Chapter 24

556 22 0
                                    

Miss

"So, you like it, Mr. Salvaloza?" Tanong ko sa kausap ko.

In his trousers, white v-neck and dark blazer, he really is appealing. Malinis lagi ang buhok. Mahahaba ang mga pilik-mata. Pinkish na labi. Saktong pagkatangos ng ilong. Ang ganda ng kilay. Plus, the dimples.

"Quit the formality, Ruth. Magkaibigan tayo," aniya at matipid na ngumiti sa akin.

How long did we not see each other? Palagi siyang seryoso kapag nagkikita kami. Parang laging nayayamot. Pero ngayon, parang dati lang. Iyung kaming dalawa lang. His soft, warm and gentle eyes are so alluring that I was just lost looking at it.

"I miss you..." Wala ako sa sarili nang binitawan ang mga katagang 'yon. I really did miss him.

Lumapad ang kanyang ngiti. "Miss me, huh?"

My brows shot up as my eyes widened. Bumalik bigla ako sa sarili ko. Nang napagtanto ko ang nasabi ko na ay agad akong napayuko habang kumakalat na parang apoy ang init sa buong mukha, tainga, leeg pati batok ko.

"Ay! Este— Ano... Hindi! Ay! Oo nga pala! Ewan ko!" Hindi ko maitago ang biglaan kong pagkataranta. Jusko! Kahit matagal kaming 'di nagkita ay sobra pa rin ang epekto niya sa akin.

Natawa siya sa reaksyon ko. Iniwas ko ang aking tingin mula sa kanya. Swear! Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Hiyang-hiya ako.

Nasasabi ko 'yung mga katagang 'I miss you' at 'I love you' sa kanya noon.

Noon 'yun!

Noong hindi ko pa siya crush. Noong hindi ko pa siya gusto nang higit sa kaibigan. Noong hindi ko pa na-realize na may feelings pala ako sa kanya!

I don't know. After that parang ang hirap nang sabihin. Naiilang na akong sabihin 'yun.

Totoong wala lang siguro 'yun para sa kanya pero para sa akin... May ibang ibig sabihin 'nun at hindi ko lang 'yon sasabihin dahil best friend ko siya!

I want to say it to him. Gusto kong sabihin sa kanya 'yun at gusto kong alam niya ang mga ibig sabihin 'nun.

Pero...

Wala lang akong lakas ng loob. It's hard to admit it. Takot akong may pagbabagong mangyari sa pagsasama namin.

Maybe, he could deal with it. Hindi naman ganoon kakitid si Lucas na kapag nag-confess ako sa kanya, iba na ang turing niya sa akin. I trust him. He'll still treat me the same. We are best friends.

Pero, ano ako? The moment that I'll confess to him, I may not be contented with out relationship. Baka sa oras na mag-confess ako sa kanya, baka hihingian ko siya ng isang relasyon na higit pa sa pagiging magkaibigan. He would eventually refuse. Simula't sapul, one-sided lang ang nararamdaman ko. And if he'd turn me down, I might deal with the whole 'rejected' process.

Ang gulo-gulo ko! Maski ako hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

Ayokong gumaya kay Jairus, my ghad!

"Miss na rin kita, Ruth," sinambit niya 'yon nang puno ng banayad kasabay ng mahinang ihip ng hangin.

I jerked my head up. All my thoughts, slowly faded. Every of my inhibitions and my what-ifs.

Kuntento na akong magkasama kami. Kuntento ako sa pagkakaibigan namin. Kuntento ako sa relasyon naming magkaibigan.

Pero, hanggang kailan ako makukuntento? What if he finds someone else?

HaywiredWhere stories live. Discover now