CHAPTER 3

29.1K 966 151
                                    

CHAPTER 3

ELLA'S P.O.V.

"Ella, bakit naglilihim ka na sa'min ng Mommy mo? May boyfriend ka na pala. Bakit hindi mo sa'min sinasabi?" tanong ni Daddy nang makapasok kami sa loob ng bahay namin.

Pabagsak akong umupo sa malambot na sofa namin at pinadausdos ko ang katawan ko upang tuluyan akong makahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko habang ang kanang kamay ko ay nakatakip sa mga mata ko.

"Ella Marie! Kinakausap kita. Wag mo akong tulugan!" pasigaw ni Daddy sa'kin.

"Ang sakit kasi ng ulo ko Daddy." Alibi ko.

"Gano'n ba? Sige dadalhin kita sa doctor para maturukan ka ng gamot."

"Tuturukan?" idinilat ko ang mga mata ko. Ayokong i-injection. Takot ako sa karayom.

Mabilis akong bumangon sa sofa at humarap kay Daddy. "Kaya naman Daddy ng pain reliver."

"Good, sagutin mo ang tanong ko. Kailan pa naging kayo ni Shawn Skyler Santiago?"

I rolled my eyes. Paano ko ba sasabihin na hindi naman naging kami. Gawa-gawa lang iyon ni Hudas barabas a.k.a Shawn.

"Akala ko kasi Daddy joke lang." alibi ko.

"Joke lang? Nagkiss na kayo."

"Ninakawan niya ako ng halik." Pabulong kong sagot.

"Anong ninakaw Ella?" sabi ni Daddy.

"W-Wala po, nagkakilala kami noon ni Shawn noong may magnanakaw na tumatakbo dahil hinahabol ng pulis. Binangga ako ng magnanakaw dahil nakaharang ako sa daan niya. Sumubsob ako sa kalsada. Mabuti na lang dumaan ang kotse ni Shawn. Huminto siya at tinulungan niya ako. Iyon po ang unang pagkikita namin." Nakasimangot kong sagot.

Ang lapad naman ng ngiti ni Papa sa tinahi kong kwento. Paano ba naman si Shawn Skyler ang boyfriend ko. Masyadong famous iyon. Kaya hindi mapagkakailang maging boto si Papa sa kanya.

"Iyon naman pala ang nangyari. Wag mo siyang palaging inaaway. Isa pa, kiss lang naman iyon anak. Basta wag lang kayong lalampas pa roon. Isang taon na lang graduate ka na. Ayokong umakyat ka sa stage na lobo ang tiyan."

Sumimagot ako kay Daddy. "Ako pa talaga ang nakikipag-away?" tinuro ko ng daliri ko ng dibdib ko.

Lumapit sa'kin si Daddy at tumabi sa kinauupuan ko. "Wag mo na siya pakawalan anak. Jackpot ka na do'n." sabay pang pinagtaas baba ni Papa ang kilay niya.

"Daddy, pati ba naman ikaw?!" reklamo ko.

Hindi mapagkakailang gwapo, matalino, mayaman at famous si Shawn. Pero bakit pati sila Mommy at Daddy gustong-gusto rin si Shawn.

"Basta, anak maging mabait ka kay Shawn Skyler Santiago. Siguradong magiging maganda ang future mo sa kanya." Tumayo si Daddy at ngumiti sa'kin bago umalis.

"Tss! Walang forever." Sa isip-isip ko.

PAGPASOK ko sa loob ng classroom namin. Napansin kong wala ang dalawa kong kaibigan na sina Loren at Annaliza. Madalas kasing sila ang palaging maagang pumapasok at hinihintay nila akong dalawa. Pero ngayon hindi ko sila nakita. Sinubukan ko silang i-text ngunit wala akong natatanggap na reply mula sa kanila.

"Napansin mo ba si Loren at Annaliza?" tanong ko sa kaklase kong nasa likuran kong nakaupo. Kasalakuyang nagle-lecture na ang professor namin.

"Kanina nandito sila. Ang aga nga nilang pumasok. Nagtaka nga ako kung bakit wala sila ngayon." Sagot ng kaklase kong babae.

"Gano'n ba? Thank you." Pagkatapos muli kong binaling ang tingin ko sa professor namin.

Mag-isa akong kumain ng lunch sa cafeteria dahil wala ang mga kaibigan ko. Hindi ko pa rin alam kung bakit bigla silang umuwi. Habang abala ang isip ko sa kakaisip sa dalawa kong kaibigan. Tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman iyong sinagot.

MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon