21

91 9 5
                                    

Nagulat sila sa biglang pagbukas ng malakas ng Pinto!

Napalingon sila sa may pintuan!

"Ano yun!" Sabi ni Kaje na may gulat!

"Tama! Ikaw ang Wizard Master!" Sabi ng lalaking nakahood na nagbukas ng malakas sa Pinto!

"Te-teka! Si-sino ka?! Anong kailangan mo?!" Tanong ni Kaje na may takot!

Dahan-dahang lumalapit ang lalaki!

"Huwag kang lalapit!" Sabi ni Kaje na sobra ng natatakot!

Hinawakan ang balikat ni Kaje ng Daddy niya at sinabing... "Anak sandali."

Napatingin si Kaje sa kanyang Ama na may pagtataka! "Daddy?.."

At unti-unting lumalapit ang Daddy niya sa lalaking nakahood.

Dahan-dahan namang inalis ng lalaki ang kanyang hood at sinabing... "Kamusta, Kapatid ko!" Sinabi niya yun na may galak at sabay itinaas ang dalawalang kamay hanggang balikat...

"Sabi ko na nga ba, ikaw yan!" At biglang niyakap ang kanyang Kapatid na may galak din!

At lumapit din ang Mommy ni Kaje...

Inalis ang pagkayakap sa Kapatid! At sinabi sa Mommy ni Kaje na... "Hipag... Kamusta ka naman hindi ka ba pinapahirapan nitong Kapatid ko?..."

"Ikaw talaga, mapagbiro ka parin hanggang ngayon!" Sinabi niya yun na natatawa...

At nagyakapan din sila saglit!

Pinapanood lang sila ni Kaje ngunit may pagtataka!

At napansin ng lalaki si Kaje!

"Siya nga pala! Masaya ako na nakita ko kayong muli, pero alam niyo naman siguro na hindi kayo ang pinunta ko dito!" Sinabi niya yun sa Mommy at Daddy ni Kaje.

Nagtinginan ang Mommy at Daddy ni Kaje mata sa mata! "Uhm, alam namin yun!"

Bigla silang nagseryoso...

Lumapit ang Daddy ni Kaje sa kanya at may sinabi. "Anak!" Tumingin siya lalaki at sinabing... "Kapatid ko siya!"

 nagulat siya.. "Kung ga-ganun Tito ko siya?,,"..

Tumingin siya ulit sa anak! "Oo Anak! At yung sinasabi mong parang palaging may sumusunod sayo!"

Vampires Vs. Wizards: LOVE or DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon