3

2 1 0
                                    

*Clank clank clank*

May nagbubukas ng pinto ng madilim na silid kung saan ka naroon.

Hindi mo alam kung matutuwa ka o matatakot.

Nakatitig ka lang sa pinanggagalingan ng tunog habang naghihintay ng mga kasagutan.

*creeeeeeeeeeeeeek*

Bumukas ang pinto at tumambad sayo ang madilim na imahe ng tao.

"Ivhli ughmari kunari"

Naiiyak niyang sambit habang dahan dahang naglalakad papalapit sayo.

"Ivhli ughmari kunari"

Paulit ulit niyang sinasabi .

Paulit ulit.

Ngunit sa bawat ulit ay may nadadagdag na galit sa bawat bigkas niya ng mga di maunawaang salita.

"Ivhli ughmari kunari"

"Ivhli ughmari "

"KUNARIIIIIIIII!!!!"

Sigaw niya kasabay ng pagkasa ng baril na hawak niya.

Dahan dahan siyang lumuhod at itinutok sa ulo mo ang mainit pang nguso ng hawak niyang baril.

Unti unti niyang idiniin ang baril sa sentido mo.

Kakalabitin nya na ang gatilyo.

Isa.

Pumikit ka at takot na takot na naghintay ng kamatayan mo.

Dalawa.

Naririnig mo na ung unti unting pagkalabit niya sa gatilyo ng baril.

Tat--- boom!

Bumukas ang ilaw ng madilim na silid.

Humandusay sa harap mo ang isang babae na duguan ang ulo. Hawak niya ang baril na kanina lang ay nakatutok sa ulo mo.

Isa isang nagpasukan sa loob ng silid ang mga armadong lalaki na tila ba naghahanap ng mga buhay na tao sa patong patong na bangkay ng tao.

May isang lumapit sayo.

Naiyak ka sa tuwa dahil naisip mo na baka ligtas ka na.

Pero pagkalapit niya sayo ay piniringan ka niya.

Tinakpan niya ang ilong mo ng tela at maya maya ay nawalan ka nanaman ng malay.

...to be continued

Eto Na Naman!Where stories live. Discover now