TWELVE

1.7K 44 12
                                    

Andrei Uzzea

6:39 PM

Andrei : Stick-o.

Andrei : Kamusta?

Seen, 6:40 PM

Malag ka ba?!

Sa tingin mo okay lang ako matapos 'yong ginawa mo?!

Andrei : Chill. Mangingitim ka n'yan lalo.

Chill mo mukha mo! Instead of asking for an apology, nanlalait ka pa!

Alam mo, hindi ko maintindihan kung anong problema sa utak ang meron ka.

Pero kung may sira na talaga 'yang ulo mo, pwes, ibabalik ko sa'yo 'yong sinabi mo sa akin noon.

KUNG WALA KANG MAGAWANG MATINO SA BUHAY, 'WAG MO AKONG IDAMAY!

Andrei : Hindi ba dapat ay matuwa ka pa kasi binibigyan kita ng atensyon ngayon?

Atensyon?! Damn that attention!

Atensyon ng iba ang nakuha ko matapos mo akong tisurin kanina sa mall!

Atensyon ng iba ang nakuha ko matapos mo akong ipahiya sa harap ng iba!

Seen, 6:49 PM

Andrei, oo, gusto kita, sinabi ko naman sa'yo before di ba?

Wala naman akong sinabing kailangan gustuhin mo rin ako. Sinabi ko rin naman sa'yo na umamin lang ako dahil sa dare ng mga pinsan ko!

If not for that darn dare, I won't ever confess to you!

Seen, 6:52 PM

Okay na nga ako na hindi tayo nagkakaroon ng interactions sa campus, eh!

Pero 'yong ginawa mo kanina? Imbyerna ka, ah!

Tama ba namang ipamukha mo sa akin, sa harap ng maraming tao, na hindi mo ako magugustuhan?! Alam ko na 'yon!

Tapos ano?!

Sinabi mo na naghahabol ako sa'yo?! Na sinisira ko ang relasyon mo sa babaeng kasama mo kanina?! Wow naman! Makapal pa mukha mo sa encyclopedic-dictionary namin, ah?

Duh? Kailan kita hinabol?

Lakas din naman ng apog mo! Nakakainis ka!

Seen, 6:57 PM

Andrei : Lindsay.

Andrei : Sorry.

Andrei : Katuwaan lang sana 'yon, eh. Ginusto ko lang makabawi sa pagsusungit mo sa'kin before.

Andrei : Isa pa, inaasar kasi ako ni Edge sa'yo and hindi ko 'yon nagustuhan. Sabi ko sa kanya, hinding hindi kita magugustuhan.

Andrei : He didn't believe me. Kaya ginawa ko 'yon. Para ipakita kina Edge na...

Seen, 7:01 PM

Para ipakita kay Edge, sa mga pinsan ko, kay Claud at sa ibang tao sa Mall kanina na hindi mo ako magugustuhan?

Congrats, Andrei. You've accomplished your mission.

Andrei : Hey, Lindsay, I'm sorry.

Napakababaw mo. Dahil lang doon, ginawa mo 'yon?

Ano, bakla ka? May pa-ganti ganti ka pang nalalaman?

Kahit gusto kita, naku, kung malapit ka lang sa akin ngayon, hinambalos ko na ng walis 'yang mukha mo.

Andrei : Sorry. I'm really sorry.

Whooo. My goodness!

Nah, it's fine. Nailabas ko naman kahit papaano 'yong inis ko. Hay.

Whooo. Okay na.

Tapos na, eh.

Retaliation's not in my vocab.

My gosh. Nag-init talaga 'yong ulo ko kanina.

Sumabog na ako. Pero okay na. Tapos na. Just forget about it. At huwag na sanang maulit.

Andrei : Lindsay, I'm sorry.

Andrei : I'm sorry. I'm really, really sorry.

Andrei : I'll make it up to you. I'm sorry.

Seen, 7:09 PM

Truth or DareWhere stories live. Discover now