Chapter 18 - HALF SISTER

4K 89 0
                                    

Chapter 18- HALF SISTER

Jera's Point of View

Three beautiful weeks na ang nagpass. One week na lang ang itatagal namin ni CJ dito. At ngayong araw na ito, pupunta kami sa isang magandang park dito. Ang pangngalan ng park na ito ay Sandara Park! Dejoke lang! Linkin Park ang pangngalan ng park na ito. Yes! Ito po yung rock band na Linkin Park.

And may past din ito'ng park na ito. Isang masakit na past. :((

Dito nahuli ni dad si mama na may kabit. Pero we'll delete the old painful past, at gagawa kami ng isang masayang ala-ala.

Nag ikot-ikot kami sa buong park. Madaming mga bench, swings, playgrounds, at mga garden. Pwede kang pumitas ng mga bulaklak, pero magbabayad ka muna ng one hundred pesos. Unlimited Flower Picking na 'yun.

Bale, sagot lahat ni mom ang gastusin sa flower picking namin.

---

Bago kami pumasok sa garden na puno ng flowers, may kumalabit kay CJ.

''CJ! I never expected to see you here in Linkin Park! So? What brings you here?'' isang babae. Muhkang nairita si CJ habang kinakausap nya yung babae.

''....'' walang sinagot si CJ. 'Di nya pinansin yung babae.

''Hey! Why don't you introduce me to your lovely sister and parents.'' sister? Asan?! Naloloka na ata 'to, ah!

''Jera, this Laureen. S'ya yung bagong transfer student sa class natin. And by the way, Laureen, this is my fiancée Jera.'' Laureen? Parang narinig ko na ang pangngalan nya at boses nya. Wait ... San ko ba sya nakita o narinig?

AYUN!! TUMPAK!!

''Ikaw ba yung tumawag sa'kin nung gabi, one time?'' sabi ko.

''What are you talking about?'' mataray na respond nya.

''Ikaw 'yun! Sabi mo pa nga 'nun, ikaw si Laureen! Ang dyosa ng kagandahan, tapos sabi mo pa nasa tabi mo pa si CJ pero nasa kabilang kama lang sya. Ikaw 'yun.'' indict ko sa kanya. (Indict means: to charge with a fault or offense
Courtesy: Merriam-Webster app-dictionary)

Tiningnan ni CJ nang masama si Laureen.

Biglang may tumawag kay Laureen, ''Laureen! Let's go to the garden. Yesha and dad is waiting for you.'' tiningnan ko 'yung tumawag sa kanya. Laking gulat ko kung sino ang tumawag sa kanya ...

ANG TAKSIL KO'NG INA ...

''So? Step sister pala kita?'' banat ko kay Laureen.

''What are you talking about?!''

''Well ... it's looks like parehas ang nanay natin?''

''Mom, what is she talking about?'' catechize nya sa mama nya, and also my biological mom.

''She's the one I'm telling my daughter from my first marriage. She's right. You're HALF SISTERS.'' ANO 'TO? HALF SISTERS NG GMA?! BARBIE AND THEA?!

Oo, medyo na shock ako. 'Di lang halata.

''HUUWHAAT?! 'Yang ahas na 'yan ang half sis ko?!! No way!'' ANO DAW?!?! AHAS?!? Baka gusto mo tuklawin kita at makita mo ang tunay na ahas?!?

Kainis! Ito'ng babaeng 'to ang kapatid ko?!? Eeww!

Makapamitas na nga lang ng flowers!

---

Habang namimitas ako ng flowers, tumatakbo parin sa isip ko ang half sis ko! Deeeeep inside parang sinasaksak ako. May kapatid akong hindi ko kilala. May gana pa talaga syang lumande.

Sa tuwing nakikita ko s'ya naaalala ko parin ang pagtanggi ni mama sa'kin at pagtulak n'ya sa akin. Parang tinulak nya ako sa Mt. Everest nung nalaman ko'ng nagkaanak pa s'ya sa ibang lalake.

Pero malaking palaisipan sa utak ko kung BIOLOGICAL sister ko kaya si Laureen? O anak lang s'ya sa ibang babae ng papa nya?

Ewan. Basta ang importante may rason ako para lalong 'di na patawarin si mama.

--END OF CHAPTER 18--

Nagustuhan nyo po ba? Medyo magulo po ba ang chapter ngayon? Ask nyo lang po kami kung san po kayo naguguluhan.

May upcoming story nga pala si Christine Joy. S'ya po yung kasama ko sa paggawa ng stories. 'Di nya pa po sinasabi kung anong storya yun. Pero I'll call her the next day. :))

Announcement:

Maglalagay na po kami ng Chapter sa Fight? or Give Up?. Asahan ang mabagal na update pagdating sa chapter three.

That's all! THENK YEE!

16 and PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon