Part 3

10.9K 294 24
                                    

****UNEDITED****


"WE NEED you here, Kelly. Nagkakagulo na naman ang mga dubbers natin dito sa studio." Napalatak na lang ang station manager nina Kelly sa Vaizard Studios. Kasalukuyan niya itong kausap sa telepono. At as usual, hyperactive na naman ito. "Kung bakit naman kasi sunod-sunod itong projects natin sa apat na tv station. Napapraning na ako!"

"Calm down, Kristine—"

"Don't tell me to calm down! Dahil kapag kumalma ako, magbibigti na talaga ako! Teka, tapos mo na ba ang ipinapagawa ko sa iyo? Kailangan ko na iyan dito sa studio. Naabisuhan ko na ang mga dubbers—Kulang na naman pala ang mga dubbers natin. Buwisit talaga!"

Napakamot na lang siya ng ulo. Wala na nga talagang pag-asang kumalma pa ang station manager nilang ito. "Alam ko hindi pa tapos ang grupo nina Martel sa pagda-dub ng Koreanovela nila. Hayaan mo na muna silang tapusin iyon. Ibigay na lang muna natin sa mga dubbers natin ang kopya ng anime na susunod na ida-dub para magkaroon sila ng ideya kung paano ide-deliver ang boses ng bawat character doon—"

"Okay, ikaw na ang dubbing director ng grupo nina Martel ngayon. Now get your butt here!"

"Ha? Dubbing director? Pero, Kristine—"

"Ayaw mo?"

"Gusto. Kaya lang—"

"No buts. Just be here in..." Marahil ay tiningnan nito ang oras sa paborito nitong wrist watch. "Just be here. Ayokong masira ang pangalan ng Vaizard Studios kaya kahit puro sila pasaway, kailangan pa rin nating ayusin ang trabaho natin. Miss Kelly Bailon, nakikinig ka ba?"

"Oo..." Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maaasar sa biglaang appointment na ito sa kanya. Pero matagal na rin naman niyang pangarap na umangat sa posisyon niya ngayon at heto na ang magandang pagkakataon na hinihintay niya. "Sige, pupunta na ako riyan."

"'Yung script for the translation ng anime—"

"Oo na, oo na. Dadalhin ko na."

Pagkatapos kausapin ang studio manager ay naligo na siya at nagbihis. Alas otso pa lang ng umaga. Siguradong umaatikabong traffic na naman ang sasagupain niya. Pahirapan pa namang sumakay sa lugar nila dahil ilang barangay na muna ang dadaanan ng mga sasakyan doon bago makarating sa kanila. Pero hindi siya papayag na ang traffic lang ang pipigil sa pagkakataon niyang umangat sa kanyang trabaho. No way.

Kipkip ang mga script na ilang gabi rin niyang pinagpuyatan na matapos, nagmamadali na siyang naglakad palabas ng kanilang barangay. Sa bungad niyon ay ang terminal ng mga tricycle. Nag-aabang-abang siya ng tricycle para sana mas mapadali siya ngunit tila minamalas siya. Hanggang sa gulatin na lamang siya ng malakas na businang iyon sa likuran niya. Sa pagkagulat ay nabitiwan niya ang mga hawak. Mabilis niyang hinabol ang mga piraso ng papel na nililipad na ng hangin nang lingunin niya ang may kasalanan ng lahat ng iyon. Buwi was just stepping out of his car, grinning.

Umusok ang kanyang ilong. "Buhawi Magno! Kapag nawala kahit isa sa mga script ko, ibabalik kita sa tiyan ng nanay mo!"

"Good morning to you too, Kelly."

Iyon lang at mabilis na itong kumilos. Ipinakita nitong muli sa kanya nang mga sandaling iyon kung bakit ito ang nag-iisang pinakamagaling na Martial Artist sa buong Laguna, kung hindi man sa buong bansa. His movements were swift and graceful as he stepped on tree trunks, fences and walls while picking up the papers in the air that was blown away by the wind. His agility and flexibility were incomparable, it was like as if he was flying in the air. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang pagmasdan na lang ito at hangaan ang ipinapakita nitong galing.

CALLE POGI #1: BUWIWhere stories live. Discover now