67 - Almost Euphoria

153 8 14
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko. Ang sakit ng ulo ko pagbangon ko, para akong lutang na ewan. Ano bang ginawa ko kagabi?

Nakita ko si Daillie na tulad ko ay kalalabas lang din ng kwarto, kaso pagkakita sa 'kin ni chararat biglang sabog ang tawa n'ya. Kahit kelan talaga 'tong bruhang 'to! Bumalik tuloy ako sa kwarto at humarap sa salamin. Anong kalunos-lunos ang nangyari sa 'kin at ang laki at ang itim ng eyebag ko na parang isa akong Panda?

"Good morning!" bati sa 'kin ni Elavel sabay akbay, pumasok din si Daillie sa kwarto at tumalon sa kama ko para magpagulong-gulong.

"Breakfast na tayo. Hinintay ko talaga kayong magising para sabay-sabay na tayo," pag-aaya ni Elavel.

"Bakit mas malambot ang kama ni Simile kesa sa tinulugan ko!" panggugulo ni Daillie.

"Sa sahig ka kasi natulog. Nahulog ka sa kalikutan mo," sagot naman ni Elavel.

"Ah kaya pala ang sakit ng noo ko," tuwang-tuwang sagot ni Daillie. Kaya pala mapula noo n'ya, nagbabadyang bukol pala 'yon. "Ang sakit ng ulo ko, bukod sa bukol ko may ginawa ba 'ko kagabi na hindi katangap-tangap sa lipunan?"

Iniisip ko kung ano nga bang pinaggagawa ni Daillie kagabi pero ang sakit din ng ulo ko eh.

Napahawak sa noo si Elavel sabay iling. Kinakabahan ako ah! Bakit ang lakas ng kutob kong may ginawa akong kalokohan kagabi?

"Oh kumusta ang mga lasing kagabi?" biglang pagsulpot ni Errol kaya nagkatinginan kami ni Daillie na parehong naglalakihan ang mata sa kabila ng matinding sakit ng ulo. Uminom ba ako? Madami ba 'kong nainom? Nagwalwal ba ako kagabi? Isip, Simile! Isipin mo kung may nagawa kang kalokohan kagabi.

Walwal queen pa naman kapag nalalasing. Hindi naman siguro, hiya ko lang sa kanila kung susubukan kong maglasing dito at magwalwal. Oo tama, wala akong ginawa kagabi.

Napansin ko si Daillie na parang niri-recall n'ya ang mga nangyari kagabi tapos bigla s'yang nakahinga ng maluwag. Pagtulog lang naman ang ginawa n'ya kasi ako pa mismo ang kasama ni Blaire nang ihatid- teka? Si Blaire? Si Blaire!

"'Wag n'yo akong ibilin sa kanya! Kaya ko ang sarili ko!"

Ano yun? Bigla akong kinabahan sa naalala ko. Anong pinaggagawa ko kagabi? Oh please! Sana wala akong ginawang kahiya-hiya kagabi!

"Nakita n'yo ba si Blaire?" tanong naman ni Niel na bigla na lang sumulpot sa kwarto ko. Ayos! Dito talaga sila nagtipon-tipon sa kwarto ko habang sabog pa buhok ko at hindi pa 'ko nakakamumog.

"Umuwi na sila ni Irish. Si Devo din nagpaalam nang uuwi."

Nanghina ako sa narinig ko. Magkasama silang umalis ni Irish. Si Devo naman umalis na walang paalam, pasaway talaga.

Sabay-sabay kaming nag-almusal at kanina ko pa iniisip kung anong nangyari kagabi.

"Kailan ang balik mo sa Amerika n'yan?" usisa ni Niel habang ngat-ngat ang isang malaking parte ng manok. Walang nagbago sa gana n'yang kumain, nakakabilib.

"Humingi ako ng extension, mga one week ulet."

"May pastillas akong dala!" daldal ni Elavel bago inilapag sa mesa ang anim na pastillas.

Sabay-sabay kaming napatitig sa mga pastillas na 'yon.

"Sobra ng isa," bulong ni Errol na 'kala mo ang lungkot-lungkot.

"Bakit pakiramdam ko may may-ari dapat ng isang pastillas?" murmur ni Daillie. Ang aga-aga pero bigla kaming nakaramdam ng lungkot.

"Nami-miss ko na si Rhea," tumulo ang luha ko nang maalala ko ang isang kaibigang hindi na namin nakikita.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Donde viven las historias. Descúbrelo ahora