THIRTY-NINE

1.6K 47 4
                                    

Andrea Uzzea

6:43 AM

Andrea : Ate Lindsay. 😭😭

Bakit, Andrea?

Nasaan ang Kuya mo? Kagabi, after n'ya ako ihatid, hindi ko na s'ya nakausap, eh.

Nag-aalala ako, hindi ako nakatulog kakaisip kung may nangyari bang hindi maganda sa kanya. Hindi naman kami nag-away, kaya sobrang hindi ako mapalagay, Andrea.

Seen, 6:46 AM

Andrea : Ate Lindsay, si Kuya po kasi. 😭😭

Anong nangyari, Andrea?

Please tell me. Hindi ako mapalagay, eh!

Andrea : Kagabi kasi, Ate, habang nasa daan daw si Kuya pauwi, naaksidente s'ya.

What?!

Anong nangyari, Andrea?!

Is he okay?!

Nasaan s'ya ngayon?!

Andrea, nasaan ang Kuya mo?!

Andrea : Nasa ospital s'ya Ate, 'di ko alam kung saan, kasi hindi na ako pinasama nina Daddy kagabi.

Andrea : Pupunta kami ni Kuya Edge ngayon, kausap n'ya sina Mommy kanina sa phone. Siguro naman alam na ni Kuya Edge kung saang ospital. Tensed din kasi si Kuya Edge kaya 'di ko masyadong makausap.

Andrea : Gusto mo bang sumama, Ate Lindsay? Dadaanan ka nalang namin. Naka-kotse naman kami ni Kuya Edge.

Andrea : Sorry nga pala Ate kasi ngayon ko lang nabanggit sa'yo. Lahat kasi kami sa bahay nataranta na, eh.

Seen, 6:52 AM

It's fine. Gusto ko lang makita si Andrei.

Sige sige, ingat kayo. Please.

Andito na ako sa labas ng bahay, please, please, Andrea. Gusto ko na makita si Andrei.

--

THE NUMBER ONE SUPPORTERS OF LANDIANG ANDREI AND LINDSAY

9:23 PM

Girls, aabsent muna ako bukas.

Pakisabi na lang sa mga prof na emergency.

Claudine : Anong nangyari, Linds? May problema ba?

Hmm. Naaksidente si Andrei last night, pagkahatid n'ya sa akin. 😭😭 Kasalanan ko 'to.

Seen by everyone, 9:25 PM

Cara : Hala! Bakit? Anong nangyari?

Naaksidente sa motor.

Hindi naman daw mabilis ang pagpapatakbo n'ya.

Doon daw sa may kanto papasok ng village nila, may mga nakatambay na lalaki. Tapos parang nag-aasaran yata, eh, nagkapikunan. Mga nakainom, eh. 'Yong isang lalaki, naghamon ng panuntok. Kinaladkad 'yong kaaway sa may kalsada.
Tapos tinulak ng malakas n'ong isang guy na naghamon ng away 'yong isa, eh, saktong dating naman daw ni Andrei. Ayon, para maiwasan n'yang mabangga 'yong lalaking itinulak n'ong isa, pagliko n'ya, sa may poste ng ilaw s'ya napadiretso. Doon s'ya sumalpok.

Truth or DareWhere stories live. Discover now