FORTY-EIGHT

1.2K 32 2
                                    

Claudine Pangilinan

9:04 PM

Claudine : Hi Linds! How's your first monthsary with your boyfriend?

Break na kami.

Claudine : Siraulo ka! Hahahaha.

Bakit? Mahirap bang paniwalaan, Claud?

Claudine : Hoy, Lindsay, ha! 'Wag mo 'kong pinaglololoko!

Ayos lang naman kung hindi ka maniniwala sa akin. Ako nga hindi pa rin makapaniwala, eh. Sobrang sakit.

Bakit sobrang bilis naman? Sa mismong 1st monthsary pa namin s'ya nakipaghiwalay.

Seen, 9:07 PM

Claudine : Bakit?! Hindi nga, Linds?!

Tunay nga, Claud.

Wala nga sana muna akong pagsasabihan, eh. Kaso hindi ko kayang kimkimin. Masyado akong nasasaktan. Baka sumabog ako. 💔

Claudine : Bakit kayo nagbreak ng siraulong Uzzea na 'yon?! Matapos ang lahat ng nangyari? Oh my gosh lang talaga!

Hindi ko rin talaga alam, Claud.

Basta nakipagbreak na lang s'ya sa akin. Ayaw n'yang sabihin ang dahilan.

Baka nagsawa sa akin? Baka may nagawa akong hindi n'ya nagustuhan? Baka may iba na s'ya? Baka na-realize n'ya na boring akong maging girlfriend?

Claudine : 'Wag mong isipin 'yan. Hindi ikaw ang problema. S'ya, s'ya ang problema, Linds.

Hindi ko na kaya, Claud. Bakit gano'n? Kapalit-palit ba ako? Hindi ba ako worth it mahalin? Ipinaranas n'ya lang ba talaga sa akin ng isang buwan kung paano mahalin ng isang Andrei Uzzea? Kung alam ko lang na magkakaganito, sana hindi na ako sumugal. Sana minahal ko na lang s'ya sa malayo. Para hindi ako nasasaktan nang ganito. Sobrang sakit pala, Claud. Ibinigay ko lahat ng pagmamahal ko sa kan'ya. Sobrang minahal ko s'ya tapos ganito lang pala ang mangyayari.

Seen, 9:10 PM

Claudine : Saglit nga, putek! Tatawagan ko si Edge, ang mga kapatid mo at ang mga pinsan mo! Magpapasama ako at pagbabayarin namin 'yang Andrei na 'yan! Magkamatayan na!

Hahaha! Joke lang. Grabe, tinawag ang buong angkan. Hahaha!

Claudine : Ha?

Joke lang. Binibiro lang kita, Claud.

Hindi kami nagbreak ni Andrei. Hahaha.

Claudine : Pastillas de leche ka!

Claudine : Sinasabi ko na nga ba! Grabe! Pinagmukha mo akong sira!

Hindi naman. Hahaha. At least, now I know what will happen to Andrei kapag nagbreak kami. Hahaha. Pero mukha namang hindi mangyayari 'yon. Labyuuu.

Claudine : I know right. Kainis ka. So, kamusta nga?

Nag-EK kami.

Claudine : Alam ko! Nakita ko picture n'yo! Details, please? 😑😑

Ayon, sinundo ako ni Andrei sa amin.

Claudine : Anong gamit? Kotse?

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon