CHAPTER 2

178 10 2
                                    

KC's POV

" Luhan? Sinabi mo bang Luhan? " S-Sabi nitong matanda sa akin. Actually, hindi sya nakakatakot. Tas, mukhang 50's ba rin. Pero nakapambahay siya e. Ano bang kelangan nya? Ang tsismoso ha! Wag nya sabihing, may gusto siya kay babes! Ahhhhh. Ano ba ito.

" Ah, hindi po. Sabi ko po, Yohan. Oo, tama po. Yohan. K-Kapatid ko po yun, hehe. " Hoy, di ko sasabihin sa kanya na kilala ko si Luhan! Baka, agawin nya sa akin. Kase, diba? For sure magtatanong yan ng kung anu ano tungkol kay Luhan, at di ko maiiwasang hindi sagutin dahil, hindi ko rin alam. Basta basta na lang nagsasalita itong bibig ko e. At, imbento ko lang talaga yung Yohan. Ahahaha. Halata naman diba? Wag slow.

" Ohh, okay. " Tumango tango pa sya nyan ah. Napansin kong napatingin sya sa pagkain ko. Gutom na kaya sya? Kawawa naman, ibibigay ko na nga.

" Gutom ka po ba? Sige, sa inyo na ho ito. Hehe. Busog pa ho ako e. " Kinuha naman nya yung egg sandwich ko. Uwaaaah. Akala ko, ayaw nya e. Wah, okay. Ayos lang yan, magpaka-good samaritan ka naman KC kahit minsan lang.

" Hmm, so. Kelangan mo ng trabaho? " Tanong nya sa akin at tumingin sa akin from head to toe. Tapos from toe to head.

" Y-Yes po. P-Pero disente po g-gusto ko! H-Hindi po yung pagiging p-pokpokers! " Sabi ko sabay cross ng arms ko sa ibabaw ng chest ko. Gets nyo naman siguro? Yung parang, 'wag po' style. Ganon.

" Ahahahaha. You're funny, ija. Dont worry, hindi naman yun yung ibibigay ko sayo e. Well, sort of -----Joke lang. Sumama ka na lang sa akin. " S-Sasama ba talaga ako sa kanya? Wah. Sasama ba ako? Pagkakatiwalaan ko ba toh? Tumingin ako sa kanya at nagsisimula na syang lumakad papalayo. Wah, Luhan! Give me a sign kung sasama ba ako sa kanya! Pakulugin mo ang langit!

*kruuuugggsh*

Ayshet. Naman, Luhan! Sabi ko kulog lang, walang kidlat! Kapag talaga Luhan, may nangyare sa aking masama!!!!

Mahal pa rin kita, ehehe.

" Ah! Wait lang po! " At hinabol ko sya. Wait, nasan na sya? Luhan babes naman e! Ang tagal mo kase sumagot. Kaasar ka! Aalis na sana ako ng bumukas yung binatana ng kotse sa harap ko. Woooow. Taray.

" Akala ko, ayaw mo na e. " Aypusa! Napahawak naman ako sa kaliwang bahagi ng puso ko. Ginugulat ako nito e. Ay wait, anong ginagawa nya dyan? Bakit sya nandyan? Bakit sya nasa kotse? Akala ko ba poorito lang yon?

" Oh, tara na, Miss. Sakay na. Wag ka mag-alala. Hindi naman ako masama. Believe me. " Na-convince naman ako sa itchura nya at pumasok na ako. Wow, wow lang talaga. First time kong sumakay sa private car ah. At, may driver si Sir! At, may bodyguard pa! Antarush! Big time pala ito! Hindi kasi halata e, bukod sa nakapambahay sya e, kinuha nya yung egg sandwich ko. Hehe.

XX

Andito kami sa, starbucks. Ahuh! At, wag ka. First time ko ito. Grabe, ang sarap pala dito e. Hihi.

" Okay, Miss? "

" Ah, KC Mendez po. Kahit KC na lang. " At nag-smile ako sa kanya. Hehe. Pakabait ako noh. Hello? Haha. Nilibre ako e.

" Okay, KC. Gusto mo ba ng trabaho? " Tanong nya sa akin.

" Opo! Opo! Kahit ano po! " Agad agad na sagot ko. As in agad agad!

" Kahit ano talaga? Okay. You'll be hmm, how would I say this? Yaya? Nah. Maid? Nah. " Puzzled na puzzled ni Mr. Ahm. Hindi ko alam pangalan nya e. Hehe. Mamaya ko na itatanong. Ah, wait, ano ba yun? Yaya at Maid? Hindi daw? Baka naman,

" Personal Assistant po ba? "

" Ah, yeah. Tama. Personal assistant nga. So, ayos lang ba sayo? " Hmmm. Ano bang klase yung magiging amo ko? Ma-ala Cross Sandford ba? Ahh. Ayoko ng ganon! Masyadong masasakit magsalita. Ay wait, pogi kaya? Ahihi. Sana. Ayt. Kalandian inuuna?

His Personal Assistant (Luhan)Where stories live. Discover now