2

3 2 0
                                    

Nagising ka.

Hindi mo alam kung nasaan ka.

Wala kang ibang makita kundi ang makapal na kadiliman.

Hindi ka makagalaw.

Hindi mo nakikita pero alam mong nakatali ang mga kamay at paa mo. May nakatakip sa bibig mo.

Ano bang nangyayari? Nananaginip ba ko? Tanong mo sa sarili mo hanggang sa may bigla kang naalala.

Yung utang sayo ng tropa mo 3 years ago na hindi nya pa binabayaran hanggang ngayon.

Pero maliban don ay may naalala ka pa.

Yung nakapangingilabot na eksena sa bus.

Yung mga weird na pasahero.
Kasabay ng pagbalik ng ala-ala mo ay ang pagsakit ng ulo at buong katawan mo.

Nabangga nga pala ang bus na sinasakyan nyo.

Pero pano kang napunta sa madilim na lugar na kinalalagyan mo ngayon?

Sinong bumuhat, o kumaladkad sayo , sinong nagtali sa mga kamay at paa mo, sinong nagbusal sa bibig mo?

At anong balak nila sayo.
.
Nanumbalik tuloy sayo ang katanungan noong iniwan ka ng taong nagpaasa at nanakit sayo.

Bakit sa dinami rami ng mga tao sa mundo, bakit ikaw pa.

Pinilit mong gumalaw, umusog at magpaikot ikot sa sahig upang magkaroon ka ng ideya kung nasaan ka at para na rin maghanap ng daan palabas.

Ikot.

Gapang.

Usog.

Ikot.

Gapang

Usog

Tao.

May tao kang nabunggo sa kakaikot mo.

Hindi mo man nakita pero alam mong tao yon.

Alam mo dahil, Alam mo naman lahat diba? Magaling ka diba? Bida bida ka nga eh.

Ehem.

Tao yon. Malamig na bangkay ng tao.

Sumampal sa ilong mo ang amoy ng halos nabubulok na nyang laman.

Bigla kang napabalikwas at saka nagsisigaw sa takot.

Pero walang lumalabas na salita sa nakatapal mong bibig.

Pinilit mong lumayo sa bangkay ngunit dahil sa kakausog mo ay napunta ka lang sa mas makapal pang patong ng mga bangkay.

Napamura ka.
Napadasal.
Napaghalo mo na nga ang pagmumura at pagdadasal dahil sa sobrang pagkagulat at takot.

Narealize mo na sobrang tagal na pala noong huli kang nagdasal.

Habang desperado kang nagdadasal ay may narinig kang mga boses.

Boses mula sa labas ng silid ng kadiliman.

"Kungya ikwa dilu hangagukag!"
"Ikbahla hangmal kumara!"

May nagtatalong lalaki at babae gamit ang mga salitang hindi mo maintindihan.

Nagpatuloy ang pagtatalo nila.

Palakas ng palakas ang pagsisigawan nila.

Sigaw.

Iyak.

SIGAW!

IYAK!

SIGAAAAAAAAAAAAAWWWWWWWWWWWW!!!!!

BOOM!

Putok ng baril ang nagpatahimik sa sigawan nila, na sya namang nagpabagsak sa mga luha mong kanina pa gustong umagos.

Maya maya pa ay may narinig kalansing ng mga susi.

Alam mo ang tunog ng kandado na binubuksan ng susi.

Alam mong may papasok mula sa madilim mong kinalalagyan.

Pag-asa?

O

Kamatayan?

...to be continued

Eto Na Naman!Where stories live. Discover now