Chapter 4: Goosebump

30 1 0
                                    

Psyche's POV

"Mom?!"- tawag ko kay Mommy. Pero walang sumasagot.

"Mom?!"- tawag ko ulet but this time, sumagot na.

"Yes, honey?!"- sigaw nito mula sa kusina.
At lumabas mula roon.

"Hello Honey, buti naman at maaga kayong umuwi. Si Kuya Ren mo asan?"- sabi niya.

"Yes naman po. Am nasa kwarto niya po, pagod raw po kasi siya. At tsaka nakakabwisit lang kasi don sa school Mom. Masyadong mahangin at mayabang ang isa sa mga kaklase ko. Sarap ipa-salvage."- ewan ko kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko pero tumatawa si Mom ngayon.

Anyare rito?

"What are you laughing at Mom?"- I asked.

"Naaah, I just see myself to you. Ganyan din kasi si Dad mo dati bago naging kami. Palagi kaming nag-aaway ng Dad mo dati. Parang aso't pusa. Halos araw-araw nag-aaway kami. Walang araw na di kami niyan nagtatapunan ng masasamang tingin sa bawat isa. Pero as time goes by, parang nagbabago ang lahat samin. May araw kasi na umabsent ang Dad mo for One week dahil may pinuntahan. Doon ko lang na realize na namimiss ko siya. Hindi lang basta namimiss, kundi nahuhulog na ako sa kanya. Kaya naman nong bumalik na siya, naging masigla ang araw ko. Tapos parang palagi niya na rin akong iniiwasan. Di ko yun nagustuhan kaya noong nagkaroon ako ng chance, kinausap ko siya. Tinanong kung bakit. Tapos hahaha basta nevermind na nga lang anak. Basta di nagtagal, naging kami ng Dad mo."- she said.

"Ahuh?"

"Then marami rin kaming napagdaanan na pagsubok pero lahat ng yun nakayanan namin kaya here you are, kayo ng kuya mo :)"- sabi niya.

"Ganun? Pero napakayabang niya Mom, I don't think kung magkakagusto ako dun. Pero hinding-hindi talaga ako magkakagusto dun. Mas gusto ko si Gian. Mabait kasi yun."- sabi ko.

Ngumiti si Mom, kilala niya kasi si Gian. Minsan na kasing pumupunta yun rito.

"Haha bata ka pa kaya 'wag mo munang problemahin yan. At tsaka 'wag kang magsalita ng patapos dahil baka kainin mo lang yang sinabi mo. Ganyan na ganyan rin kasi ang sinabi ko sa sarili ko dati. Ang hinding-hindi ako magkakagusto sa Dad mo, pero tingnan mo nga naman, nabuo namin kayo."- sabi niya sabay pat ng balikat ko.

Paanong kainin? Tsssk! Ano ba yan?!

Umakyat agad ako sa kwarto. At lumabas papuntang balcony. May balcony kasi sa kwarto ko kaya malaya kong nakikita ang view ng buong subdivision.

"Ang sarap talaga ng simoy ng hangin."- I muttered.

Nasa kabila naman ang kwarto ni Kuya. Ayaw niya raw ng may balcony dahil nakakarakot raw yun. Ewan ko kay Kuya, alin ba dito ang nakakatakot? Ang ganda nga eh.

Nang nagsawa ay bumalik ako sa mismong kwarto ko at humilata sa kama.

Ang sarap talagang namnamin ang lambot ng kama.

At umidlip saglit. Sa paggising ko, alas 6 na pala.

Kinuha ko ang phone ko at nagpamusic!
I'm with you agad ni Avril Lavigne ang pin'lay ko. Because you know I'm an Avid Fan of Avril. She's so freakin' cool! Ewan ko nga kung buhay pa yan ngayon. Haha! Pero sana buhay pa siya para naman may chance pa akong ma meet siya.

🎶'Is there anyone tryin' to find me?
Would somebody come take me home?
It's a damn cold night,
tryin' to figure out this life,
won't you,
take me by the hand,
take me somewhere new,
I don't know who you are but I'm,
I'm with you.🎶

Sa gitna ng pagko-concert ko. Feel na feel ko pa naman ang paghawak sa suklay ko as if it's the mic. Pero nasira lang dahil tinawag ako ng gwapo kong kuya. Sabay katok sa pinto ko ng malakas.

"Psy?! Tawag na tayo ni Mom. Bumaba na raw tayo."- sabi niya.

"Okay."- sabi ko na lang. Ayaw kong mag-away kami ni Kuya. Iyakin pa naman ako pagdating sa kanya.

Bumaba naman na agad ako after kong naramdamang umalis na si Kuya sa tapat ng kwarto ko.

--
"How's school children?"- Mom asked.

"Mabuti naman po."- sagot ni Kuya.

"Binabantayan mo naman ba ng maayos tong kapatid mo?"

"Of course, why not?"

"Baka kasi busy ka doon sa girlfriend mo."

Dahil don biglang napatigil si Kuya sa kakasubo.

"Mom?!"- sita ko kay Mom.

"Why?"- she asked. I think Mom is clueless.

Lumapit ako sa kanya at bumulong.
'They broke up.'

Bahagyang nagtaka si Mom pero bigla na lang siyang tumahimik.

"Am ah, busog na ako. Akyat na muna ako sa room."- Kuya said.

At naiwan kami ni Mom sa kusina.

"Mom kasi eh."- nasabi ko na lang.

"Sorry, di ko kasi alam eh."- sabi niya.

"Am ikaw na muna dito mom. Kakausapin ko lang si Kuya."- sabi ko sabay akyat sa taas. Pero imbes na sa kwarto ako dumiretso, sa kwarto ni kuya ako pumunta.
Agad akong kumatok ng nasa tapat na ako ng kwarto niya.

"Kuya? Can I in?"- tanong ko.

"Bukas yang pinto."-rinig kong sabi niya.

Agad naman akong pumasok.

"Mom don't have any idea what's happening. So I'm here to say sorry for her."- sabi ko.

"Naaah, it's okay."- sabi niya sabay ngiti.

"Kuya naman eh."

"It's really fine. Don't worry."- sabi niya.

Di naman naging matagal ang pag-uusap namin ni Kuya kaya pumunta na ako sa kwarto ko at nag half bath.
Routine ko na kasi yun bago matulog.
Routine ko rin ang matulog na naka bra at short lang. Feel ko lang kasi talaga ang ganun. Parang ang fresh lang sa pakiramdam.

Nang matapos akong makapaghanda ay pinatay ko na agad ang ilaw.
--
Mga 9Pm na yun nang di pa rin ako nakakaramdam ng antok. Kasi naman nakaidlip kasi ako kanina. Nang naramdaman kong may kaluskos mula sa balcony. Na para bang pilit binubuksan ang pinto non. Napataas ang kilay ko kasi nakikita ko ang anino niya.

"What the! Magnanakaw?"- I muttered.

Naramdaman kong nakapasok na siya dahil sa habag ng mga paa.

Sino siya?

I even heard him Cuss.

"Fuck! Pinapahirapan talaga ako ng isang yun."- rinig kong sabi niya.

"Sino ka?!"- tanong ko. Dahilan para magulat siya at napahinto.

"Fvck!"

"Who the hell are you?"- tanong ko. Pero di siya sumagot. Kaya naman tumayo ako at pilit kinakapkap ang switch ng ilaw. Tagumpay naman.
Pareho kaming dalawang nagulat sa pag On ko ng ilaw. Like,

"What the Fvck?! Bakit ka nandito?!!!!"

"What the?!"

I'm Inlove With My Intruder💘Where stories live. Discover now