Chapter 17

599 20 5
                                    

Okay

Namilog ang mata ko sa kanyang tanong. "Score? Wala!"

He tsked. "Then, is being with him for excursion part of your boss-employee relationship?" His brows shot up and he stared at me skeptically.

"Hindi lang naman kaming dalawa. Engineer Franco will be with us in the next few days," I explained.

Totoo ang sinabi ko sa kanya pero hindi naaalis sa kanya ang pagdududa.

"Swear, Luke!" Itinaas ko pa ang aking kanang kamay.

Dinilaan niya ang kanyang labi at napailing na lang. Medyo gumulo ang buhok ko sa biglaang pag-ihip ng hangin.

"I've told you, Ruth. He's a playboy. He may have plans to use you!"

Nalito ako sa pinangsasabi niya. "Use me for what?"

Napasabunot na lang siya ng kanyang buhok dahil sa aking pagiging slow.

Mariin siyang napapikit bago nagsalita. "Use you for his satisfaction!"

"Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Jai," pagtatanggol ko kay Jai.

He groaned at me. Inis na inis dahil pinagtanggol ko si Jai.

Hindi kaya...

"Nagseselos ka ba?" Nasabi ko na rin.

Ngumuso siya at hindi man lang tumingin sa akin. Iniwas niya ang tingin at tumingala sa madilim na kalangitan. Hinihintay na mahulog ang unang patak ng nyebe sa kanya.

"Lucas, nagseselos ka ba?" Ulit ko.

Umiling siya. His lips curled into a bitter smile. "How ironic! You once wanted my... our attention, rather. Now that I'm trying to give it to you, doon ka naman umiwas."

"Hindi ako umiiwas..."

"Maybe, you're right," binaling niya ang tingin sa akin. "I'm jealous."

Napalunok ako. Tila ba may isang malaking bara na nasa lalamunan ko. Sa oras na kinumpirma niya sa akin na nagseselos nga siya, unti-unti ring umiba pinapakita niya sa kanyang mga mata. It isn't anger nor softness but sadness. Parang biglang kinurot ang puso ko. I felt like everything in me just crashed down.

"Nagseselos nga talaga ako," pagpapatuloy niya. "Nagseselos ako sa trabaho mo."

He looked at me with soulful eyes. And for some reasons, I just felt my heart raced.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakadama ng guilt. I should not be guilty. Anong masama sa paghahabol ng pangarap at sa pagbubuti sa trabaho?

"Lucas, you of all people should understand," I said. "Alam mo kung ano ang trabaho. Kung paano maging busy at parang wala ka nang oras para sa ibang bagay. Nasabi ko nga noon na nagtampo ako dahil hindi na tayo masyadong nagkikita at nabubuo na ang gap sa pagitan natin. I did not mean to say it to you. Sadyang lasing ako noong gabing 'yon. Luke, kung di ako lasing hindi ko naman sasabihin 'yon. Iintindihin ko kayo ni Kaye kahit hindi ko kayo lubos na maintindihan. Pero, Luke, naiintindihan ko na, ngayon. I finally realized that we will take our own paths. Na hindi na tayo tulad noon. Ngayon, hindi lang sa ating pagkakaibigan at studies umiikot ang buhay natin. We have changed our priorities and that priority is chasing our own dreams. Sinuportahan ko kayo ni Kaye sa gusto niyo. I never stopped you from doing what you want. Sana naman suportahan mo rin ako."

"Sinusuportahan kita, Ruth," aniya.

"Sinusuportahan?" Pinandilatan ko siya. "Kung sinuportahan mo ako, sana inisip mo man lang kung ano ang magiging tingin sa'kin ni Jai matapos mong gawin 'yon."

HaywiredWhere stories live. Discover now