Chapter 1: First day

74 2 0
                                    

Psyche's POV

"Kuya! Wake up!"- gising ko kay Kuya Ren, kasi naman eh may pasok po kami.

"Hmmmmm."

"Kuya, Firsy day ngayon, ano ba! Gising na kasi!"

"Mauna ka na lang."

Iniinis niya ako.

"Moooooooooooom! Si Kuya, ayaw gumisiiiiiiiiiiiiiing!"- sigaw ko.

"Oo na, gigising na! Langya ka!"- sabi niya sabay bangon. Takot kasi siya kay Mom.

"Haha, I love you kuya."- sabi ko sabay labas ng kwarto niya.
Wala kasi si Dad dahil nasa states nagtatrabaho. Di naman kasi kami mayaman, pero kahit papano may kaya naman.

This is gonna be exciting! Magkikita na naman kami ni Gian my Crush!

Tapos na akong maligo and everything kaya naman dumiretso naman agad ako sa kusina kung saan si Mom naghahanda ng almusal namin.

"Good morning Psy (read as Sai) honey."- bati ni Mom.

"Good morning din po Mom :)"- bawi kong bati kay Mom sabay halik sa pisngi nito.

"Si Kuya Ren mo, nakakilos na ba?"- tanong nya.

"Opo. Baka pababa na yun dito."- sabi ko.

Di naman kinalaunan ay nakababa na si Kuya Ren.

"Thank God Kuya, nakababa kana rin. Baka kasi kako eh naabutan ka ng traffic. Tssssk!"- sabi ko kay Kuya.

"Eh letse ka kasi, di naman ako dapat gigising ng ganito kaaga kundi lang dahil sayo."- sabi niya sabay irap sakin.

"Oo na kuya, i love you too. Mom, mauna na lang siguro ako kay kuya. Ang tagal niya po kasi eh."- sabi ko.

"Tsss, masyado ka rin naman kasing excited!"- rinig kong sabi niya.

Naglalakad na ako papuntang school, di naman kasi problema para sakin ang sasakyan, walking distance lang naman ang school mula sa bahay namin.

"Sana magkaklase ulit kami ni Gian!"- I muttered.

Nang makapasok na ako sa gate ay siya namang pagpasok rin ni Gian.

Pag sinuswerte ka nga naman.

"Uy! Psy! Ikaw pala! Magandang umaga. :)"- sabi nito habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"Ganun rin sayo :)"- sabi ko.

"Tara sa Bulletin, tingnan na natin kung saang section tayo."- sabi niya at tanging tango lang ang iginanti ko.

Pagkarating namin roon, masikip. Nakita ko nga rin yung mga tropa ni Kuya Ren.

Yung gagong mahilig mamilosopo na si Jay Andrew Wilson. Nakita niya ako at agad na umirap sakin.

Si Andrei Zamora na according to Kuya Ren, he's 'Isip bata'.

Si Scott Alfred Garcia na 'Food is Life' raw.

Si Jan Alvin Ignacio na ika ni Kuya, ay siya daw yung 'Henyo' sa tropa.

At yung Sky Alvestre na mas 'Matured' pa samin.

-Kumpleto sila.

Lumapit sila samin at agad na bumati kay Gian, oo kay Gian lang. Di ko naman sila close eh. Sa lahat kasi ng tropa ni Kuya Ren, si Gian lang ang naging kaklase namin. At medyo close ko na rin.

Sa Tropa, si Gian Reyes ang sakto lang sa lahat. Gentleman, mabait, matalino rin naman at ang cute ng dimple.

"Hi Bro! Anong section ka?"- tanong nong si Jan Alvin.

"I don't know. Di pa kasi kami nakakalapit ni Psy don."- sabi niya sabay tingin sakin.

Maya-maya may biglang lumapit na babae. Di ko siya kilala eh.

"Guys, here's your section."- sabi niya.

Lahat sila napatingin dun sa papel.
Seryoso at biglang nagtinginan sa isa't-isa.

"Magkaklase tayong lahat???!"- tanong nong si Andrei.

At gayun na lamang ang ingay nilang lahat.

"Thanks dito Zen."- sabi ni Jan Alvin.

Nang dumating si Kuya Ren at tsaktong ring nagkatinginan sila nong tinawag nilang Zen. Pero agad na umiwas si Kuya.

"Psy!"- tawag niya sakin.

"Anong section mo?"- tanong niya.

"Di ko pa alam Kuya eh. Di pa ako nakalapit dun."- sabi ko sabay nguso sa direksyon kung saan ang bulletin.

Nang dumako ang tingin niya sa mga tropa niya.

"Guys, ang ingay niyo naman ata?"- tanong niya sa mga ito.

"Haha! This is our last year here in Mary Mount High at kung suswertihin ba naman tayo, magkaklase tayong lahat Bro!"-sabi ni Gian.

"Lahat?"- tanong ni Kuya sabay tingin sakin.

"Yeah, lahat! Pati yang kambal mo!"- dugtong ni Gian.

Di nga?

"Am ah, baka nagkamali lang kayo. Pwedeng patingin ng nasa List of Section?"- sabi ko. At tama nga sila.

Nasa Star Section kami.
--
"Hanapin na natin Room natin."-halos sabay-sabay nilang tugon.

Hinila naman agad ako ng kambal ko.
Holding hands po kami. Ganyan po kasi si Kuya sakin. Sweet! Napagkakamalan nga kami minsan eh. Pero di naman kami nakakaramdam ng ilang.

"Mabuti na lang, magkaklase pa rin tayo. Baka kasi patayin ako nila Mom at Dad pag di kita mabantayan."-sabi niya.

"Kuya naman, 16 na tayo oh, no need na rin naman akong bantayan. "-sagot ko na sakto lang para samin ang volume.

"Wag ka ng papalag. Kuya mo ko kaya dapat ako ang masusunod."- sabi niya.

"Tse! Parang 7 minuto lang yung itinanda mo sakin eh."- sabi ko.

Nilibot ko na lang ang paningin ko. Nandito rin yung tinatawag nilang Zen.
Na masayang-masaya kausap ang mga tropa ni Kuya.

"Kuya, matanong ko lang sana."- panimula ko.

"Ano yun?"- tanong niya.

"Rinig ko tinawag siya ng mga tropa mo  na Zen. Sino siya?"- tanong ko.

"Ah si Zenath Cruz, pinsan ni Jan Alvin. Bakit?"- tanong niya sabay tingin sakin.

May past ba kayo?

Gusto kong itanong sa kanya yun dahil ang bilis lang niyang umiwas mula sa tingin nong Zenath sa kanya. Pero di ko ginawa.

"Nandito na tayo guys. Room SS36." -sabi nong isip bata raw na si Andrei.

"Hindi wala pa! Ni di ko nga nabasa, Rm SS36 pala yan."- pamimilosopo ng Jan Adrew na yun.

Biglang tumahimik at bigla-bigla na lang kumapit yung Andrei kay Jan Alvin.

"Inaaway ako ni Drew! Tulungan mo ko. Huhuhu."- sabi nito na umaakto pang umiiyak.

Napangiwi na lang ang kambal ko sabay sabing...

"Pagmasdan mo Psy, talagang iiyak yan."- sabi niya na tsakto lang sa pandinig ko.

At tama nga si Kuya. Umiyak nga siya. Ang galing naman non.

Bigyan ng Jacket yan!
Android Cherry Mobile!
Mga gift packs!

Pero isang pektus lang ang natanggap niya mula kay Alvin na yun. Dahilan para magtawanan sila..

"Tsss, isip bata talaga!"- Rinig kong sabi nong Jan Andrew na yun at nagpatiuna ng pumasok sa room.
At sa pagpasok ko,

Woooooah, Ong gondo nong room! Tongono!

I'm Inlove With My Intruder💘Where stories live. Discover now