CHAPTER 4

29.1K 831 102
                                    


ELLA MARIE'S P.O.V.

ALAM mo ang 'yung pakiramdam na habang nanonood ka ng movie sa sinehan. Bumibilis ang tibok ng puso mo, hindi dahil sa epekto ng movie na pinapanood mo. Kung hindi sa gwapong katabi mo.

Ganito ang nararamdaman ko ngayon, dobleng kuryente ang nararamdaman ko sa tuwing magdidikit ang balat namin ni Shawn, daig ko pa ang aatakihin ng sakit sa puso dahil sa bilis ng tibok ng puso. Naririnig kong tumatawa ang mga kasama ko sa pinapanood namin, kaya para lang hindi mag mukhang others. Tumatawa ako ng pilit. Alam mo yun, labas lang ang gilagid ko pero nakadikit lang ang ibaba at taas ng ngipin ko. This very awkward.

"Sexy Girldfriend, nilalamig ka ba?" tanong sa'kin ni Shawn.

"Medyo," tipid kong sagot sa kanya. Habang nakatingin ako sa pinapanood ko na hindi ko naman maintindihan dahil sa presensiya ni Shawn.

Naramdaman kong hinubad niya ang suot niyang jacket at inabot sa'kin.

"Suotin mo para hindi ka lamigin." Nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Salamat,"

"Alam mo Girlfriend, bigla kong naisip ang four wishes kong request sa'yo."

Nagtama ang mga mata namin nang tumingin ako sa kanya. Mabilis akong umiwas. "Hindi ko na itutuloy ang pagpasa ng story ko. Para hindi maging complicated ang lahat para sa'kin."

Tumawa siya nang malakas kaya naman nabaling ang tingin sa'min ng mga kasama namin. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapanuring mga mata ni Loren at Annaliza. I rolled my eyes.

"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya.

"Naipasa ko na kasi ang binigay mo sa'kin sa Dean niyo kahapon."

"What! Bakit mo ginawa iyon?!"

"Hindi ko kasi alam na ayaw mo, isa pa, gwapo naman at matcho ako boyfriend ko. Ayaw mo ba iyon?

"Conceited!" pabulong-bulong ko.

"Ayos lang gwapo naman, mas panget naman kung conceited ako tapos ang panget ko. Hmm..." pinagalaw pa niya ang kilay niya.

"Tse!" sabay irap ko at muli kong tinuon ang pansin ko sa panonood.

Muli naman akong hindi nakafocus sa pinapanood ko nang hawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko sana siya ng masama pero nakafocus siya sa movie na pinapanood namin kaya naman hinila ko ang kamay ko pero pinigilan niya.

"Bitawan mo ang kamay ko!" reklamo ko sa kanya.

"No way!" hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Wala ka bang mapagtripan?"

Lumingon siya sa'kin at tumingin. "Alam mo ba may naisip na akong second wishes ko."

"Bakit? Tinanong ko ba kung ano ang second wishes mo? Hindi ako interesado." Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Ang second wishes ko sa'yo ay magtransfer ka sa Saint Paul International Academy at hindi ka lalayo sa tabi ko. That's my second wishes." Sanay kindat niya.

"Aba't pakindat-kindat pa ito akala mo kikiligin ako sa ginagawa niya."

"In your dreams!" sabay irap ko sa kanya.

"Ganyan ang gusto kong Babae. Pa-hard to get. Don't worry, matutupad ang wishes ko sa ayaw at gusto mo sexy, yummy, Beautiful girlfriend." Sinadya pa niyang ibulong sa'kin ang compliment niya para sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin ng palihim. Siyempre naman nakakakilig naman talaga ang sinabi niya, kaya naman mas lalo akong walang naintindihan sa pinapanood namin hanggang matapos ang movie.

MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)Where stories live. Discover now