Chapter 5

30 7 13
                                    

Onor Sheinjin

3 days have passed since that interaction. Nalaman ko na lahat nang rules dito. Alam ko narin ang lahat nang gusto kong malaman sa mundong ito , ngunit wala parin akong nakausap tungkol sa mga magulang ko. Sa tuwing iyon ang tinatanong ko ay para bang mistulang di nila ako naririnig.

"Klein, 10 days before our training in Mount Dera. Strengthen your stamina and improve your flexes..." saad saakin ni Clive habang naglalakad kami patungo sa training room. Tumango ako sa kanya.

I had no choice but to be with them , inisip ko nalang na baka makahanap ako nang impormasyon tungkol sa magulang at kapatid ko kapag sumama ako sa kanila. Afterall , they are the famous group of this continent. They had lots of connections and im sure , im gonna find the answer I had been searching for .......someday.

For now, pagbubutihin ko muna ang pagiging isang member ng Slayers.

Sa huling liko namin ay bumungad na ang Training Room. Nagpaalam na saakin si Clive at pumasok sa kwarto niya. Bawat isa sa miyembro ay may sariling kwarto upang magsanay.

Apat na Training Rooms ang narito. Isa kay Clive , saakin , kay Trix at Sphere. Nang una ko iyong makita ay naalala ko agad ang ang nakamaskarang lalaki at may katanungan saaking bumagabag , Bakit wala siyang Training Room?

Hindi ko na lamang tinanong iyon kay Clive. Inisip ko na lang na baka hindi na niya kailangang mag training dahil malakas na siya.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagsanay agad ako. Puro suntok lang at pag eehersisyo ang ginagawa ko. Katulad ng kay Manny Pacquiao.

Samantalang sila ay may mga hawak na kutsilyo , katana , at iba pa. Tinanong ko ang tungkol sa mga iyon at sinabi ni Clive saakin ay makukuha ko lamang ang aking sandata kapag nag ensayo na kami sa Mount Dera.

1 hour had passed and im already exhausted. Napasalampak ako sa lapag habang hinahabol ang hininga. I never thought about exercising since I was a child. I hate sports and getting my self tired. But I need to do this for myself.

A knocks made me came back to my senses. I look at the wide tempered see through glass and saw Clive waving at me.

Tumayo ako at binuksan agad ang pintuan.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya ng may kunot sa noo. He smiled like he always does before answering my question.

"Sheinjin wants us to be at the hall right now"he blurted. Sheinjin is the Slayers mentor. Siya ang former member ng Slayers noon and fortunately he is the only one who survive at their group at the greatest war of the century.

"Bakit? Anong nangyari?"tanong ko at agad humakbang palabas nang kwarto. I never seen , Sheinjin. But knowing that there is a highest people involve in here makes me think that there is something important to discussed. Kinakabahan tuloy ako...

"I don't know, but lets hurry.." pagkasabi niya noon ay sinardo ko na ang pintuan at tumakbo kami papunta sa hall. Im glad because Clive is there for me. Mali ang una kong pananaw sa kanya. He help me know everything about here. For now he's the only person I am close to. But not so close that I can trust him , its only been 3 days. I can't trust him too fast.

At the end of the corridor , Clive pushed the ceramic white door and it revealed a wide room with large replicas of eagles and several windows that is contradicting with the lights , so this is the Hall of Slayers.

Natigil ako sa paglibot ng tingin nang makita kong nakatingin ang tatlong tao sa di kalayuan na nakatingin saamin ni Clive. My eyes widen when I realized that Sphere and Trix is already here.

Tumama ang mata ko sa matandang nasa harapan nila. May hawak siyang tungkod at kitang kita mula sa pwesto ko ang maputi niyang buhok at balbas. I saw his eyes looking at me intently.

Hindi ko alam kung namalikmata ba ako but his eyes changed suddenly to gold.

"Onor Sheinjin! , were sorry for being late" wika ni Clive kaya't napatingin ako sa kanya. Yumuko siya kaya't unti unti narin akong yumuko. Natetense ako..

"Your punishment will be held at the Mount Dera's training, lift your head up and come here..."matigas at pino ang pagkakasalita ni Onor Sheinjin. Pero teka , paparusahan si Clive?.

Nang mag angat ako nang ulo ay agad akong nagsalita.

"Onor Sheinjin, I must also needs to be punished.."saad ko habang nakatingin sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pagsasalita ni Clive sa gilid ko. Hindi ko alam kung nagmumura ba siya o ano. Pero hindi naman ata makatarungan kung siya lang ang paparusahan. Ma gu guilty ako kapag nangyari yun. Afterall , parehas kaming huli dumating.

I saw how Sphere and Trix reacted to my sudden burst. Ang tingin ni Trix saakin ay parang papatayin ako. Sphere is sighing heavily while watching me. May mali ba sa ginawa ko?.

I can feel the atmosphere tense , ilang segundo ang katahimikan nang biglang magsalita si Onor Sheinjin.

"Who are you, young lady?"

"I am Klein Hyui, a new member of your group Sir!" buong puso kong sabi . I saw them cringe at my respond.

Namula ang pisngi ko at nanlata nang ma realize ang sinabi.

Yumuko ako at nagsalita " I-i mean Onor Sheinjin!" kumakabog ang aking dibdib sa biglaang pangyayari.

"Mmmm, then if you insist.... you'll get a punishment too," saad ni Onor Sheinjin. Tinaas ko na ang aking tingin at nagtama ang mata namin ni Onor Sheinjin. Hindi ko alam kung bakit pero, parang sa mga tingin niya ay kilalang kilala na niya ako.

Naglakad na kami ni Clive papunta sa kinaroroonan nila. Habang papunta roon ay may binulong saakin si Clive.

"You shouldn't do that, you don't know how hard the punishment will be...." he said seriously. Nanlamig naman ako at nakaramdam nang takot sa sinabi niya. But there's no turning back, I won't let my fear consume me.

Nang makarating na kami sa kanila ay naramdaman ko ang tensyon at kakaibang aura nang dalawa pa naming kasamahan. Tumingin ako kay Onor Sheinjin. Now I can feel the tensity and authority  just by standing in front of him.

"There is something important I should tell you, but where is-" bago pa matapos ni Onor Sheinjin ang kanyang sasabihin ay binalot ng malakas na tunog mula sa pagbukas ng pintuan ang buong kwarto.

Lahat kami ay napatingin kung sino ang dumating, sa loob nang apat na araw na pananatili ko sa mundong ito.

Ni anino niya hindi ko nakita...

Ngayon nandito siya at nakatingin nang walang emosyon saamin....

Author's Note: Ang tagal ko ng hindi nag update, last year pa yata. Again im sorry, but stay tune sa mga further updates hindi pa dito nagtatapos ang FID . Thank you sa mga sumusubaybay until now!








Fall into DemiseWhere stories live. Discover now