Chapter 3

19 3 0
                                    

Befriends

Kris P.O.V.

Mga ilang segundo rin silang nagkatitigan. Saka naman lumipat ang tingin niya sakin at sa hawak kong bulak na naka angat lang ng kaunti sa pisngi ni Leo na may sugat.

Agad na tumalim ang tingin niya at akmang susugod nanaman kay Leo ng biglang dumating ang head nurse ng clinic. Thanks to her.

" Oh Mr. Alexander?  What brought you here? " sabi ni Ms. Cruz. Ang head nurse ng University.  Her eyes are on her list that she's holding right now.

" Tsk. What a fuck*ng question was that?! What do you think should I do in this fuck*ng place?? Idiot! " Galit na sambit ni Julian atsaka tiningnan ng masama si Ms. Cruz. Nakaramdam ako ng takot dahil sa pakikitungo niya. Well... Dapat nasasanay na ako kasi ganyan naman talaga siya. Pero di ko talaga mapigilang makabahan lalo na't kaming apat lang ang tao dito sa clinic.

Nag angat ng tingin si Ms. Cruz at napangiti dahil sa nakita nito " Ohh? Haha. Cool down kiddo. Come here. I'll assist you to take care of your wounds. Mahirap na at baka mabawasan ang mga pogi dito sa mundo. Hahaha " Akmang lalapit na si Ms. Cruz kay Julian dala-dala ang first aid kit ng biglang nagsalita si Julian na ikinagulat naming lahat. Lalong lalo na ako.

" I don't want you. I want HER to take the responsibility of this " Sabay turo sakin ni Julian. " Besides. It's all your fault after all! " Dagdag nya pa.

" A-ako? B-bakit ako? " naguguluhan ko paring sabi.

" Can't  you see that she's taking care of my wounds? I'm sure that Ms. Cruz can handle you " Di ko napansin na nasa harapan ko na pala siya at parang hinaharangan ako kay Julian.

" I.Wan't.her. To take the responsibility for this! And no one can disobey me! You heard that?! Even you! You're just new here kaya wag kang magtapang tapangan kung ayaw mong mapalayas sa teritoryo ko! "  galit na sabi niya kay Leo habang dinuduro duro ito.

Nakakabigla lang dahil parang wala lang kay Leo ang mga pinagsasabi ni Julian. Na kung iba yan, baka kanina pa naihi sa pantalon nila. He's just cool. With his hands on his pocket of his pants.

Naputol ang pagtititigan nila ng sumabat si Ms. Cruz.

" Okay. Okay boys. Calm down. We're in the clinic. Dapat ay nagpapagaling kayo hindi na nagsasagutan dyan at balak pa atang dagdagan ang mga sugat nyo sa mukha. And for you Mr. Peralta. Would you mind if I do it? " Binigyan siya ng makahulugang tingin ni Ms. Cruz kaya naman napapayag narin siya na si Ms. Cruz nalang ang gagamot sa kanya.

So it means... Ako ang gagamot kay Julian?! Omay. Di ko ata kaya. Ngayon palang ay nangangatog na ang mga tuhod ko. Nanginginig narin ang mga kamay ko na hawak hawak parin ang bulak na ipinang gamot ko kay Leo.

Lumipat sa isang table sila Leo at sinimulan na siyang gamutin ni Ms. Cruz.

" What are you waiting for nerd?! Do it now! " di ko napansin na nakapwesto na siya sa pwesto ni Leo kanina. Masama ang tingin niya sakin at halatang naiinip na.

Agad ko namang tinapon ang bulak na gamit na at kumuha ng bago at nilagyan ito ng alcohol. Mabuti nalang at nagawa ko iyon kahit na nanginginig na ang aking mga kamay. Nagheheresterikal narin ang pagtibok ng puso ko.

Kaya mo yan Kris. Gagamutin mo lang siya at tapos na. Kaya mo yan. Whoo!

" G-gagamutin na k-kita " sabi ko at hindi makatingin ng deretso sa mga mata nya. Itinuon ko nalang ang tingin ko sa mga sugat niya sa mukha.

Habang ginagamot ko siya ay radam ko ang titig niya sakin. Kaya mas lalo akong hindi makapagpokus sa ginagawa ko. Nadiin ko ng kaunti sa sugat nya sa pisngi ang bulak ng sumigaw si Leo dahil sa sakit kaya napatingin ako sa kanya.

Her suitorWhere stories live. Discover now