Chapter 6: On Being Silly

1.6K 36 29
                                    

Chapter 6: On Being Silly

Dave

"Ano?" nakangiti kong bigkas matapos ang ilang minutong katahimikan pagkaupo namin sa isang bench para kainin ang binili kong siopao. "Ano na?"

Medyo awkward. Marahil ay dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay namin nung huling Biyernes. Pero 'yung mga daglian naming tinginan at ngitian sa isa't isa ay sapat na para magsindi ng kandila sa pagitan namin para bigyan kami ng panibagong liwanag.

"Anong 'ano'?" pagtataka niya na parang natatawa pa.

"Ano ga?" ulit ko.

"Anong 'ano ga'?"

"Ano... Ano nga?" Inulit ko na naman. Gusto kong subukan magsalita ng iba ngunit walang maibigkas ang dila ko kundi iyon. Natatawa na tuloy kami sa isa't isa. Hindi ko kasi alam kung paano kami magsisimula. Basta gusto ko lang magsalita--makausap siya.

"Ay ang kulet. Ano ga?"

"I mean, ano--kumusta? 'Yun. Musta?" saad ko saka umiwas ng tingin at unti-unting tinanggal ang papel ng siopao. Pinipigilan kong matawa sa sarili ko dahil nagmumukha na akong tanga.

"Anong kumusta? Matagal 'di nagkita?" natatawa niyang tugon.

"Kumusta!" Napatigil ako sa pagbabalat ng siopao at nagpaliwanag nang di-oras. "Like--kumusta  ka na kasi wala akong ibang maisip na sasabihin sa'yo or itatanong. May masabi lang kasi gusto kong sumagot ka. Gusto kong makausap ka. Parang ganun." Tumingin ako sa mga mata niya saka dinugtong ang, "Gets mo ga?" Agad naman siyang umiwas ng tingin kaya ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa siopao ko.

"Okay lang naman," sagot niya matapos ang pag-iwas at sandaling katahimikan. Saka naman niya ibinalik sa'kin ang tanong. "Ikaw ga? Kumusta? Okay ka na?"

Okay? Pakiramdam ko okay ako ngayon. Bakit? Siguro dahil kasama ko siya ngayon. Ngunit sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay agad umeksena ang sadistang katotohanan para sampalin ako at ipaalala ang lahat ng mga gumugulo sa isip ko nitong mga nakalipas na araw.

Muli kong ibinaling ang mga mata ko kay Maggie. Hinihintay kong tignan niya rin ako. Umaasang muling matatakluban ng maganda niyang aura ang mga gumugulo sa'king isip. Ngunit hindi niya ako nilingon. Abala siya sa pagbalat ng siopao niya, kaya napasagot na lang ako sa kanya ng, "Okay na," saka ako kumagat ng siopao.

Nawalan na ako ng sasabihin pagkatapos. Pero mas nawalan ako ng ganang makipag-usap. Hindi na rin naman kasi siya umiimik. Pareho na lang naming itinuon ang atensyon sa kanya-kanyang siopao.

Kung medyo awkward lang kanina, level up naman ngayon. Awkward na talaga. Ganap na ganap na. Madalas, hindi kami natitigil sa pagdaldal habang kumakain, maliban na lang kung parehong hindi maganda ang timpla namin. Gaya nga ngayon. I'm not okay. I don't know if she's really okay. We're not okay--I'm sure.

Last Friday, kung anu-anong kamalasan ang inabot naming dalawa hanggang sa matapos ang araw na 'yun sa pagsusuplado ko't pag-walk out. Tapos hindi pa kami nag-text-an mula nun. And then here we are, eating together as if nothing bad happened. This is a clear picture of us pretending to be okay. Just like what Maggie usually does: acting like the Ambassadress of Smile-Lang-Kahit-Ano-Pa-Ang-Problema.

"Um," bukambibig ko bigla sabay naman sa bigla ring "Ah," ni Maggie.

Nagkatinginan kami pero agad nag-iwasan. Then I turn to her again to ask her, "May sasabihan ka?" but she replied, "A, wala."

Habang pinagmamasdan ko siya sa bawat kagat, nguya, at lunok niya ay may kung anong bagay sa utak ko ang pilit na kumakawala palabas sa bibig ko para makuha ang atensyon niya. Hanggang sa bigla na lang ay nailabas na nga ng dila ko ang mga salitang, "Hindi pa rin ako okay." It was  quiet though, so I'm not sure if she heard it.

My GF Is Not So Panget (Various Ways of Killing Your Best Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon