Missing Me (Part I)

107 6 9
                                    

Sana hindi na lang kita ulet naalala.

Sana noong bumalik ang alaala ko hindi na sumama ang memorya ko tungkol sa 'yo.

Ibinababa ko ang mangkok ng lugaw na luto n'ya at sumilip sa bintana.

Paalis na s'ya at ihahatid ng driver ko pabalik sa tinutuluyan n'ya.  Mabuti pa nga ngayon nakikita ko ang pag alis n'ya hindi tulad noon.

Napaluhod ako nang umatake ulet ang sakit ng ulo ko dahil sa lagnat kong 'to.  Wrong timing.

Halos maiumpog ko na sa pader ang ulo ko sa sakit at tumutulo na rin ang luha ko.

Nakita ako ni Andrei at patakbong niyakap ako.  Humahagulgol ako sa sobrang sakit.  Ayoko na nang ganito.

"Tito papagalingin ko ang sakit mo," hinalikan ni Andrei ang ulo ko at pinilit kong magmukang okay para hindi na mag-alala ang bata.

"Thank you, Andrei.  I'm feeling better now," pagsisinungaling ko.

I'm feeling better now.

Ang pinakamalaking pagsisinungaling na kaya kong sabihin ngayon.

Pagmulat ng mata ko liwanag lang ng sikat ng araw mula sa bintana ang nasisinagan ko.

Nasaan ako?  Anong lugar ba 'to at bakit ako nandito at nakahiga't mag-isa?

Bumangon ako at nakita ko ang mga kable na nakakonekta sa katawan ko.  Natakot ako.  Nalilito ako.  Bakit ako nandito?

Hinawakan ko ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng kirot at nakapa kong wala pala akong buhok.  May nakakapa akong mga umbok sa ulo ko na para bang sugat na humilom na.  Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Bakit wala akong ideya kung anong meron?  Anong ginagawa ko dito?  Bakit may mga sugat ako?  Bakit may mga kableng nakadikit sa katawan ko?  Ano nga bang pangalan ko?  Sino ba 'ko?

Bumaba ako sa higaan ko at natumba nang subukan kong lumakad.  Walang lakas ang tuhod ko.

May mga nagpasukang mga tao na nakasuot ng puting damit at may takip ang mga bibig.  Sino sila?  Bakit nila ako hinahawakan?  Sa takot ko pumalag ako at nagsisisigaw.

May kung ano silang tinusok sa balat ko na sobrang hapdi.  Gusto kong lumaban pero nawalan ng lakas ang buo kong katawan at pumikit ng kusa ang mga mata ko.

***

Nagkamalay ulit ako at may dalawang tao akong nakita sa tabi ko.  Gusto ko sanang sumigaw pero nanghihina pa rin ang katawan ko.

"S-Sin-o kay-o," hirap na hirap kong pagsasalita.

Nalungkot ang dalawa nang tanungin ko sila.

"Si ate Eunjean at kuya Lavi mo 'to, Blaire," sabi ng babae.

Blaire.  Ako ba yun?  Pangalan ko ba yun?  Blaire ba ang pangalan ko?

Ilang buwan din siguro ako noon na parang ligaw sa mundong 'to.  Hindi alam ang pagkakakilanlan at hindi alam kung saan lulugar.

Nasagasaan daw ako at ilang buwan na undercoma.  Hindi daw nahuli kung sino ang nakasagasa sa 'kin na tumakbo na lang matapos akong makitang humandusay sa kalsada.

Dumating pa nga noon si Papa at ang akala ko kukunin nila ako pero hindi.  Hindi ko noon alam kung bakit umalis na lang s'ya na hindi ako isinama.  Nag-isip pa nga ako noon kung bakit walang pamilyang kumukuha sa 'kin o dumadalaw.  Inisip ko pa nga noon na baka masama akong tao bago nangyari sa 'kin yun kaya walang nag-aaruga sa 'kin nang mga panahong 'yon.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now