One ~ Unang Araw

3.3K 32 18
                                    

Warning: A few swear words are used in this story.

----------------------------------------------------------------------

FEBRUARY 15, 2014

Unang araw,

Kay bilis ng galaw

May kalaliman na patungo sa pag-ayaw

Na kalimutan ka, kahit pa may iba

At sa muli’y magbabalik sa ‘kin ang lahat...

Sakit ng ulo ang sumalubong. Isang bagong araw na naman. Parang ayaw ko pa bumangon. Ni ayaw ko man lang na dumilat.

Ayaw ko man, pero eto.. pinilit na rin.

Hinanap ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan. Kailangan ko pa siyang gisingin. Panigurado tulog na tulog pa yun. At gusto ko na ring marinig ang good morning niya.

Teka.. Anong araw na ba?

Sabado ngayon.

February 15.

Wow, the day after Valentines Day.

The day after our anniversary.

Yup. Fourth anniversary.

Napabalikwas ako ng bangon ng unti-unti ko nang naalala ang lahat ng nangyari kinagabihan.

Ang gulo ng kwarto ko. Nagkalat ang tissue. Maraming papel. Maraming damit. Maraming stuffed toy. May mga basag na picture frame.

"Kath, you know that I loved you.. I love you... pero this is not working anymore."

Break na nga pala kami.

Putangina.

Saan ka nga naman ba makakakita ng lalaking makikipaghiwalay sa araw ng ika-apat niyong anniversary? Putangina.

Apat na taon.

Apat na taon akong girlfriend ni Daniel Padilla.

Niligawan niya ako nung 1st year college ako, 2nd year siya. Nagkakilala sa Debate Team. Sinagot ko nung 2nd year na ako. February 14, 2010.

Isang Business Major na tulad ko ay na-inlove sa isang future accountant. Yung future accountant na parang gwapong artista lang na nilagyan mo ng glasses. Ganun ang itsura ni Daniel Padilla. Kinahumalingan ng mga babae sa university namin. Dahil sa talino. Oo, Summa Cum Laude. Hindi tao. Tapos nasa Debate Team. Member ng isang banda. At basketball player ng College of Business. Kaya hindi ko alam kung bakit sa isang simpleng Kathryn Bernardo siya nagkagusto.

Sa kabila ng lahat ng fame at pagka-busy naming dalawa, smooth sailing ang naging relasyon namin. No major fights. Walang petty issues na selosan, time, attention, communication.

Kaya mabibigla ka talaga kapag biglang sasalubungin ka na lang na wala na.. wala na.

"The problem here is... you're just too... too nice, Kathryn."

Too nice!

Too nice!

He broke up with me because I am too freaking nice.

Hindi talaga ako palamura pero sa mga ganitong pagkakataon...

PUTANGINA TALAGA.

Hindi ko na alam ang iisipin ko.

Sa limang taon na kasama ko si Daniel.. sa apat na taon na minahal ko siya.. ano pa ba?

Ano pa ba dapat ang ginawa ko para hindi ito ang maging ending namin?

Sana panaginip na lang lahat ng ito.

Yung sana gigising ako na may Kathryn at Daniel pa.

Hindi na ako na sinubukan pang ayusin ang gulo ng kwarto ko.

Ni hindi ko man lang sinilip sa salamin ang itsura ko.

Para san pa? Para san pa ang pagbangon..

Mas mabuti pang ipikit ko na lang muli ang aking mga mata.

----------------------------------------------------------------------------

A/N:

This is a short story with 12 parts. Hope you enjoy!

Dedicated to @andreabernil. Thanks for adding this to your reading list! :)

Twelve Weeks: A KathNiel Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon