Chapter 42:Accident

1.5K 36 0
                                    

Jasper POV

Tumatakbong papasok si Ayesha papunta sa kwarto na kung saan nandoon ang magulang nya

Nakita namin na yinakap sya ng Kuya nya habang umiiyak at ang ginawa lang ng kuya nya at patahanin si Ayesha

"Kuya si daddy? Okay lang ba sya?" tanong ni Ayesha sakanya habang umiiyak parin

"Okay lang naman sya Yesha. Pero,ahh si mommy na lang siguro ang tanongin mo. Sa ngayon umuwi ka muna sa bahay at magpahinga" sabi nya kay Ayesha at tinignan ko pilit na ngumiti

Kaya naman lumapit ako kay Ayesha at hinawakan sya sa braso

"Love,tara pahinga ka muna" sabi ko sakanya at lumabas na sa ospital nandoon rin ang barkada at kaagad silang lumapit saamim

"Ano Yesha? Okay lang ba si tito?" Tanong ni Zander

Hindi sumagot si Ayesha kaya naman nag sign na lang ako sakanya na wag na mag tanong

"Ihatid ko muna si Ayesha sakanila at umuwi na rin kayo. Ingat kayo sa daan ha?" Sabi ko sakanila at pinasok sa kotse si Ayesha

Pumasok kaagad ako sa kotse ini-start ang kotse saka nag drive pa punta sa bahay nila. Wala nagsalita saaming dalawa at naintindihan ko naman si Ayesha kung ayaw nyang magsalita

Ng makarating na kami sakanila ay bumusina muna ako at ilang sandali ay binukasan na rin yung gate

Pinapasok naman nila ako kasi kilala naman rin na ako dito. Pinark ko na ang sasakyan at lumabas. Lumapit na rin ako sa pintuan kung saan sa banda ni Ayesha at kaagad rin itong binuksan at binuhat  ko sya papasok sa bahay nila nakatulog kasi sya

Pagpasok namin ay may mga katulong na nakatingin saamin ni Ayesha

"Sir? May kaylangan po ba kayo?"tanong ng isang katulong nila saakin

"Pwede ba na bihisan mo si Ayesha?" Sabi ko sakanya at dahan dahang inilapag si Ayesha sa kama nya

"Ahh sige po sir" sabi naman ng katulong nila

Lumabas muna ako sa kwarto ni Ayesha at naglakad pa punta sa dinig table nila. Binuksan ko yung ref nila at kumuha ng tubig

Pero hindi ko mapigilan na mag alala ng sobra kay Ayesha

Pagkatapos ko uminom ng tubig ay naglakad ulit papasok sa kwarto ni Ayesha at nakita ko na papalabas na ang katulong nila

"Ahh sir nabihisan ko na po si Maam" sabi nya

"Sige salamat" sabi ko at kaagad na pumasok sa kwarto ni Ayesha

Nakita ko na ang himbing ng tulog nya lumapit ako sa kama at umupo doon. Hinalikan ko sya sa noo at hinahaplos ang kanyang buhok

Nakita ko naman na binuksan ni Ayesha ang kanyang mata kaya naman napatigil ako sa paghaplos ng buhok nya

"Love? Jasper?"

"Yes love? Sorry,nagising ba kita?" Sabi ko sakanya

Umupo naman sya sa kama

"Si daddy.." Sabi nya at bigla na lang na may tumulo na luha sa kanyang mata kaya naman kaagad ko naman itong pinunasan at niyakap sya at pinatahan

"Love,tahan na" sabi ko sakanya

"Pahinga ka muna okay?" Sabi ko sakanya at pinahiga ulit sya

"Wag mo ko iwan love,dito muna please?" Sabi nya at hinawakan ang kamay ko

Hinaplos ko ulit ang kanyang buhok at hinalikan ulit sya sa noo

"Dito lang ako'sabi ko sakanya at ilang oras rin ay natulog na sya

Hinubad ko ang suot ko na sapatos at tumabi sakanya at yinakap sya

Ilang oras rin ay nakatulog na ako

~~
Vote and Comment ^_^

Sana nagustuhan nyo ang update ko hihihi😊

Jasper's Property {Completed}Where stories live. Discover now