Chapter 4: Bad Friday

1.9K 43 46
                                    

Chapter 4: Bad Friday

Maggie

Friday na. Halos isang linggo na ang lumipas mula nung JS pero araw-araw ko pa ring naaalala ang lahat sa tuwing matatahimik ako o walang ginagawa. Minsan nga kahit may ginagawa pa rin ako, biglang sumusulpot sa isip ko ang mga pangyayari.

Naaalala ko ang damit kong pinagtalunan pa namin ni Chloe. Hindi ko inakalang magiging ganun kaganda ang alteration na ginawa nila. Maging ang hair and make-up ko na pulidong inayos ni Rain na hanggang ngayon, hindi pa rin ako sigurado sa kasarian niya. Nagmistulang fairy godmothers ko silang dalawa kaya natanggap ko pa ang surpresang award Swan Princess of the Night.

Bukod sa lahat, palagi ko pa ring naiisip si Dave--ang ngiti niya--ang mga pictures namin--ang sayaw namin--ang sunrise--ang muntikan niyang paghalik sa'kin nung hinatid niya ako. Bawat alaala at bawat ihip ng hangin sa mukha ko habang nakadungaw dito sa bintana ng dyip ay pinakikilig pa rin ako nang todo.

Naging mas close kami matapos ang JS. Nung Monday, ginaya niya ang ginawa ko sa kanya nung muntik niya na akong halikan. Nung uwian nang magpaalam na kami sa isa't isa, humalik siya sa palad niya, saka niya ito dinikit sa pisngi ko. Iyon na ba ang kiss namin sa isa't isa? Nakakahiya lang kasi ako ang nagpasimuno nun. Feeling ko tuloy ang landi-landi ko.

Nung Tuesday, mas maaga siyang pumasok kesa sa'kin pero di ko siya nakita agad. Ang bumungad lang sa'kin pagkalapit ko sa upuan ko ay ang isang long stem red rose sa arm desk ko. Lagi na lang ganun. Wala na ba siyang ibang kilalang bulaklak? Pero kahit pa, nakakakilig pa rin kasi red rose means love. Maigi na 'yun kesa bigyan niya ako ng korona ng patay, tapos saka siya babanat sa'kin ng: Ako'y patay na patay sa'yo.

Nung Wednesday naman, kahit buong araw na kaming magkasama, maya't maya pa rin siyang nagte-text sa'kin ng mga pick-up lines. Ako naman si unli, reply din naman nang reply. Mukha kaming mga ewan.

Kahapon, Huwebes, tinanong kami ni Chloe, "Are you, guys, a thing again?" Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata. Nagkunwari akong walang narinig. Pero narinig ko na lang na sumagot si Dave ng, "Not yet, Chlow. Soon. We're taking it slowly but surely. Nililigawan ko pa rin siya," sabay tapik niya ng knuckles niya sa pisngi ko, dahilan para mapatingin ako sa kanya, pero hindi ako ngumiti. Nagmaang-maangan lang ako kahit sa loob-loob ko, e, ikamamatay ko na ang mga ngiti niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang ganun kagwapo ang manliligaw ko. Feeling ko talaga pwede na ako sa Rejoice commercial: Haba ng Hair.

Hindi ko mapigilang ngumiti, pero... Napansin ko na lang na dalawa na lang kaming pasahero sa loob ng dyip na nakahinto sa isang kanto.

Wait!

LAMPAS NA AKOOO!!!

"Ma, saglit po! Bababa ho!" sigaw ko sa drayber nang akmang paandar na uli.

Aaargh! Nakakainis si manong! 'Di man lang nagsabi kung Sacred na! Pinabayaan lang akong mag-imagine.

Dave

TGIF: Usually, people get hype on Friday. Ipinagpapasalamat ng lahat ang araw ng Biyernes dahil malinaw nitong ipinapahayag ang kalayaan ng lahat sa kamay na bakal ng tinatawag nilang "Hell Week". Pero iba ang kaso ko, pagkagising ko pa lang--nang makita ko ang araw ngayon sa alarm clock ko, nakaramdam ako agad ng panghihina. Oh, God! It's Friday! Sa iba, it's a hell week, pero sa'kin, it's a heavenly week; kaya sadyang nakakapanghinang malamang matatapos na ang napakasayang linggo ko.

Since prom, puro tawanan at kiligan na lang kami. Naalala ko nung iparinig ni Maggie sa aming magkakaibigan ang mga epic fail audio messages ko na kumakanta, pahiyang-pahiya ako nun, pero the weird part is--I liked it. Nagustuhan ko 'yung blend ng hiya at kilig ng mga oras na 'yun. Parang tamang timpla ng gatas at choco. Parang kaming dalawa ni Maggie: tama ang timpla.

My GF Is Not So Panget (Various Ways of Killing Your Best Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon