Chapter 3: Wrong Timing

40 1 0
                                    

Psyche's POV

This is our Second day as a Grade 10 students. At di ko na enjoy ang araw ko kahapon. Akala ko okay na. Pero di pala. Kainsi naman kasi yung gagong Jan Andrew na yun. 'Kala mo naman kung sinong gwapo! Tang'na lang!

"Aga-aga, ba't nakabusangot ka dyan?"- tanong ni Kuya sakin.

"Yung Drew kasi na yun kuya eh, lakas makabadtrip! Sarap ibitay patiwarik."- sabi ko.

Biglang tumawa si Kuya.

"Parang di mo naman alam ang ugali niya. Nasabi ko naman na sayo mga ugali nila diba? Pero kahit naman ganoon yung si Drew, mabait yun. Nagbago nga lang simula nong umalis yung girlfriend niya at iwan siya without any clue kung bakit."- sabi niya sabay tingin sakin.

"Don't worry kung di mo na kaya ang ugali niya sabihin mo lang sakin. Akong bahala sayo okay?"- he added.

"Okay."- sabi ko.

Nasa room na kami ngayon ni Kuya. Habang hinihintay ang iba sa mga tropa niya.

"Am Kuya, may aaminin sana ako sayo. Pero pakiusap wag mong sabihin sa kanya. Please."- sabi ko.

Ngumiti si Kuya.

"Alam ko na yan. May crush ka kay Gian. Masyado ka kayang obvious kambal."- sabi ni Kuya.

"Luuuh? Paano kuya?! Paano mo nalaman?"- tanong ko.

"Tsss, eh kasalanan ng diary mo na nakakalat lang sa kung saan. Pero kambal, wala ka naman ng chance dun."- sabi niya.

"Alam ko naman yun Kuya."- sabi ko.

Di nagtagal, nagsidatingan na ang mga gunggong!

"Hi Ren! Hi Psy :)"- bati ni Drei samin.

"Ang aga niyo naman ata?"- sabi naman nong Scott na may dala-dala na namang junkfoods. Di ba siya nagkakasakit niyan?

Ngumiti lang samin yung Henyo, at pati yung Himpapawid.
At afterwards iniluwa rin ng pinto ang isa pang gunggong!

"Masyado ka na atang maaga ngayon pumapasok Drew."- sabi nong Drei.

"Hindi, masyado na ngang gabi eh. Ang dilim oh, tingnan mo."- sabi niya at tumingin pa sakin bago nag 'tssss'

"Okay lang yan Drei, wala kang makukuhang matinong sagot mula sa gunggong na yan. Kaya wag mo ng pansinin."- sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin sabay kindat.

"Ang ganda mo pala no?"- he asked.

"Huh?"- pagtataka ko.

Napalingon tuloy sina Alvin ar Scott.

"Di ba pare? Maganda siya?"-tanong nong Drei.

Ngumiti sakin yung dalawa.

"Matagal na yang maganda. Sayang nga may girlfriend na ko. Tapos di ako gusto ni Ren para sa kapatid niya kaya naman----"

"Ay? May sinabi ka bang gusto mong ligawan kambal ko?!"- sabat ni Kuya.

"Haha! Eh hiyang-hiya kasi kami ni Scott sa sweetness niyo."- sabi nong Alvin.

Nahiya naman tuloy ako.

Di nga?

Maya-maya, narinig ko na lang na nagsalita ang gunggong.

"Yan maganda? Seryoso?! Saan banda?! Sa paa?!"- sabat niya.

"Grabe ka naman sa kambal ko Drew!"- sabi ni Kuya.

I'm Inlove With My Intruder💘Where stories live. Discover now