Part 4

10K 283 25
                                    

****UNEDITED****

NASA BINTANA si Kelly at itinatapik-tapik niya sa kanyang pisngi ang cellphone niya habang nakatanaw sa kabilang kalye. Naroon kasi ang bahay ni Buwi. At idini-display na naman ang katawan sa madla habang naglilinis ng kotse nito sa garahe ng bahay nito. If she didn't know better, nagpapapansin lang ito sa mga babaeng napapadaan sa labas ng bahay nito. At ang mga babae naman, nagpapaakit din. Pinapatulan ang mga simpleng pagpapa-cute nito.

Kunsabagay, talaga namang guwapo ito. Oo sige na, aaminin na niya iyon. He has a great smile and a great body. Kaya kung marami man ang nahuhumaling na babae dito, hindi na iyon kataka-taka. Plus, he was such a charming jerk. At aware ito sa mga assets nitong iyon na ginagamit naman nito sa lahat ng pagkakataon para makapang-akit ng mga babae. What a playboy! And she hated playboys. Markado na sa kanya ang mga lalaking gaya nito. Minsan na kasi siyang nakaranas mabigo nang todo dahil sa isang playboy.

Nakita niyang napapahinto at napapakaway ang mga babaeng residente ng Calle Pogi sa tapat ng bakuran nitong ang tanging tumatayong bakod ay maliliit na halaman ng drawf santan. Wala dapat siyang pakialam ngunit hindi niya maiwasang maramdaman ang iritasyong iyon habang patuloy itong pinagmamasdang nakikipagtawanan sa mga babaeng iyon.

Nanggigigil niyang hinablot ang teddy bear na ibinigay nito sa kanya kahapon. "May pa-teddybear-teddybear ka pang nalalaman! If I know, kaya mo lang ibinigay sa akin ito ay dahil hindi ka makapili sa mga babae mo na pagbibigyan nito. Hmp!"

Hidni na siya nakatiis kaya tinawagan na niya ang numero ng kanilang barangay captain, using her altered voice.

"May ire-report lang akong hindi kaaya-ayang eksena—"

"Kelly, bakit kaya hindi mo na lang kausapin ng maayos si Buwi na huwag na niyang i-display ang katawan niya sa mga babae rito dahil nagseselos ka?"

Napasinghap siya. "Hindi ako si Kelly! At mas lalong hindi ako nagseselos! Bakit ako magseselos?"

"Isn't it obvious enough? You like Buwi."

"I'm don't—" Tumikhim siya at ibinalik ang pinababang boses na ginamit kanina. "I'm not Kelly."

"I have a private investigation company, Kelly," he said in a bored voice. "You can't fool me with a cheap trick by just altering your voice everytime you call in to report Buwi and his...'display'. So, give me a break, will you? Kung ayaw mong may ibang nakakakita sa katawan ni Buwi, pagsabihan mo siya. Makikinig naman iyon sa iyo."

Maang na lang siya ng napatitig sa kanyang cellphone nang dial tone na lang ang sumunod na marinig mula sa kabilang linya. Pinagbabaan siya ng cellphone ni Bucho! How dare him!

"At sinabi ng hindi ako nagseselos!" sigaw pa rin niya sa cellphone. Iritado na siya at hindi mapakali sa loob ng kanyang silid. "I don't like him! At wala akong pakialam kung magburles man siya araw-araw sa harap ng mga babae! He could stripped off all his clothes for all I care! Buwisit!"

Ang problema, tila nahihirapan siyang kumbinsihin ang kanyang sarili na sumang-ayon sa sinabi niyang iyon. Kung hindi ba naman siya sira-ulo, sarili na niya ay hindi pa niya makumbinsi. Nanggigigil na lang niyang pinagdiskitan ang teddy bear na ibinigay ni Buwi. Pinagsusuntok niya iyon at pinagsisipa. Kinagat-kagat at sinabunutan. Walang nangyari. Nakalma man siya pero naroon pa rin ang nakakairitang katotohanan.

That she...somehow...liked him. To her utter dismay. "Hindi ito maaari. Ayoko sa mga playboy. Mga tinamaan sila ng lintik!"

Upang makapag-isip ng maayos, at makumbinsi ang kanyang puso na kalimutan ang kalokohang damdamin niyang iyon kay Buwi, ipinasya niyang maglakad-lakad na muna. Subalit sa kanyang paglabas ay ang imahe na naman ni Buwi ang sumalubong sa kanya. He was fixing a kid's bike in front of his house. His admirers weren't there anymore. But that feelings for she just realized was still there. Iiwas na sana siya nang mapalingon sa kanya ang bata at kumaway.

CALLE POGI #1: BUWIWhere stories live. Discover now