Chapter 33

64.3K 1.8K 309
                                    

Signs of Love

Blame

Ano ulit iyon?" I laughed bitterly. Na biro lang iyong narinig ko. Na hindi iyon totoo. Na gawa lamang iyon ng malakas na ulan kaya hindi ko siya gaanong marinig.

"I am the owner of this place, lahat ng natatanaw ng iyong mga mata ay pagmamay-ari ko na Aly. Kahit ang lupain, ang resthouse. Ang tinatayuan mo. Akin," mariin niyang sabi.

"I am the owner," ulit niya sa mas malinaw na boses.

Namutla ako. Ang lamig na gawa ng buhos ng malakas na ulan ay mas naramdaman ko sa aking loob. Para iyong pumasok sa aking sistema at sinasalakay ako. Ba't hindi man lang ito nabanggit ni Tita sa akin? Hindi niya sinabi sa aking binili pala ni Uno ang lupain? Kaya ba ayaw niyang tanggapin ang pera ko?

I stared at him with hatred. Namumuo ang galit sa akin at gusto ko nalang siyang sampalin dahil sa pagdedesisyon niya habang wala ako.

"Binili mo ang lupain? Ang lupain ni Lola?!" I said with so much anger.

Hindi siya sumagot. Tanging pagtitig lamang ang nakuha ko sa kanya. Ang mga mata nitong walang kislap at ang madilim niyang ekspresyon. Ang kabuuan niyang sumisigaw sa katikasan. Na hindi lamang ako ang hinubog ng nagdaang taon kundi pati siya. He was a pure ruthless man now. Kung noon ay namamangha ako sa kanya, ngayon ay mas trumiple pa ata. Pero iyong galit sa puso ko, iyong ginawa niyang pagtraydor sa akin!

"Sinabi ko na sayo na ako ang bibili!" sigaw ko. Nabitiwan ko na ang aking dalang payong para mas matitigan siya. Mas matingala ito at mas maipamukha sa kanya ang galit ko.

Napunta sandali ang tingin niya sa payong na nalaglag. Pinulot niya iyon at nag-akmang payungan ako pero itinulak ko siya gamit ang dalawa kong kamay. Para akong nakahawak sa isang mainit na mantika kaya ngayon ay may dinaramdam na akong masakit na pagkapaso ko. May masakit sa akin at hindi ko lubos mapunto kung ba't sobrang nasasaktan ako.

"I bought it for myself. Not for you. Huwag mong lagyan ng malisya ang pinaggagawa ko," seryoso niyang sagot, wala paring emosyon sa loob.

Tiningnan ko siya na may pagkadisgusto. Ngayon ay nakuha na ni Tita Felicita ang gusto niya. Sa loob ng mahigit limang taon, maraming nangyari. Hindi lang sa pisikal niyang itsura kundi sa buhay niya. Apat na taon ang agwat niyo sa isa't isa, Aly! Lalake siya. May pangagailangan. At siguro ay nababagot na siya sa kanyang buhay kaya mas pinili niyang maitali nalang.

"Gumaganti ka ba? Dahil sa ginawa ko sa 'yo noon?" Halos pabulong ko nalang. Na sana ay mali ako ng iniisip ko. Na sana ay siya parin iyong Uno na kilala ko. But seeing his dark expression burned me to death. Para itong nakatayo sa harapan ko ngunit hindi ko na makilala ng husto. Na iyong itsura nalang ang pamilyar sa akin, iyon nalang ang kilala ko sa kanya. Na kahit iyon ay nagbago narin.

"Gumaganti ka dahil sa ginawa ko sa'yo kaya ngayon itong lupain ni Lola ang ipinagkakait mo sa akin dahil sa pinagkait ko sayo noon!"

He chuckled evilly but there's no humor on it. "That was before, Aly. Do you think I'm too shallow? Nasa murang edad ka palang noon. You don't even know the word love. Wala akong mapaggastuhan ng aking pera kaya binili ko nalang total inaalok rin sa akin ng iyong Tita. What's wrong with that?"

I look at him unbelievably. Nagugulantang ako sa lumalabas sa kanyang bibig. Nasasaktan sa pinagsasabi niya.

"Bibilhin ko sa 'yo ito. Sa amin ito, Uno! Kay Lola!"

His brow raised with so much hate. "Gaano na ba kataas ang narating mo at mukhang may maipagmamalaki kana ngayon?"

"Magkano? Bibilhin ko." Deklara ko, binabalewala ang sinasabi niya.

Signs Of Love (Buenaventura Series #2)Where stories live. Discover now