23] Mr. Seloso

13K 217 13
                                    

A/N: Ei guys, remember yung pakulo ni Author sa 'Chapter 18 - Can I court you'? Na-post ko na po yung story nung nag-pm sa'kin... It's a KathNiel fanfic din and OneShot lang sya... Pakibasa if you have time. Entitled 'First Love Never Dies'. Please click the external link sa dulo to read it... :)

Cholomot... Masaya ako na 20k+ reads na ang TMH vs. TW... ^________^

 

- Sarrah ♥


>>>♥<<<


23


Kathryn's POV

Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nung maging kami ni DJ. Ang saya nga eh, kasi kahit na kami na, lagi pa rin nya akong pinapakilig. Ginanap yung victory party nila sa isang five star hotel kinabukasan after nung championship game. As usual invited ako. At alam nyo ba? Sobrang haba ng hair ko nung gabing yun. Eh pa'no ba naman? Inannounce lang naman ni DJ sa lahat ng taong nandun na kami na. At hindi lang yun! Hinarana pa nya ako! O diba? Ako ng maganda. Hahaha...

Anyway, ayun nga. Habang mas tumatagal, mas lalo ko din syang minamahal. Eh kasi naman, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, halos wala ng ibang ginawa si DJ kundi ang patunayan kung ga'no nya ako kamahal. Hayy DJ... Bakit ba kasi ang sweet-sweet mo?

"Hi Miss, pwede maki-share ng table?" nasira yung pagmumuni-muni ko ng biglang may lumapit sa'king lalaki. Gwapo sya, pero syempre, mas gwapo pa rin ang boyfriend ko. Hahaha.

Andito nga pala ako ngayon sa Starbucks at inaantay si DJ. Umuwi kasi bigla yung Daddy nya galing States kaya umuwi din muna sya sa Bulacan. Tumingin ako sa paligid bago sagutin yung lalaki. Wala na ngang vacant table. Palibhasa Linggo kaya maraming tao. Tiningnan ko uli yung lalaki.

 "Yeah sure..." tipid kong sagot.

Pagkasabi ko nun, umupo na rin naman agad sya. Mukhang inaantay tawagin yung pangalan nya para kunin yung inorder nyang coffee. After ng ilang sandali, napansin kong patingin-tingin sya sa'kin. Hinayaan ko na lang. Hanggang sa siguro hindi na nakatiis, nagsalita uli sya.

"Alam mo Miss, you look familiar. Nagkita na ba tayo before?"

Napaisip naman ako. Mukha nga ding familiar yung face nya sa'kin. Hindi ko nga lang din maalala kung sa'n ko sya nakita. Bago pa man ako makasagot, biglang dumating si DJ.

"Kath..."

Awtomatikong napatingin kami sa kanya nung lalaki. Nakakunot yung noo nya.

The Man Hater vs. The WomanizerWhere stories live. Discover now