Chapter 58

1.5K 38 2
                                    

Ayesha POV

Nagising ako dahil parang ang init ng paligid at nababasa ng tubig ang kalahati ng katawan ko. Ibinuka ko ang ang aking mata at umupo

"Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko wala akong nakikita na bahay dito parang nasa isang isla ako

Tumitingin ako sa paligid at may nakita ako na tao na naka tagilid kaya tumayo at lumapit sakanya. Si Jasper pala kaya tumakbo ang papalapit sakanya

"Jasper?" tawag ko sakanya at marahang tinatapik ang pisngi nya. Gumaan ang loob ko ng iminulat nya ang kanyang mata kaya ngumiti ako sakanya

"Jasper, di ko alam kung nasaan tayo. Parang nasa isang isla tayo" sabi ko sakanya at tumayo ako kaya tumayo rin sya habang tumitingin sa paligid

"Tayo lang bang dalawa ang nandito?" tanong nya saakin at tumango naman ako sakanya

"Anong oras na kaya?" tanong nya saakin at nagkibit balikat na lang ako

"Nagugutom ako" sabi ko sakanya habang hinihimas ang tiyan ko at natawa naman sya dahil sa sinabi sakin

"Sige. May mga makakain naman siguro dito,ikaw dito ka lang. Ako maghahanap ako ng makakain natin,wag kang aalis dyan" sabi nya at nagsimula nang maglakad papalayo kaya umupo na lang ako

Mang huli na lang kaya ako ng isda?Tumayo kaagad ako at humanap ng kahoy. Ng makahanap na ako ay pumunta kaagad ako sa dagat at nagsimula maghanap ng isda

Ayun!

"Pakshet naman oh!" Sabi ko sa sarili ko ng hindi ko yun mahuli kaya nagsimula kaagad ako maghanap ng isda

Napasigaw na lang ako ng hindi ko nanaman mahuli ang isda

Mga ilang oras rin ay hindi parin bumalik si Jasper at wala pa rin akong nahuli na isda

"Lord please! Kahit dalawang isda lang!" Sabi ko at tumingin sa langit

Nagsimula ulit ako maghanap ng isda at ng may nahanap na ako kaagad ko itong tinusok sa dala ko na kahoy

"Yes!! Thank you lord!!" Sigaw ko ng makahuli ako ng dalawang isda. Nakita ko si Jasper na may dala dalang ano ba yun? Fruits ba yun?

"Jasper!!" Sigaw ko at tumingin naman sya saakin. Parang nagtatanong ang kanyang mata kung ano ang ginawa ko kaya tinaas ko yung dala ko na kahoy na may naka tusok na dalawang isda

Lumapit kaagad ako sakanya. Ng makalapit na ako sakanya ay ngumiti ako

"May nahuli ako na isda,lutuin natin" sabi ko sakanya at ngumiti

Niluto na ni Jasper ngayon ang dalawang isda at kumakain naman ako ngayon ng saging na nakita nya dito sa isla

"Di ko alam na marunong ka pala mang huli ng isda" natatawang sabi nya sakin at tumabi

"Para matulungan di kita,atsaka gusto ko talaga makakain tayo ng maayos kaya nag try ako na mang huli isda" sabi ko sakanya at inabot ang isang saging na kinuha naman nya kaagad

"Matagal pa ba yan maluto?" tanong ko sakanya

"Malapit na,nagugutom ka na ba talaga?" tanong nya saakin kaya tumango naman ako

"Oh ayan luto na" sabi nya at nilagay ang dalawang isda sa dahon ng saging

"Aray! Ang init!" Sabi ko sakanya habang hinihipan ang daliri ko

"Kakatapos lang maluto kaya mainit talaga yan" sabi nya at kinuha ang daliri ko na napaso dahil sa init

"Te-teka a-ano gagawin mo?" tanong ko sakanya habang pinilit na inagaw ang daliri ko sakanya pero mas hinigpitan nya lang ito. Nagulat na lang ako ng halikan nya ang daliri ko kaya naramdaman ko na lang na nang iinit ang pisngi ko

"Masakit pa ba" tanong nya saakin kaya binawi ko kaagad ang daliri ko sakanya

"Hindi na" sabi ko sakanya at kumain ng saging saka iniwas ang tingin ko sakanya

Shit! Ang lakas ng tibok ng puso ko!

~~~
Vote and Comment

Hi JezzelMenzzz and user65805115!😊 thank sa mga votes and comments nyo💙

winternessa <3

Jasper's Property {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon