sa isang pirma?" tanong ko

"don't underestimate our power Angelica, idagdag mo pa na makapangyarihan din ang pamilya ng napangasawa mo, posible yun angel, lalo na at pinsan nila ang judge na nagrelease ng contract na yan"

ano ba itong napasukan ko? kung bakit naman kasi hindi ka nagbabasa rain eh!

Damn!

08 June 2012

Comments are highly appreciated :)

A Sexy MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon