Part 5

9.9K 300 27
                                    

****UNEDITED*****



"UY, ANONG meron?"

Hindi pinansin ni Kelly ang natigil sa paglalaro ng basketball na sina Haru at Waki. Saglit silang naghiwalay kanina ni Buwi para magpalit ng uniporme sa taekwondo sa kani-kanilang bahay. Nauna siyang nagtungo sa gym at ilang sandali lang naman ay naroon na rin si Buwi. Walang tao sa roon nang oras na iyon dahil alas nuwebe pa lang ng umaga at nasa paaralan o opisina na ang mga taong karaniwan ay makikitang naroon na naglalaro. Hindi nga niya alam kung bakit naglalaro ng one-on-one basketball ngayon doon ang artistang si Waki at ang reporter na si Haru, dalawa sa pinaka-abalang residente sa Calle Pogi. But enough of them. Hindi ang mga ito ang dapat na pinagtutuunan niya ng pansin kundi ang kumag na si Buwi.

Pumuwesto na sila sa parte ng malawak na covered gym na iyon kung saan naroon ang malaking mat. Ginagamit iyon tuwing Saturday para sa libreng taekwondo session ni Buwi sa mga batang gustong matuto ng martial arts.

And damn the man for looking so sexy in his uniform!

"Buwi, don't tell me pumapatol ka na ngayon sa mga babae," wika naman ni Waki. "Masama iyan sa reputasyon natin, kumpadre. Alam mo naman tayong mga pogi dito sa Calle Pogi. Gentleman tayo—"

"Shut up, Waki," saway niya rito.

"Okay. Haru, pustahan tayo. Bet ko si Buwi ang mananalo."

"Paano ba iyan? Si Buwi rin ang bet ko."

"I place my bet on the girl."

Napalingon siya sa pinanggalingan ng malamyos na boses na iyon. Isang babae ang nakita niyang prenteng nakaupo sa bench na malapit kina Haru at Waki. She was wearing a black shirt, cargo pants and boots that looked like one of those that the military wore. Hindi rin pamilyar sa kanya ang mukha nito kaya sigurado siyang hindi ito taga-Calle Pogi. Napakunot ang kanyang noo. Isa na naman ba ito sa mga babaeng humahabol-habol kay Buwi?

Umiling ang babae. "Hindi ako ang kalaban mo, Kelly. Buhawi's not my type of guy."

"Wait, baka fan ko iyan." Nakangiting tumayo na si Waki upang lapitan ang babae. "Autograph ba ang gusto mo o picture lang? Although puwede kong ibigay ang dalawang iyon—"

"I'm not your fan," wika ng babae. Waki stopped in midstride. "Hindi pa ako nasisiraan ng ulo. At hindi ko type ang pag-arte mo, Joaquin Antonio. Sorry."

Natahimik silang lahat sa tinuran nito. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakarinig sila ng ganitong komento para sa pinakasikat nilang residente roon sa Calle Pogi. Napatingin siya kay Waki. Hindi na maipinta ang itsura nito. Sanay nga naman itong laging pinupuri at pinagkakaguluhan kaya ang makarinig ng ganoong mga salita ay isang malaking insulto para rito.

Muli siyang binalingan ng babae. "O, hindi pa ba kayo magsisimula? Siya nga pala, Kelly, huwag kang magpapatalo. Itayo mo ang bandera nating mga babae."

"Kilala mo ako?" tanong niya rito. "Kilala mo kami..."

"That's Jazzy," sagot ni Haru na napapailing na lang. "Kim Jaze Asuncion, Bucho's younger sister."

"Sister?"

Naghikab ito saka siya muling binalingan. "Magsimula na kayo at nang may makita naman akong interesante sa lugar na ito."

Doon lang niya naalala ang tungkol sa agenda nila ni Buwi. Hinarap na niya ito. At huling-huli niya itong nakatingin kay Jazzy. Kumulo ang kanyang dugo at nauna ng sinugod ang binata. Nagulat ito at napaurong kasabay ng pagsangga sa kanyang suntok at sipa.

CALLE POGI #1: BUWIWhere stories live. Discover now