1

5 2 1
                                    

Isang maulang gabi.

Pauwi ka mula sa trabaho.

Nakadungaw sa bintana ng maalog na bus na sinasakyan mo.

Nakatulala ka lang sa kawalan,

Nag iisip ng kung anu ano. Bakit ka nya iniwan. Bakit siya biglang nagbago. Bakit tuwing may pinapahalagahan kang tao, lumalayo sayo.

Kinakain ka na ng mga iniisip mo at ng mga boses na paulit ulit na bumubulong sa utak mo.

Pero mapuputol ang pag eemo mo dahil mapapansin mo na parang may kanina pang nakatitig sayo. Maiilang ka kaya titingnan mo kung meron nga. At meron nga.

Yung katabi mo sa bus.

Nakatitig sayo na parang nanlilisik ang mga mata ngunit nakangiti ang mga labi.

Manyakis ba to? May sayad? Mapapaisip ka ng kung anu ano. Pero hindi mo na lang siya papansinin at ibabaling mo ang mata mo sa ibang direksyon.

Sa ibang direksyon.

Sa iba pang direksyon.

At sa iba pa muling direksyon.

Babaling ka kung saan saan.

Pero anak ng tinapang confused. Mapapansin mo na

yung lalaki sa ibang direksyon,

Magsyota sa ibang direksyon,

At lahat ng pasahero sa iba pang direksyon,

Lahat sila nakatingin sayo.

Nanlilisik ang mga mata  at nakangiti na parang siraulo. Tulad ng katabi mo.

Chineck mo lahat ng pasahero ng bus dahil nappraning ka na. At oo, lahat sila nakatitig sayo.

Papara ka at sisigawan mo yung manong na driver na bus. Mama! Para na po---

Pero bago mo pa matapos angsasabihin mo ay makikita mo ang mukha ni manong driver sa salamin na nasa harapan niya.

Nakatitig din siya sayo nanlilisik ang mga mata at nakangiti nang nakakaloko.

Unti unti kang nakaramdam ng kakaibang takot, lalo kang mappraning  at magtataasan ang mga balahibo mo.

Anong nangyayari.

Nasa prank show ka ba.

Mapapangisi ka at matatawa.

Tang*na hahahha. Oo tama. Prank show lang to.

Ipipilit mo sa sarili mo na hindi totoo ang nangyayari.

Na napapagtripan ka lang.

Pero bakit mas lalo kang nanlambot sa takot nang isa isa na silang nagtayuan sa upuan.

Nakatitig pa rin sila sayo at unti unting naglalakad papalapit sayo.

Hindi mo alam ang gagawin mo. Tatawag ka sana ng pulis o ng kamag anak mo sa cellphone pero hindi ka na nakagalaw dala ng matinding takot.

At wala ka namang load. Hindi ka naman nagloload dahil wala namang nagttxt. Sayo. Wala ka namang lovelife. Wala namang nakakaalala sayo. Wala namang nagmamahal sayo.

Pero anyways, ayun nga. Balik tayo dun sa ibang nararamdaman mo.

Boooogsh!!!!!

Nabangga ang bus na sinasakyan mo at unti unting nagdilim ang paningin mo.

Pero bago ka tuluyang mapikit. Nakita mo pa rin ang mga pasahero na patuloy na lumalapit sayo. Yung iba ay duguan na ngunit pinipilit pa ring gumapang papalapit sayo.

At nagdilim na ang lahat.

...to be continued

Eto Na Naman!Where stories live. Discover now