Chapter Seven

19 2 0
                                    

Just... Nothing

Kristine's POV

Nagising ako ng maaga kaya naabutan ko si mama na nasa lamesa at mukhang problemado. May mga papel pa na nakakalat sa lamesa, may isa ring hawak si mama na papel. Linapitan ko ito at humalik sa pisngi niya.

" Good morning ma. Ano yan? " Sabi ko at nagtimpla ng gatas.

" Ahh wala ito anak. Mga bayarin lang. Gusto mo bang palamanan kita ng tinapay? " Sabi ni mama at isa-isang niligpit ang mga sobre at kumuha ng tinapay saka ito pinalamanan.

Saka naman ako lumapit sa kanya at binaba ang tasa ng gatas sa mesa saka siya tiningnan ng maigi. Alam kong nanomoblema nanaman siya sa mga bayarin. Gusto kong tumulong pero ayaw niya, magfocus nalang daw ako sa studies ko.

" Ma... Alam mo naman na kaya kitang tulungan na mabayaran yan diba? Hindi mo naman kailangang pagtakpan na nahihirapan na kayo ni kuya " Sabi ko sabay upo. Saka naman ang pagdating ni kuya na nakapangtrabaho, kasalakuyan nitong inaayos ang pulang neck tie. Lumapit ako dito saka tinulungang ayusin ang neck tie.

" Thanks sis. Ma, sa huwebes na nga pala ako makakapagbigay, nadelay kasi ngayon month. May malaking problemang kinakaharap ang company kaya nausog ang pay day " Sabi ni kuya at nagtimpla ng maiinom. Napatingin naman sa kanya si mama na halatang problemado.

" Pero kelangan nang bayaran bukas ang tubig at kuryente, wala ka bang ipon dyan? Pandagdag lang at hindi sapat ang pera ko dito " tanging iling lang ang naisagot ni kuya. Napahilamos naman sa mukha si mama kaya nilapitan ko ito at hinawakan ang magkabilang balikat.

" Ma, lagi mo lang tandaan na andito lang ako, handang tumulong sa inyo. Pamilya tayo eh, kaya dapat nagtutulungan tayo " sabi ko at niyakap si mama, tumugon naman eto pero saglit lang, inilahad na niya sakin ang baon ko at hinalikan ako sa pisngi.

" Ano ka ba anak? Wag ka na ngang mag alala dyan. Ang isipin mo ay ang pag aaral mo. Oh, ito na ang baon mo. Pumasok ka na at baka malate ka pa" Yun lang at nagpaalam na ako kay kuya saka lumabas.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang makapagdesisyon na ako.

Tatanggapin ko na ang kondisyon ni Julian.

Para mapanatili ang scholarship ko at makatulong sa bayarin. Kailangan ko lang sundin ang utos niya at makapag hanap ng part time job.

Aja! Kris!

Nang makalabas ako ay nadatnan ko ang kotse ni Ceb, nasa labas na si Ceb nakasandal sa pinto ng backseat at nakatutok sa cellphone. Naagaw ko ang atensyon nito ng lumapit ako at tumigil sa harap niya.

" Good morning Kris! Oh? What's with that face? Aga-aga mukhang problemado ka? " Sabi ni Ceb matapos humalik sa pisngi ko at inangkla ang braso niya sa braso ko. I just gave a half smile at inayang pumasok na sa loob ng sasakyan.

" Good morning kuya Perding " bati ko sa driver ni Ceb na si kuya Perding. Matagal na siyang naninilbihan kila Ceb bilang driver kaya kilala na ko nito at turing namin sa isa't isa ay parang mag ama na.

" Oh Kris, magandang umaga rin. Mukhang problemado ah? Anong meron natin anak? " Sabi ni kuya perding at sinimulan nang paganahin ang makina ng kotse. Sinuklian ko lang ito ng ngiti.

Binalewala nalang ito ni kuya Perding dahil alam niyang wala talaga akong balak sabihin. Hindi naman nakaligtas sakin ang mga mapanuring mata ni Ceb.

" I know something's bothering you, Why can't you tell me? Kris? I'm your bestfriend... You can share your thoughts with me, even your problems. That's what bestfriends are right? " Sabi ni ceb at ipinatong ang kamay niya sa kamay ko na nakapatong sa legs ko. Masinsinan niya kong tiningnan pero wala akong magawa kundi manahimik dahil kabilin-bilinan ni Julian na walang pwedeng makaka-alam about sa agreement para sa scholarship ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her suitorWhere stories live. Discover now