Chapter 2: Beautiful In My Heart

2.9K 50 22
                                    

Chapter 2: Beautiful In My Heart

Maggie

♪ ♫ You're my peace of mind

In this crazy world.

You're everything I've tried to find.

Your love is a pearl. ♪

Nahinto ang paghakbang ko pababa nang hagdan nang salubungin ang tenga ko ng unang stanza ng kantang Beautiful In My Eyes.

♪ ♫ You're my Mona Lisa.

You're my rainbow skies, ♪

Grabe lang. Kanina pa akong gising--nakahiga lang, nakatulala, pinapakalma ang sarili mula sa panaginip kong di ko inasahan. Nang makahinga na ako nang maluwag, bumangon, at lumabas ng kwarto--heto na naman...

♪ ♫ And my only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes. ♪

Hindi ko kinaya ang bilis ng tibok ng puso ko kaya muli akong bumalik ng kwarto. Sumandal ako sa pinto at naupo sa sahig.

Naririnig ko pa rin ang kanta. Mahina na ang tunog sa tenga ko, pero malakas pa rin ang tama sa puso ko.

♪ ♫ The world will turn

And the seasons will change,

And all the lessons we will learn,

Will be beautiful and strange. ♪

Pakiramdam ko, naubusan ako ng lakas. Kanina lang, napakasaya at napakanakakakilig ng panaginip ko kasama siya at siya--sila. Nang bumalik ako sa panaginip ko, bumaligtad ang lahat.

♪ ♫  We'll have our fill of tears

Our share of sighs. ♪

Iniwan niya ako. Iniwan ko siya. Naguguluhan ako. Hindi lang isa ang kasama ko sa panaginip ko. Dalawa sila.

Si Dave...

At si Jules.

♪ ♫ And my only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes. ♪

Kasama ko sila sa panaginip ko. Noong nakaupo kami sa may malaking bato, masaya kaming tatlo.

♪ ♫ You will always be... Beautiful in my eyes.

And the passing years will show

That you will always grow

Ever more beautiful... In my eyes ♪ ♫

Hanggang sa nagkayayaan na nga kami. Pero sino sa kanila ang nagyaya sa'king maglaro ng Dota? Pareho silang naglalaro nun. Naguguluhan na talaga ako.

♪ ♫ When there are lines upon my face

From a lifetime of smiles

When the time comes to embrace

For one long last while, ♪ ♫

Theme song. Tama. Ito 'yun, 'yung tinugtog ng banda nung naglalakad ako sa red carpet. Theme song namin ito--hindi ni Dave--kundi ni Julian.

♪ ♫ We can laugh about how time really flies. ♪ ♫

Oo. Nagtatawanan lang kaming tatlo kanina sa panaginip ko. Masaya--sobrang saya.

My GF Is Not So Panget (Various Ways of Killing Your Best Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon