Chapter ɤ Three

1.8K 65 20
                                    

"Idol. Betlalu ko 'tong story. Ang ganda. Parang may nagtutulak sa'king basahin 'to.  Yung tipong subaybayan, ganon. Haha. Kiber Update na pls :D"

- kyonghwaoppa

x---------------------------------------------x

Warning: Short. Mostly flashback. Haha.

x●●x


Chapter ɤ Three

Twelve years ago...

It was a dark night and all I could see was the heavy rainfall and the rapid motion of light outside the car window.

            Hinawakan ko ‘yung salamin ng bintana at parang maliliit na ngipin ang pagkagat ng lamig sa palad ko. “Sapphire?” Tumingin ako doon sa babaeng nakaupo sa harapan ko, sa may passenger’s seat. Ngumiti siya sa akin. “Nilalamig ka ba?”

 

            Ibinaba ko ang kamay ko. “Medyo po.”

 

            Tumango siya at tumingin doon sa lalaking nakahawak sa manibela at nagmamaneho ng sasakyan. “Hon, hinaan mo ng kaunti ‘yung aircon. Giniginaw ‘yung dalawang bata.” Sinunod ni Papa ‘yung sinabi niya.

 

            Muling tumingin si Mama dito sa likod pero sa pagkakataong ito ay dumako ang tingin niya sa batang babaeng nakapatong ang ulo sa kandungan ko. Hinawakan niya ang noo nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok. “Tulog na tulog ‘yung kapatid mo,” sabi ni Mama.

 

            “Ma,” tawag ko sa kanya. “Bakit aalis na naman po tayo?”

 

            Bumukas ng kaunti ang bibig ni Mama pero imbis na magsalita ay nagpakawala lamang siya ng isang mabigat na hininga. “You know why, Sapphire,” pagpapaliwanag niya.

 

            Bumaba ang tingin ko. “Hindi po ba pwedeng sabihin nalang sa mga pulis na walang kasalanan si Papa? Mami-miss ko po ‘yung mga kaibigan ko.”

 

            Ngumiti ng manipis si Mama at inabot ang kamay ko. “Wala ding maniniwala, anak. Saka, makakahanap ka rin ng bagong kaibigan sa lilipatan natin. Alam kong magugustuhan mo ‘yung lugar na ‘yon.”

 

            Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lamang. Apat na beses na kaming lumilipat ng bahay. Kung saan-saan na rin kami napadpad sa loob lamang ng maikling panahon. Bagong bahay. Bagong mga kaibigan. Bagong eskwelahan. Lagi nalang bago ngunit wala ring nagtatagal. Sa huli ay kami parin ang aalis at mang-iiwan.

 

            Hinawakan ko ang balikat ni April. Pitong taong gulang na siya, mas bata sa akin ng tatlong taon. Maya-maya lamang ay huminto ang sasakyan namin sa isang gas station. “Bibili lang ako ng makakain at ng extra gas,” sabi ni Papa. “Dalawang oras pa ang biyahe natin.” Binuksan niya ‘yung pintuan ng kotse at saka lakad-takbong umalis papunta sa isang convenience store para hindi siya masyadong mabasa ng ulan.

Nero & Sapphire (hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon