Kaje & Honey

100 8 0
                                    

Bago tayo magpatuloy, kilalanin muna natin ang ating mga bida!

Si KAJE, isang lalaking ayaw magsalamin kahit medyo malabo ang mata, dahil ayaw siyang mapagkamalan na matalino! "Mahirap kayang mataas ang expectation sayo!" Yun ang paniniwala niya! Siguro may mga nagsasabi sa inyo, "Porki ba may salamin matalino na!?" Haha! Pero sa totoo lang matalino siya! Pero kahit ayaw niya magsalamin, gumagamit naman siya ng contact lens! Siya ay nakatira sa isang lugar sa kagubatan na medyo malayo sa University na kanyang pinapasukan ngayon! Bata palang siya nagtataka na siya kung bakit ayaw ng mga magulang niya na  umalis sila sa lugar na yun kahit nag-iisa lang ang bahay nila dun! At sa tuwing tatanungin niya naman! Iisa lang palagi ang sagot ng kanyang mga magulang! "Malalaman mo din sa takdang panahon!". "TAKDANG PANAHON? Ano kaya yun?!" Labis na siyang naguguluhan, pero sa twing sasabihin ng mga magulang niya yun! Hindi na niya pinagpipilitan pang alamin ang totoo! Tahimik naman ang pamumuhay nila, ewan ko lang kung matatahimik pa sa pagpasok sa kanyang buhay ng Isang Babaeng may Mahiwagang Katauhan! At siya si HONEY! Sino si HONEY? Ewan ko... Mahiwaga nga ang kanyang katauhan di'ba? Ito lang ang masasabi ko sa kanya, siya ay Isang babaeng may mala-Anghel na Kagandahan, maputi, makinis ang kutis at may magandang hubog ng katawan! At matangkad! pero mas matangkad pa ng kaunti si KAJE! At kung ano pa man ang kanyang ibang katangian! Bahala na kayong alamin yun, sa mga susunod na mangyayari!

Vampires Vs. Wizards: LOVE or DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon