Chapter 13- Laureen, The new FOE

4.6K 92 1
                                    

Yes! Malapit na mag-600 reads ang 16 and Pregnant! WOOOHOOO!!! Basta hanggang sa matapos ang storyang ito sana'y patuloy ninyong suportahan!

--CHAPTER 13--

CJ's Point of View

'' Uy! Pare kilala mo ba yung bagong transfer student dito sa school?! Wow pare ang ganda daw! Sexy! ''

'' Talaga pare? Liligawan ko pare! ''

*TOK!*

'' Aray pare! Bakit mo ako binatukan?! '' reklamo nung isang lalaki.

'' ULUL! Ako ang poporma sa kanya! ''

'' SHUNGA! Para walang away, paunahan na lang! '' yun ang pinagkasunduan ng dalawang lalaki. Kasabay ko silang naglalakad kaya rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. Marami na rin akong naririnig na usap-usapan tungkol sa new transferee. Di pa nga dumadating yung transferee student alam na nila agad ang itsura nun? ABAY MATINDI! Aay, di lang pala matindi PSYCHIC pa!!

''San nyo nalaman ang itsura nung transfer student?'' bigla ko silang nilapitan sa harap nila at tinanong.

''CJ naman! Magtatanong ka na nga lang, eh mang-gugulat ka pa,'' sorry! Akala ko psychic talaga kayo at alam nyo na susulpot ako!

''Sorry naman, pare.'' pasensya ko with matching smile at peace sign.

''Yung bagong transfer student? Nalaman namin yung itsura dahil kalat na kalat na ang ang picture nya!'' sabi nung lalaking binatukan.

''Pare naman! Linawin mo naman yung explanation mo kay CJ! Sinabi mo nga kung pano natin nakita ang itsura, pero pano naman nya malalaman kung saan natin nakuha yung picture?! Ako na nga lang magsabi! Tanga mo kasi eh!''

''Sorry! Ako nag mag-explain!''

''Hindi! Ako na! Di buo ang paliwanag mo eh!''

''Ako na! Aayusin ko na!'' nagtatanong lang ako tapos ang layo na ng napuntahan ng pinag-uusapan namin!

16 and PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon