Chapter 49

70.2K 1.9K 232
                                    

Signs Of Love

Drunk

"I miss partying!" Nakabusangot na reklamo ng girlfriend ni Tres dito sa kwarto kung saan ako natutulog. Medyo may alam narin ako tungkol sa buhay niya pati na roon sa issue. Siya rin kasi ang palagi kong kasama dito sa bahay. Siya ang nakakakwentuhan ko. Mabait naman siya pero kung ikukumpara kay Chany masyado atang mabait ang babaeng iyon. Basta marunong siyang maging mabait.

"Pati ba pagparty hindi mo na nagagawa simula noong issue?" tanong ko.

Umupo siya sa kama at inayos ang nagulo niyang buhok lalo na iyong bangs niya, inilagay niya iyon sa gilid na mas nagpaganda sa kanya.

"Yep. Pinapaliguan ako ng bashers. Alam mo naman iyong naging past ko sa school. Dahil sa panlalalake ko." Tumawa siya.

Umupo narin ako sa kama at itinigil ang pagbuklat sa magazines. May isang article kasi roon na nafeature silang dalawa ni Tres lalo na't main topic rin iyong kasal ni Dos at ni Addi.

"Ang hirap nga ng sitwasyon mo. Kahit siguro ako ay mababaliw kung ako ang nasa posisyon mo."

Sumimangot siya. "I'm already crazy. Kaya siguro hindi na ako natablan."

Malamang! Sa mga nalaman ko sa kanya masasabi ko talagang nababaliw na siya! Siya ata ang pinakabaliw na babaeng kilala ko!

"Desperada rin," sabi ko.

Naningkit lalo ang mga mata niyang singkit. "Ouch! Ikaw Aly ang bait bait mo pero ang tabas ng dila mo ha!"

Natawa ako na ikinatawa niya narin.

"But seriously, Aly, gusto kong magparty. Total brokenhearted ka naman, tara labas tayo!"

Natigilan ako sandali sa plano niya. Alam niya kasi iyong tungkol sa amin ni Uno. Sinabi ko sa kanya lahat at ipinangako niya naman na sa amin lang iyong dalawa. May tiwala rin naman ako sa kanya na hindi niya iyon ipagsasabi maskin kay Tres.

"Hindi nga ako mahilig sa party."

"Just this once! Try mo maglasing! Believe me masarap yun sa feeling lalo na pag nakikihalubilo kana sa dancefloor!" Excited niyang sabi. Kumikislap pa ang mga mata niya habang nagkukwento.

Ni minsan, hindi ko pa naranasang malasing. Hindi ko pa naranasang uminom. Noong dinala ako ni Addi ay hanggang juice lang naman ako. At wala rin naman sa isip ko ang maglasing pag may problema ako eh sakit sa ulo lang naman ang maibibigay niyan.

"Papayagan ka ba ni Tres?" tanong ko.

Unti-unting sumilay ang makahulugang ngiti sa kanyang labi. Umiling siya.

"He won't allow me that's why we're going to sneak out!"

"Ayoko! Nako, wala pa naman akong pera-"May pera ako!" putol niya sakin. Napatitig ako sandali sa kanya. Hindi kumbinsido sa plano niya ngayon.

Nagpout siya bigla. Ang singkit niyang mga mata ay unti unti nang nagiging parang tuta. Makikita mo ang lungkot roon. Lalo na't ipinagsalikop niya na ang mga daliri niya sa isa't isa.

"Please? Kailangan ko lang talagang pumunta sa Bar..." Pinagkukurap niya ang kanyang mga mata habang pinapaliit ang boses. Akala ko pa naman gusto niya nang magmature. Siguro ay hindi niya talaga maaalis sa sistema ang ganitong ugali niya. Natural na lumalabas iyon sa kanya.

Napabuntong ako ng hininga. Total wala rin naman ang magkapatid dito. Sumama kasi sila kay Tita. Mukhang may emergency sa kompanya nila kaya kailangang tumulong ng dalawa.

Maggagabi na nang lumabas kami ng mansyon. Medyo nag-aalala ako dahil baka pagkaguluhan na naman siya.

"Chill! That Bar is exclusive! Bawal ang mga media. Plus, may mga friends pa naman ako doon. They're going to be my back-up kung may nangyaring gulo. Trust me Aly!" Niyakap niya ako, para siyang bata na nangungumbinsing payagan nalang ito.

Signs Of Love (Buenaventura Series #2)Where stories live. Discover now