CHAPTER 5

26.4K 892 139
                                    

CHAPTER 5

ELLA MARIE’S P.O.V.

LIMANG MINUTO.? Limang minuto na akong nakatayo sa harap ng School ng Saint Paul International Academy. Suot ang bagong uniform ko na may Logo ng SPIA. Ito ang unang araw ko sa school na ito bilang transferee. Totoo nga ang sabi ni Shawn, mabilis nila akong na-transfer dito ng wala akong kaalam-alam. Si Daddy at Mommy, sila pa ang numero unong natuwa na pumasok ako sa SPIA, samantalang may sarili naman kaming school. Ang weird ng pag-iisip nila. Pero kahit anong pagtutol ko sila pa rin ang nasunod. Ay! Hindi pala… si Shawn Skyler Santiago pala ang nasunod.

“Excuse, tumabi ka sa daan nakaharang ka!” mataray na sabi sa’kin ng babaing kumalabit sa likuran ko.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakamameywang pa siya sa’kin. Habang nakataas ang kanang kilay niya. Sa tindig niya at pitik ng kamay, halata mo na isa siyang certified pa-Art. Panget na Maarte. Bahagya akong umatras upang bigyan siya ng daan.

“Hindi ka ba magsosorry?” mataray niyang tanong sa’kin.

“Bakit? Wala naman akong kasalanan sa’yo?” malumanay kong sagot sa kanya. Sinalubong ko pa ang matalim niyang tingin sa’kin.

“Tss… Hindi mo ba ako kilala?” sabi pa niya sa’kin.

Umiling-iling ako. “Hindi ka naman nagpakilala sa’kin.”

Hindi ko alam kung bakit gayon na lang ang paglaki ng mata niya at paglaki ng butas ng ilong niya sa sinabi ko. “So, New student ka?”

“Yes, why?” sagot ko po.

Lumapad ang ngiti niya nang tumingin sa’kin. Sa pagkumpas ng daliri niya. May biglang sumulpot na dalawang babae na sumubsob yata sa harina. Isa-isa ko silang tiningnan. Alam ko na ang ibig sabihin nito. Ako ang target nilang bulihin. Ganito ang nababalitaan ko sa school na ito maraming bully, at ako ang first target nila.

“A-Anong meron? May party ba?” sabi ko.

“Meron at ikaw ang gagawin naming dahila para mag-enjoy kami.” Sagot pa ng babaing kausap ko kanina pa.

“Sige, kapag sinaktan niyo ako lagot kayo sa Boyfriend ko.” Sagot ko. Naisip kong banggitin ang pangalan ni Shawn para naman hindi ako pagtripan. Tutal siya naman ang dahilan kung bakit ako nandito sa ganitong kalagayan.

“Wala kaming pakialam kahit sino pa ang boyfriend mo! Girls!”

Pinaikutan nila ako tapos palapit nang palapit sila sa’kin.

“Kapag sinaktan niyo ako. Susumbong ko kayo kay Shawn Skyler Santiago.”

Bigla silang huminto. Samantalang ang babaeng pa-bida. Hindi na maganda ang itsura ng mukha para siyang mangkukulam na witch hunter.

“Cheska!” tawag ng isa sa babaing sumubsob sa harina.

“So, Cheska pala ang name niya. Kaya pala ganyan ang itsura nita. Cheska for Chaka.” Sa isip-isip ko.

“Ikaw? Boyfriend si Shawn? Pathetic!” hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit.

Nilibot ko ang tingin. May mga estudyanteng nakatingin sa’min. Ngunit hindi man lang tumulong para awatin ang mga chaka dolls na ito.

“Bitawan mo ako!” warning ko kay Cheska. Pinagtiklop ko ang mga daliri ko sa kamay upang ihanda sa pagsuntok sa mukhang mangkukulam na si Cheska.

“Narinig mo naman siguro ang sinabi ng girlfriend ko!”

Tinig iyon na nagmula sa likuran ko. Hindi ako agad lumingon para kilalanin ang taong nagsalita dahil alam na alam ko kung sino siya.

“Shawn?” mabilis niyang inalis ang kamay niya sa braso ko at umatras palayo sa’kin.

MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)Where stories live. Discover now