CHAPTER 1

332 12 5
                                    

KC's POV

" Hay, ang pogi pogi mo talaga! "

" *huk* Nakakaasar ka naman e! Wag mo ako tignan ng ganyan! "

" Yan, naiiyak nanaman ako sa kapogian mo! *huk* Yang mga tingin na yan, Waaaahhh. Nakakainlove. "

" Anak ng? Yang ngiti mo e noh, hindi ko talaga alam ! Hindi ko alam kung bakit tumitibok tong puso ko sayo, e samantalang... nakangiti ka lang dyan! "

" Tsk, ewan ko ba. Ni hindi pa kita nakikita sa personal! Hindi pa talaga, sorry my babes! Wala ako kwartaaaaa. "

" Uwaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh " At tuluyan na akong umiyak. Tatlo lang naman ang rason e, Una, dahil wala talaga akong pera para makita sya. Pangalawa, hinding hindi ko sya maabot. At pangatlo,

" ISA SYANG FAFABOL NA ARTISTA, SINGER AT DANCER! WAAH. LUHAN! BAKIT BA KASE, ANG LAYO MO SA AKIN! UWAAAAAAAHHH. ANG SAKI--- "

" Huy, KC! Umayos ka na nga dyan! Maghahanap ka pa ng trabaho! " Si--

" AT! Sinabi ko na sayo na tigil tigilan mo na yang pagpapantasya sa Luhan na yan! Hinding hindi mo maabot yan! Gumising ka nga sa Realidad! "

" OPO KUYA!!! " Argh! Umiiyak na ako e, umiiyak na ako! Tapos biglang magpapanira ng moment toh si Kuya! Tch.

" panira moment talaga. Aish, drama mode na ako e! Kuya talaga! " Bulong ko habang pinanggigigilan yung... yung.. Waaaaahhh. Yung pinadevelop kong picture ni Luhan! Yun yung lagi kong kinakausap!

" Wah, Luhan babes, sorry na. Huhu. Sorry talaga, Kuya kase e. Waaah, patawad. Hindi na mauulit. I love you, I love you! Mwah, mwah! " Inayos ko ang nalukot na picture ni Luhan at pinaghahalikan ito.

" KC! SINABI NANG KUMILOS NA EH! " For sure maala-King kong mukha ni Kuya ngayon. Napatawa naman daw ako don.

" OPO!!!!! " At kumilos na ako, bago pa ako mapatay ni Kuya. Mwehe.

Ako nga pala si KC Mendez. Ulila na ako at nagtutulungan na lang kami ni Kuya upang mabuhay. At, nag-aaral ako ah. Pero, kagagraduate ko lang ng High School. At ngayong bakasyon, tutulungan kong magtrabaho si Kuya. Naawa na kasi ako sa kanya e.

So yun nga, KC Mendez. Eighteen na ako this year. Simple lang ako, at mahirap kami. Aminado na ako, ha? NBSB ako. OO! NBSB! Bakit?

SISIHIN NYO SI LUHAN! Nung una ko palang syang makita, kyaaaaah. Mabaliw baliw na ako dahil dahil, kinuha nya yung puso ko! At, nakita ko sya sa youtube. O, palag? At yun na nga, naging instant EXOstan ako! Tingin ko kase dati sa mga lalaking Kpop, baduy. Bading.

But, EXO changed my pananaw. Ay, hahaha. Specifically, Xi Lu Han! Oo, sya talaga ang unang unang napansin ko e! As in, na-love at first sight ako!

Shet. Okay, tama na. At yung kuya ko naman ay si KD Mendez. Twenty two na yan si Kuya. At kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan! Masipag yan e! Hihi. Hindi nya ako iniwan, as in. Huhu. Kaiyak. So, ayun nga. That's my brief story. Mwahaha, brief na yan.

" Kuya, una na ako ha? Ha? " Pagpapaalam ko kay Kuya. Aalis na ako. Oo, aalis na ako. Hahanapin ko si Luhan. Dejoke. Maghahanap ako ng trabaho, duh? At, talagang mabilis ang pangyayare? Hindi, talagang madami lang ako na-share. Hehe.

" Hay, sigurado ka ba dyan, KC? " Kuya talaga, napag-usapan na namin ang tungkol dito e.

" Kuya, sigurado ako. Ayoko namang maging pabigat sayo, noh! Osya, babush. I luv yah! " At hinalikan ko na sya sa pisngi at lumarga na. Narinig ko pa ang sigaw nya na, " INGAT! " Grabe, feeling naman ni Kuya shunga ako!

*thud*

" Ay kabayo! " Sigaw ko. Argh, natapilok ako e. Awts. Medyo masakit. Medyo lang naman. Ayan, ayan! Nabati tuloy ako. Kasasabi lang mag-ingat. Tss.

XX

" Sorry talaga, ija. Kelangan kasi namin yung nasa tamang edad na. " Aish. Ano ba naman toh! Kelangan ba talaga laging 18 years old para makapag trabaho?

" Sir., mag-e-eighteen na rin naman ho ako this year. So, pwede naman po siguro yun diba? Please?! " Hawak ko yung kamay ni Sir Manalo. Siya yung may-ari nitong bar. Hoy! Disenteng bar toh ah. Hindi ako magpo-prosti! Kung isusuko ko man ang aking perlas ng silangan, kay Luhan lang. Sya, at sya lang! Arasso? Hehe. Joke. So, as I was saying, waiter ang in-a-apply-an ko dito ah. Kaso, bawal daw. Kasi daw, hindi pa ako 18! Argh. Kulang na nga lang lumuhod at umiyak ako ng bato dito sa harap ni Sir Manalo e. Hello? Pang-50 ko na tong pag-a-apply-an! Oo, madami na ako in-apply-an! At, walanjo lang talaga yung dahilan!!! Argh.

" Ija, kahit ano pang sabihin mo, bawal talaga. Saka ka na lang bumalik kapag eighteen ka na. Sorry talaga ha? Sorry. Sana maintindihan mo. " Tumango na lang ako kay Sir Manalo. At, tumalikod. Naiiyak ako, tae. Paano ko na lang matutulungan si Kuya? Gabi na rin, baka may mangyare pa sa aking masama. Aish. Nakakafrustrate toh! Bigla akong napatingin doon sa picture sa wallet ko.

*kruuuuuuu~*

Ay, nakalimutan ko, hindi pa pala ako kumakain. Umupo ako sa bangketa at inilabas ang egg sandwhich na pabaon sa akin ni Kuya.

" Tsk. Bakit ba, makita palang kita, nafu-full battery ako! Ginayuma mo ako noh? " Oo, kausap ko si Luhan!! Yung picture nya, hehe.

" Aish, wag mo ko titignan ng ganyan. Hay, babes. Tingin mo ba, may mahahanap pa akong trabaho? Nakakabad vibes naman sila e. Kelangan ba talaga eighteen years old ka? Nasaan naman ang hustisya doon? " Medyo naiiyak na ako dito ah! Tinignan ko uli yung picture ni Luhan na nakangiti sa akin.

" Hay, oo na nga. Hindi ako mawawalan na pag-asa! Ahihi~ Ikaw kashi ih. Pinapakilig mo aku. Ahihihi. --- Oo na. Oo na, maghahanap na ng trabaho! Ahhh! Luhan. Maghimala ka nga! Kelangan ko ng trabaho!!! " Parang akong tanga dito. Pinagtitinginan ako ng mga tao, actually. But, who cares. This is me. Im super insane! Im super Crazy! Crazy inlove with this man infront of me. Hihi, si Luhan. Yung sa picture! Hehe.

" Luhan? Sinabi mo bang Luhan? " S-Sabi ng isang lalaking ...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Sinetch ang nagsalita? Ahihi. Anyway, ALWAYS SHORT ANG UD KO. Ayan ha. Ayan. Hindi halatang patay na patay kay Luhan :3 xD Abangan ang next chapter ;*

Anyway, picture ni Luhan sa side! Yun po yung picture na lagi nyang kausap! xD

Vote, Share & Comment.

Kamsa:))

~LuhanIsHartHart♥

His Personal Assistant (Luhan)Where stories live. Discover now