LOVE at First Meet?

292 10 2
                                    

"Kaje!" Nagulat si Kaje kasi may tumawag sa pangalan niya! Isang napakagandang tinig ng isang babae! At lumingon siya! Nang makita niya, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita! Pagkat nakita niyang isang napakagandang babae ang tumawag sa kanyang pangalan! Natulala siya... Sa isip niya, ("Ang ganda niya, napakaganda niya at nagkikislap ang kanyang kaputian! nasa langit na ba ako,? ito ba ang tinatawag nilang anghel...?")

"Honey!" Sabi ng babae habang iniaabot ang kanyang kamay kay Kaje.

At nagising na lang bigla sa pagkatulala ng marinig niya ang mahinhing tinig ng babae!

"Ha-ho-ney..?"

"Yup, yan ang pangalan ko!" Sinabi niya yun na nakangiti!

Natulala siya ulit habang nasa isip ito... ("Grabe ang ganda niya talaga..! Ganda pa ng tinig niya! Ang cute niya ngumiti!")At napahawak siya bigla sa kanyang Puso! ("Teka! bakit! Bakit ganito, tumitibok ng kay bilis ang Puso ko! Ang ingay pa!") "Tu-tog! Tu-tog! Tu-tog!"

"Hoy!!!" Paggulat ni Honey kay Kaje na sinabay na pag clap ng isang beses sa kanyang kamay para magising siya sa pagkatulala!

At nagising naman ito! "Teka bakit mo ginawa yun!"

"Akala ko kasi nawalan ka na ng malay! Nakatulala ka kasi at di nagsasalita!"

"Ah-eh!" Reaksiyon niya parang nahihiya!

At napangiti na lang bigla si Honey!

"Te-teka! Sino ka ba at ba-bakit mo alam ang pangalan ko!"

"Di ba nasabi ko na kanina at sinambit mo pa! Pero sige magpapakilala ako ulit! I'm Honey..." At iniabot niya ulit ang isa niyang kamay!

Ngunit hindi maiabot ang kamay ni Kaje dahil sa kaba at sa hiya!

Ngunit di inaasahan ni Kaje na kukunin ni Honey ang kanyang kamay at sabay sabing... "I'm Honey,  at kung tinatanong mo kung pano ko nalaman pangalan mo! Yun-oh..." Itinuro niya gamit ang kanyang mamula-mulang lips! tapos inalis ang kamay niya at ngumiti!

"Ha!" Kinuha ni Kaje ang nakakwentas na ID niya sa likod! Tinignan niya ito! At naalala niya na may malaking pangalan niya pala sa ID na yun!

"Sige... Nice to Meet you... Bye..." At umalis na si Honey! Ngunit lumingon pa ulit at ikinaway ang kanyang kamay na nakangiti!

At tuluyan ng umalis...

Maraming tumatakbo sa isip ni Kaje!

("Sino kaya siya... Bakit ganun na lang kabilis ang pagtibok ng Puso ko habang kaharap ko siya! At saka! Damang dama ko parin ang init ng kanyang makinis na kamay sa aking palad! Ngayon lang ako nakatagpo ng tulad niya! Grabe... IBA SIYA!")

At yun ang una nilang Pagkikita...

Vampires Vs. Wizards: LOVE or DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon