Chapter 7: Ang crush ni Insan :3

3.1K 44 1
                                    

Ayesha POV

Andito ako ngayon sa bahay nanonood ng Barbie

Bakit may angal kayo?😒😒

Eh sa yan ang gusto ko panoorin ngayon eh

Tska bukas pa uuwi sina Mommy at Daddy

Si kuya naman may date sina ni Sia

Ewan ko ba sakanila,hindi ba nagsasawa si Sia sa mukha ni Kuya?😒😪

Makapunta na nga lang Cafe wala namang pasok eh saturday ngayon

Habang naglalakad ako ay nakita ko si Maddox sa may park parang may tinataguan...

Naglakad ako palapit sakanya at hinahawakan sya sa balikat

"Ayy abnormal!" Sigaw nya

"Hahahahahaha" napatawa ako sa sinabi nya

Ang epic ng mukha hahahaha laughtrip😂

"Ate naman kasi!" Maktol nya

"Alam mo insan,ano ba kasi ginagawa mo dyan?" Tanong ko sakanya

"Ahh wala may ano kasi ano" hindi nya mapakaling sabi nya

"Ano nga?" Tanong ko sakanya

"Wala,ikaw ate saan ka ba pupunta?" Tanong nya

"Sa Cafe sana pero nakita kita dito eh" sabi ko sakanya

"Ahh ganun ba? Tara ate samahan na kita" sabi nya

"Ayy? Hindi,sabihin mo muna kong sino ang tinitingnan mo dyan" sabi ko sakanya

"Wag na" sabi nya

Hindi ko sya pinakinggan at tumingin din ako doon

Nakita ko doon na may babae kasama nya ang aso nya

Well maganda yong babae mukhang  masungit. Crush siguro ni insan

"Ikaw ah! Crush mo sya?"

"Hindi ah" sabi nya

"Sus. Pinsan mo ako kaya sabihin mo na tutulungan kita" sabi ko sakanya at kinindatan sya

"Yabang mo ah,pero sige na nga" sabi nya

"Dyan ka lang,lalapitan ko lang sya" sabi ko sakanya

Naglakad ako papunta sakanya

"Uhmm hi" sabi ko sakanya

Napatingin sya sakin at sa paligid

"Ako po?" Sabi nya

Hindi ba halata?😪

"Oo,pwede ba malaman kong ano ang name mo?"

Jasper's Property {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon