CHAPTER 12

112 10 0
                                    

KC‘s POV

" Kamusta naman? Hindi ka nagparamdam sa akin kahapon, huh. " Sabi sa akin ni Hanz. Takte. 4am pa lang! Anong oras ako nakauwi kagabi. Waaaaah. Ang laki ng eyebags ko.

" Wala ako sa mood. " Sabi ko sakanya. Masungit ako? Hindi naman.

" Psh, e kung si Luhan kausap mo ngayon, sigurado ako, nasa mood ka. " Sabi nya sa akin. Psh. Ewan ko kung nasa mood pa ako kung andito din si Luhan. Hello? Kulang ako sa tulooooog.

" Ewan. " Walang buhay kong sagot.

" Aba at. Amo mo pa rin ako huh! " Oo nga pala. Hinarap ko sya.

" Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo kamahalan? " Sabi ko sabay bow ng bahagya. Tinaasan nya lang ako ng kilay.

" Wala. Ipagluto mo ako. " Agad ko siyang hinarap.

" Huh? Bakit. Huh? May cook naman kayo huh! " Aish. KC, asan na ang manners mo? Nagbuntong hininga ako. " Ano pong gusto nyo? "

***

" Ayaw ko na pala. Bibili na lang ako. " Laglag panga. Nanlalaki ang mata. Yan ako ngayon. Bakit? Ikaw kaya. Putspa. Ang daming pinaluto sa akin tapos hindi nya kakainin? Ahah! Ang saya lang diba? +____+

" Y-Yah! Eto na nga, kakainin na! " Luh? Pero buti naman at natinag sya sa akin. Bwisit.

" Uh, kahapon yung concert nami--ay ng EXO diba? " Lumingon ako sa kanya. Paano nya nalaman? May sinabi ba ako sa kanya? Tumango ako. " Nakapunta ka? " Tanong nya. Sasabihin ko ba? Wag na lang kaya.

" Hindi e. " Tipid kong sagot.

" Liar. " Napalingon nanaman ako sa kanya. Paano nya nalaman?

" Huh? Paano mo nalaman? "

" A-Ah.. K-Kalat kaya sa youtube! " Sabi nya.

" JINJJA? " Kinakabahan na ako ngayon. Uwaaaah.

Tumango sya. " Ne, sige. A-Akyat muna ako. " Nagmamadali syang umakyat.

Hanz‘s POV

Aish. Anong excuse yung sinabi ko? Hindi naman ako sigurado kung meron nga! Aish.

Oo na. Ako at si Luhan ay iisa. Nagdi-disguise lang ako dahil nga alam nyo na, ayaw ko madumog ng fans. Sa pogi ko ba naman. Biro lang. At, kung di nyo pa alam na ako si Luhan sa umpisa pa lang, ewan ko na lang -_-

Agad akong umakyat kahit di pa ako tapos kumain. Gutom pa ako sa totoo lang. Sobrang pagod ako kagabi pero masaya. Yah! Masaya kasi first solo concert namin yun! Wala ng iba.

Binuksan ko yung laptop ko at nagserach ako sa youtube. TLP in Seoul.

EXO Growl

EXO Overdose

Suho Solo

Kyungsoo Solo

Kai with the Model Riah

Luhan Abs

Oh, 568,632 views agad? Hoho. Ibang klase talaga kapogian ko--- Aish. Oo nga pala.

Luhan with the Lucky Girl

Yown! Meron nga. Nakahinga ako ng maluwag. Pero mas nakakagulat toh. 1,289,302 views?! What the? Daig pa MV namin? (Wait, OA lang talaga yung Author kaya ganyan kadami xD) 

Wahhhh. She‘s so Lucky!

I envy her:(

KYAH. She‘s ugly.

His Personal Assistant (Luhan)Where stories live. Discover now