CHAPTER ONE

96 1 0
                                    

Welcome to the Philippines.

Ang narinig ni Jini sa paglapag ng eroplano. Yeah! She’s back to her beloved country. Huminga siya ng malalim ang ngumiti. At the age of 18 ay nilisan niya ang bansang sinilangan para sa kanyang pangarap. Pitong taon din siyang manirahan sa New York para sa kanyang pangarap na maging isang tanyag na Fashion Designer.  Now, she’s one of the best. Kilala na siya sa buong mundo, dahil mga tanyag na artista ang nagpapagawa sa kanya ng design at karamihan ay nirarampa sa Oscars. At the age of 25… wala na siyang mahihiling pa. ang kanyang magulang ang maraming hiling na sa tingin niya ay hindi na matutupad.

Napabuntong hininga siya. “Anyway… asan na kaya yung sinabi ni mommy na susundo sakin?” sa isip niya habang naglalakad palabas ng airport. Wala siyang makita na pangalan niya sa mga taong naghihintay sa labas. Kaya nagdesisyon siyang tawagan ang mommy niya.

“yes iha. Nagkita na ba kayo?” sagot nito sa tawag niya.

“not yet mom. Kaya nga po ako napatawag sa inyo. Wala pa po kasing lumalapit sakin. Sino po ba yung susundo sakin mom?” tanong niya sa ina at sumimangot. “malalagot sakin yun…. Anong karapatan niyang paghintayin ang prinsesang katulad ko?!” sa isip niya.

“ahm….” Parang nag aaalangan ang mommy niyang ituloy ang sasabihin.

“mom what?” naiinis ng sabi niya. I smell something fishy here.

“ahm…. It’s Ken anak. Bumisita kasi siya bahay last na tawag mo at nasabi ko sa kanyang uuwi ka. Hayun, sinabi niyang siya nalang daw ang susundo sayo.” Sagot ng mommy niya.

“What?! Si Ken?” yes. It’s Kennedy Chua… her forever childhood enemy. Wala na silang ginawa kundi mag away pag nagkikita sila. Hindi matatapos ang araw na hindi siya nito napapaiyak pag magkasama sila. Ken was her parent’s best-friend son. Simula pagkabata ay magkasama na sila ni Ken pati ang pinasukang school ng elementary at high-school. naghiwalay lang sila ni Ken ng nag aral siya sa New York. At hindi maganda ang naging paghihiwalay nila. She hated him to hell!

“okey mom. Gotta go. I will take the taxi. I don’t want to see him!” sagot niya sa ina at pinutol na ang tawag. Inayos niya ang gamit. Nagapagdesisyon na siya, tatakasan niya si Ken. Sigurado siyang may binabalak nanaman ito. At baka hindi siya makapagpigil ay mapatay na niya ito dahil sa inis.

Pero sa kanyang paghakbang ay biglang may sumulpot sa kanyang dadaanan. May hawak itong papel at may nakasulat doon. Hindi niya makita ang mukha ng taong may hawak ng papel.

“WELCOME BACK MY JINI PRINCESS SUNGIT PANGIT!” yun ang unang nakasulat. Oh! The nerve! Sabi ko na nga ba at may binabalak nanaman ang mokong na ito eh. Mama-maya pa ang nilipat nito sa likod ang unang papel at may pumalit. “KEN POGI IS HERE TO WELCOME YOU! Hug and kiss me now!” nakasulat sa sumunod na papel. At bigla nitong ibinaba ang papel… ngayon ay kitang kita na niya ang mukha nito habang ngiting- ngiti at bahagya pang nakataas ang sulok ng labi.

“ang gwapo ng hayup!” sigaw ng isip niya. “matagal naman na siyang gwapo diba? Kahit gaano mo sabihing maitim siya. He is your type. Dark and handsome.” Sigaw ng puso niya.

“Jini ang puso mo…. Nahulog na ata!” sigaw ng isip niya. Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan at kung hindi pa siya nakarinig ng palakpakan ay hindi pa siya babalik sa mundo. Anak ng pating! Sila ang pinapalakpakan ng tao habang sumisigaw ng kiss! Kiss! Kiss! Biglang nag init ang mukha ni Jini.

“bwisit talaga tong Ken na ito. Mapapahamak pa ang first kiss ko!” sabi ng isip. “bakit sinabi bang sa labi ka hahalikan?” kontra ng kabila. Bigla niyang tinignan si Ken at inirapan ito. At ang loko-loko ay nginitian lang siya ng matamis at pinahaba ang nguso na parang sinasabing “kiss daw”.

HATE me now and LOVE me foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon