Chapter One

314K 4.2K 307
                                    

Chapter One

          KANINA pa singhot ng singhot si Bree habang nanonood ng kanyang paboritong movie. Kaya hindi nakapagtatakang mapagkamalan siyang baliw dahil hindi lang siya lumuluha ngumangawa at panay ang pahid ng luha at sipon sa kumot na yakap-yakap niya.

"Alam mo Beatrice Gem Villegas dinudumihan mo na naman ang kumot ko nakakadiri ka talaga." Nandidiring hinila ng kanyang bestfriend na katulad din niya ay may saltik sa utak. Nasa apartment kasi siya ni Ayeth dahil doon naman siya minsan pumupunta kapag nabobore na siya sa buhay.

"Ang arte naman nito, alam mo ang damot mo ang arte mo pa." nakangusong sumbat niya sa kaibigan. Normal na sa kanila ang maging ganoon sa isa't isa, may isa pa silang kaibigan si Rayleigh na hindi niya alam kung saang lupalop nagpunta. Bakit sila nagkakasundo? Dahil pareho silang baliw, she is a painter, si Rayleigh naman ay isang wildlife photographer kaya madalas itong wala at si Ayeth naman bagamat galing sa isang may kayang pamilya ay naisipang bumukod at mamahay sa isang maliit na apartment ay isang writer.

"Hindi kaya ikaw ang naglalaba niyan alam mo bang ang mahal ng magpalaundry ngayon lalo na sa kumot? Alam mo bang ang kilo ng damit ay twenty-five pesos?"

She rolled her eyes and focus on the show, she is watching her ever favorite '3 idiots'. Crush kasi niya si Amer Khan ang cute kasi nito pero mas type niya ang story ng kwento ng Indian movie na iyon. She just found it to be complete, halos nandoon na kasi ang lahat. May romance, drama, pampamilya, friendship, success at kung anu-ano pa.

"Itigil mo na nga iyan." Akmang aabutin nito ang remote ng tinalon niya ito at nagpagulong-gulong siya na parang bola sa sahig nito at medyo tumama pa nga ang siko niya sa edge ng kabaong... treasure box na nasa ilalim ng bed nito.

"Huwag please! Malapit ng matapos oh, tatalon na si Raju sa bintana---ahhhhhh!" tumili siya ng makitang sinusugod na sa hospital ang sinabi niyang character ng kwento. "Ayan tingnan mo hindi ko nakita tabi nga diyan at ng marewind ko na."

"Bree doon ka nga sa condo mo umuwi."

"Ayoko doon nakakata-cute." Nagpeace sign siya dito. "Actually nanood ako ng Thai movie na Coming Soon at ng magflash ang scary face ni Shomba ay napatakbo ako dito hindi ko na na-off ang TV ko continuous pa naman iyon. You know kahit na matapos ang movie muling magpeplay iyon kaya alam kong buhay pa ang TV ko at nandoon pa si Shomba."

"Shunga ka! Ang hilig mong manood ng mga foreign movies na hindi mo naman alam language tapos horror pa and then matatakot ka lang din naman."

"Ganyan talaga ang buhay dapat ka ng masanay wala ding mangya—arrrayy!" Hiyaw niya ng tumama sa mukha niya ang unan na ibinato nito sa kanya. "Child abuse ka na!" sigaw niya dito.

"Jeez woman, you are breaking my eardrum."

"Para kang iyong troll sa Dora the explorer, so grumpy! Virgin!" inis na tukso niya dito. Ayeth smirks at her and look at her from head to foot at nagtaas ng mga kilay.

"Nagsalita ang hindi virgin."

"Eh ano naman ngayon I am not saving it for my future husband." It's true, she is still a virgin but it doesn't mean she will keep it forever. Hindi siya pakawalang babae at nagkaboyfriend din naman siya. Kaso sabi nga ng mga exes niya hindi siya marunong magseryoso sa isang relasyon. At mas gusto niya na magkaroon lang ng anak keysa magkaroon ng asawa.

"Itutuloy mo talaga iyong plano mong magpabuntis lang?"

"Iyon huwag na huwag mong nilalanglang ang pagbubuntis mahirap kaya iyon sabi ni Rayleigh. Nakita niyang nanganak iyong alaga nilang kalabaw."

Marked Series 1: Destined To Be Yours  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon